CHAPTER XXXVII: Organization

27 2 0
                                    


"WAHHHHUHUHU!!! SAN KA BA NAGPUNTA???!!! ALAM MO BA KUNG GANO AKO NAGDUSA NUNG MAWALA KA!!!"... As expected, magiging ganyan talaga ang reaksyon ni Ron matapos nyang makita ulit si Elijah matapos mawala nito sa mahabang panahon.

"Pasensya na. Nung una, ang pagkaka-alam ko, kayo 'tong umiwan sakin eh," ang tangi lang nasagot ng dalaga.

"Eh san ka ba kasi pumunta? Nung paggising na lang kasi namin eh nawawala ka na," agad na tanong ni Bugz.

"Hindi ko rin sigurado kung nasan ako nung gumising ako eh. Basta ang alam ko, biglang may mga taong nagkakagulo sa kapaligiran ko. Puro salamin ang bawat pader, kita ko pati yung ibang bahagi ng gusaling yun. Tapos yung mga tao, para bang manghang-mangha sila na makita akong bumangon sa kama ko. Pagkatapos nun, may lalaki akong nakita sa kwarto din na yun na nagbigay ng babala sakin. Ang sabi nya, wag daw akong maniniwala sa mga taong may cross sign na tatoo sa leeg," nagtinginan kaming bigla na magkakasama habang si Ted eh wala pa ring malay na nakahiga sa kama ko.

"Teka, ibigsabihin, hindi ka talaga totoong bula---," tinakpan ko kaagad ang bibig ni Bugz bago pa man nya masabi ang hindi dapat.

"Sinong lalaki ba yan?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin sigurado pero ang nakita ko lang na nakasulat sa parang nametag na nakakabit sa suot nya ay XY15. Habang yung nakasulat naman sakin ay ZY04. Hindi ko alam kung anong ibigsabihin nun."

"Sige lang. Ikuwento mo lahat ng nalalaman mo," sambit ni Rio na mukhang mas seryoso pa kaysa sa pagiging seryoso nya dati.

"Sabi nung lalaking yun, sya daw mismo ang nagsara nung pintuan para hindi kami pasukin nung mga taong may cross sign tatoo. Aligaga sya nung mga oras na yun. Kung ano-ano yung binubuksan nya sa mga computer na nakapaligid sa mga kama namin. Ang nakakapagtaka dun, sa kabilang kwarto, may mga nakita akong iba ring mga tao na mukhang malalalim ang tulog. Magkakaparehas kami ng suot."

"Ang weird. Nakalabas ka lang kaya ng panaginip na to o----."

"Totoong nakalabas ako," mabilis na sagot ni Elijah sa dapat na itatanong ko pa lang. "Sa tagal kong nandun eh nalaman ko na ring ipinasok tayo sa panaginip na 'to para magsagawa ang organisasyon na yon ng isang experiment. Wala pa kaming kasiguraduhan ni XY15 kung ano nga bang dahilan. Ang alam lang namin, hindi maganda ang ginagawa ng mga tao na yun satin. Marami silang mga katawang ginamit para ipasok sa panaginip na 'to kaya hindi rin ako sigurado kung sino ang mga ilusyon lang sa mundong 'to at kung sino ang totoo."

"Ano pang nakita mo sa kwartong yun?" tanong pa ni Ron. Hindi kaagad nakasagot si Elijah. Mukha kasing bigla syang nag-alangan.

"Sa kwartong yun... Sa tabi ng kama ko... Merong isang capsule. Isang malaking capsule kung saan merong tao sa loob. Nakalubog sila sa tubig at nakakahinga sila gamit ang mga wires na nakakabit sa mga katawan nila... Hindi ko nga lang alam kung talaga ngang humihinga sila. Lahat kasi ng taong nakita ko sa loob ng capsule eh mga walang malay. Maging sa ibang mga taong natutulog dun, wala ring malay ang mga taong nasa capsule na nasa tabi lang ng kama nila tulad nung akin... Pero hindi lang yun ang nakakabahala. Yung nasa loob kasi ng capsule ko.... Hindi lang sya isang simple't ordinaryong tao para sakin."

