"Nanloloko ka lang tama?" nakakunot pa ang noo ni Ron matapos sabihin ng multo nyang tatay...e-este ng itinuturing nyang guardian angel ang tungkol sa isa pang lagusan pagkalabas namin sa portal kung saan ang librarian ang daanan.
"P*** naman. Kung yung isa nga lang eh hindi na tayo makalabas tapos ngayon may pangalawa pa palang labasan?... T******! Papatayin ko talaga ang mga alanghiyang tao na yun na nagpasok satin dito!" halos sumabog na si Bugz sa galit dahil sa katotohanang yun.
"... At ang kaisa-isang paraan para mabuksan ang lagusan gamit ang taong yun...," pagpapatuloy pa ng tatay ni Ron. "..... Ay ang.... Patayin sya." Biglang hinampas ni Rio ang drafting table na nasa tabi nya.
"PAPATAY KAME???!!!!" wagas na wagas kong sigaw sa sobrang pagkabigla.
"Ano pa bang masaklap na karanasan ang dadaanan namin?" ang tanging nasabi ni Bugz sa sarili nya.
"Wala na bang ibang paraan?" naka-poker face na namang tanong ni Rio.
"Pwede namang mabuksan ang lagusan nang hindi dinadaan sa dahas," biglang napatayo si Ron sabay titig sa mga mata ng tatay nya.
"Bakit mo kaagad sinabi!!! Kung meron pa palang ibang paraan bakit yung pagpatay kaagad yung una mong naisipan!!!" walang galang nyang sigaw sa sarili nyang ama.
"Eh bakit ba atat na atat kayong mga bata kayo ha? Tsaka wag mo nga kong sisigawan na bata ka't makakatikim ka talaga ng sapak sakin," saway sa kanya ng tatay nya. Bumalik sa pag-upo si Ron at muling nagpatuloy sa pagkukuwento ang tatay nya. "... Mabubuksan nyo ang gate nang hindi nyo sya pinapatay kung kagustuhan din ng tao na yun ibukas yun para sa inyo." Bigla akong nakatanggap nang malakas na batok mula kay Ted sa hindi ko malamang dahilan.
"Pano ngayon 'yan?!!! Mukhang pinag-iinitan ka nung librarian dahil sa ginawa mo," lecheng 'yan oh. May atraso pala ako tapos pinaalala pa yun ni Ted. Bakit ba kasi sa lahat ng taong pwede kong mapag-iiwanan ng kahihiyan eh yun pang taong kaylangan na kaylangan namin.
"... Kaso may isa pang problema," bumalik ang tingin namin sa tatay ni Ron. "Sabihin nating hindi nyo na sya kaylangang patayin dahil kagustuhan na nyang buksan ang lagusan para sa inyo... Pero kahit na desisyon na nyang buksan ang lagusan... Buhay pa rin nya ang magiging kapalit."
"HA?!" sigaw naming lahat na halos gumuho ang bahay namin sa lakas ng vibration.
"Kung hindi nyo kasi sya papatayin, pwes... Magpapakamatay sya para mabuksan ang gate para sa inyo," nakita kong bigla na napahawak si Elijah sa bibig nya nang marinig iyon mula sa tatay ni Ron. Alam ko kasing hindi sya isang klase ng taong maaatim na tumingin sa mga mararahas na pangyayari.
"Eh di siguradong hindi sya papayag na magpakamatay para satin"... Hindi ko alam kung bakit kaylangan pang sabihin ni Ted yun kahit na alam nyang iyon din ang iniisip ng lahat.
"Wala sa bokabularyo ko ang salitang 'Brutal'," ang tanging nasabi ni Ron habang nakapangalumbaba.
"Pano naman ako? Ayokong makakita ng bloody," pabiro pang sambit ni Ted sa kabila ng sitwasyon namin ngayon. Nabalot bigla ng katahimikan ang buong kwarto ko. Hindi ko alam kung natatakot sila, nalulungkot, o kaya nag-iisip lang.
"Maiba nga pala," pagsira ko sa nakabibinging katahimikan. "Pano nga pala napunta ang tatay ni Ron dito?" napatingin kaming bigla kay Ron na ngayon eh parang biglang na-awkward.
"Yun ba? Ha ha... Tinawag nya kasi ako papunta dito. Eh ano pa bang magagawa ko? Malakas talaga 'tong anak ko sakin," mapang-asar pa ang tono ng tatay nya habang sya eh napapikit na lang sa sobrang pagkahiya. Mukha kasing sa sobrang pag-aalala nya sa sitwasyon namin eh hindi nya napigilang maalala ang tatay nya.
"Oh? Bakit wala?" sambit ni Ted sa hindi namin malamang dahilan.
"Ano yun Ted? May problema ka ba?" tanong ko sa kanya na saktong naabutan ko nun na tumitingin-tingin sa paligid.
"Tinawag ko din yung mga guardian angel ko eh... Pero bakit hindi lumabas?" bigla akong nabalot ng pagtataka sa sinabing yun ni Ted.
"Dahil magkaparehas na tayo Ted," agad na sagot ni Elijah sa kaibigan. "Sa pagkakaalala ko, walang kahit sinong nagparamdam sakin kahit pa ang mama ko na nakita ko sa loob ng capsule nung gumising ako. Kalahati kasi ng kamalayan ko ang gising at kalahati lang ang tulog kaya napagisip-isip kong yun ang maaaring dahilan kung bakit hindi nagpakita ang nanay ko.... Yung tunay na nanay ko hindi yung nagpapanggap na nanay ko dito sa lugar na 'to."
Dun ko biglang napagtanto na kaya pala malungkot ang ilusyon na yun na sinasabi nyang nagpapanggap daw na nanay nya eh hindi pala yun ang tunay na guardian nya. Pero bakit ganun na lang mag-alala yung duplicate na nanay nya na yun?
"Bahala na... Ayoko na ng kahit anong katanungan sa isip ko. Nagsasawa na ako. Tapusin na natin 'to. Pakiusap....," nakakuyom pa ang mga palad ni Rio habang sinasabi 'yon. Naiintindihan namin sya kung bakit nasabi nya yun laluna't mukhang mas mabigat pa ang naranasan nyang trahedya kaysa samin.
"Pwes, ganun din ako. Wala na tayong ibang pagpipilian... Sya ang mamamatay... O tayo," katwiran ko pa para pumayag sila. Wala nang iba pang tumutol at nagsipagtanguan na lang sila.
"Tuloy tayo bukas... Pagbayarin natin lahat ng taong nagpahirap satin dito," pagsasara ni Ron sa usapan.
BINABASA MO ANG
Pikit Mata, Ibang Mundo
Fiksi IlmiahKung akala mong nasa mundo ka pa ng paghihirap at hinagpis, ibahin mo to. Lahat ng imposible magagawa mo dito. Lahat ng gusto mo matutupad dito. Pati crush mo, sa mundong ito, posibleng maging kayo. Ngunit sa bawat positibong enerhiya ay may kabalig...