"Oh? Bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Ted sakin nang makita nya akong nakakunot ang noo at nagko-concentrate sa pag-iisip.
"Eh kasi eh. Nababahala ako sa mga sinabi ni Elijah," sagot ko sa kanya.
"Ha? Bakit? Akala ko ba may clue na sya sa----"
"Oo nga pero parang may pamilyar kasi syang sinabi eh... Yun bang... Tungkol sa cross sign. Hindi ko lang sigurado pero... Para kasing... Nakita ko na yun kung saan...," mabilis kong sambit na nagpaudlot kay Ted sa pagsasalita. Tumingin na lang si Ted sakin at wala nang sinabi pa.
"Okay class, next week, you are going to pass your plate number two which is the sports center design then w----," di pa man tapos magsalita ang prof namin eh agad akong sumigaw ng...
"Ma'am! Ito na po yung gawa ko!!!" ikinagulat yun ng mga kaklase ko. Hindi sila makapaniwalang natapos ko kaagad ang lahat ng design requirements kahit na ngayon pa lang naman ibinigay ng prof namin ang gawaing yun.
"Ito ma'am, tapos na rin po ako," nagpapasa na din si Rio ng gawa nya tsaka sumunod ang iba ko pang mga kaibigan.
"Hay... Iba talaga kapag may magic ka. Iisipin mo lang eh lalabas na kaagad sa harapan mo," tuwang-tuwang sambit ni Bugz. Hindi na kasi namin kaylangan pang pagpuyatan ang mga mechanical drawings namin dahil dinadaan na lang namin yun sa paghiling.
Natapos na ang klase at naabutan namin si Elijah sa labas ng room namin gaya ng dati nyang ginagawa. Mas weird nga lang ngayon dahil nakikita na talaga nya kami nang malinaw at bukod pa dun ay ang humaba nyang buhok.
"Oh? San tayo unang maghahanap?" bungad ni Ron sa dalaga pagkalabas na pagkalabas namin sa room.
"Mas mabuti kung dito muna tayo sa skul maghanap para masigurado nating walang makakalagpas," sagot naman ni Elijah sa tanong ng kaibigan. Napansin ko bigla na parang naging matapang na rin si Elijah matapos ang ilang buwang hindi namin pagkikita. Ibang-iba na nga sya.
Nagdesisyon kaming maghati-hati sa dalawa at maghiwa-hiwalay ng lokasyon para maghanap. Nagkataon namang si Ted ang kasama ko at kami ang naatasang maghanap sa loob ng canteen. Syempre, nahirapan kami sa paghahanap dahil maliban sa maraming tao eh marami pang mga nakatayo.
"Nababahala pa rin ako... Sigurado akong nakita ko na yung cross symbol na yun sa kung saan... Pero hindi ko maalala," patuloy kong inaalala kung san ko nga ba nakita yun.
"Alalahanin mong mabuti. Baka yun na pala yung hinahanap natin," ang tangi lang na nasabi ni Ted sakin. Ayon kasi kay Elijah, ang kaisa-isang gate na palabas ay yaong tao na may cross sign tatoo sa leeg tulad nung mga taong nakita nila sa tunay na mundo.
Pano naman kaya namin mahahanap ang taong yun sa gayong hindi namin alam kung gano kalaki ang saklaw ng panaginip na 'to? Baka mamaya nyan eh milyong-milyong ilusyon ng tao ang ginawa dito para hindi namin mahanap ang kaisa-isang lagusan palabas. Naku! Maghanda lang talaga ang mga tao sa likod nito at dudurugin ko talaga ang mga buto nila sa oras na makalabas ako.
"Oo nga pala. Hiniling ko na kagabi na mapunta sa kwarto ko yung mesa na ginagamit nung librarian," sabi ko kay Ted na hindi ko alam kung alam ba nya ang napag-usapan namin na yun dahil nagawa ang planong yun nung araw na nawalan sya ng malay.
"Ahhh, nasabi nga yan ni Ron sakin. Tapos anong nangyari? Umepekto ba?" patuloy sya sa paghahanap sa paligid ng canteen.
"Sa awa ng diyos eh lumabas nga sa harap ng kama ko yung table nung librarian kasama yung mga dokumento nya," tumingin lang ako kay Ted para makita ang reaksyon nya.
"Anong ginawa mo? Tinignan mo na ba kung ano yung mga laman?" umiling lang ako sa tanong nya. Ayoko muna kasing mangialam sa mga papel na nandun hangga't hindi ko pa sila kasama. Mahirap na kasi kapag kumilos ako nang mag-isa. Mahirap kasi kapag walang karamay sa oras na may natuklasan na uling bagong clue eh.
"Ang panget naman ng sulat ng librarian na 'to," aba't nanghusga kaagad si Ron. Akala mo naman eh kay ganda ng sulat nya... Sama-sama naming hinalungkat ang mga kapapelan ng librarian sa mesang pinasulpot ko sa loob ng kwarto ko.
Habang abala sila sa paghahanap ng mga clue sa mga gamit ng pinaghihinalaan naming librarian eh abala naman ako sa paghagilap ng dyaryong maaaring itinago ng babaeng yun sa drawer ng mesang 'to. Kaylangan ko pa rin kasing mahanap yun para alamin ang isang bagay na mula sa nakaraan ko.
"YES!!! ITO NA!!!" malakas kong sigaw nang bigla kong maabutan ang isang dyaryong nakatupi at nakasiksik sa isa sa mga drawer ng mesang yun. "Sabi ko na nga ba. Kinuha nga nya talaga 'tong dyaryo eh... Mukhang may itinatago ngang sikreto ang lib---," bigla akong napatigil sa pagsasalita nang mapansin ko ang isang bagay na talaga naman nakakabahala.
"Bakit Jireh? Bakit parang nakakita ka ng multo?" agad na tanong ni Bugz nang makita nya ang reaksyon ko.
"I-ito kasing dyaryo....," biglang inagaw ni Ron sakin ang dyaryong yun na hawak ko.
"Aba p***, bakit punit 'to?" nakita kong napatingin din si Rio sa dyaryong yun at biglang nanlaki ang mga mata nya sa hindi ko malamang kadahilanan.
"Two-thousand eight issue... Bakit? Bakit mo nga pala hinahanap ang dyaryo na 'to?" biglang tumingin nang masama si Rio sakin.
BINABASA MO ANG
Pikit Mata, Ibang Mundo
Science FictionKung akala mong nasa mundo ka pa ng paghihirap at hinagpis, ibahin mo to. Lahat ng imposible magagawa mo dito. Lahat ng gusto mo matutupad dito. Pati crush mo, sa mundong ito, posibleng maging kayo. Ngunit sa bawat positibong enerhiya ay may kabalig...