"Bakit? Sabihin mong kilala mo sya?" side comment pa na galing kay Rio.

"Oo. Kilala ko sya.... Kilalang-kilala... Yung tao kasi na yun sa loob ng capsule... Ay ang.... Ay ang mama ko," bigla kaming nagtinginan ulit sa isat-isa. Panong nangyaring may kamag-anak sya dun? "Ang mas weird pa dyan... Matagal naman nang patay ang mama ko."

"May posibilidad kayang, yung lahat ng tao sa capsule ay yaong mga namatay nang kamag-anak nung mga ipinasok sa panaginip na 'to?" agad kong reaksyon sa kwento ng dalaga.

"Yun nga ang iniisip naming posibilidad. May sinabi rin sakin si XY15. Nabanggit nya na kaylangan daw naming sirain ang system para magising namin ang ibang mga tao na kasama sa experiment. Kaylangan namin silang iligtas dahil kapag hindi nagtagumpay ang pagpapatakbo sa plano ng mga taong yun ay siguradong kamatayan ang kapalit. Kaya agad akong tumulong sa kanya na sirain ang lahat ng computers at makina para na rin hindi na kami makontrol ng organisasyon nila. Nagtagumpay naman kami dahil nagising ang ilang mga subject. Pero hindi lahat. Nag-alala ako sa inyo dahil hindi ko kayo makita kaya nagdesisyon kaming mga nagising na, na lumaban sa mga taong yun. Balak kasi naming kontrolin ang pinaka-utak ng system pero lubhang delikado pa samin yun dahil kaunti lang kami sa mga oras na yun at maraming bantay sa main system.

Nag-isip pa ulit kami ng paraan para mailabas ang ibang mga subject sa panaginip na 'to. Ito ang dahilan kaya narito ako ngayon. Hinanap ko kayo sa system at dito ko piniling pumasok ulit para iligtas ko kayo."

"Ano kamo? Pero bakit nanggaling ka mismo sa katawan ni Ted? Kaylan pa naging portal yug likuran ni Ted?" mapang-asar na sambit ni Bugz.

"Iyon na nga yun. Humanap ako ng pinakamalapit na gate na pwede kong pasukan para mahagilap ko kaagad kayo at sakto namang nagbukas ang gate sa katawan mismo ni Ted. Ilang beses ko pa ngang sinubukang tumawid pero nahirapan ako. Buti na lang at nagtagumpay ako," napangiti pa ang dalaga sa kabila ng ginawa nya kay Ted.

"Kaya naman pala pasakit nang pasakit yung likod ni Ted eh. May lalabas naman palang portal sa likod nya. Kawawang bata," alam kong nag-aalala si Ron sa mga oras na yun dahil wala pa ring malay si Ted.

"So ano? Sana naman nung pumasok ka eh naisipan mo ding alamin kung pano makakalabas dito," sambit ni Rio sa mababang boses.

"Syempre naman. Hindi ako susugod sa isang maze kung wala akong clue kung san ako dadaan," napangiti muli ang dalaga na para bang confident na confident sya sa plano nya. "Nakita nyo naman na pumasok ako sa panaginip na 'to dahil sa gate na nagbukas sa katawan ng isang tao. Ibigsabihin lang nun, ang gate palabas ay sigurado ding----."

"Tao din ang magiging gate palabas," inunahan ko na si Elijah sa pagbanggit nun. Bigla kaming nagkaroon ng pag-asa. Kung ganon, tao pala ang kaylangan naming hagilapin.

"Oh? Te-te-teka.... Si Elijah ba yan?"bungad na bungad ni Ted samin nang makita namin syang bumangon mula sapagkakahiga sa kama ko.    

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon