CHAPTER XXX: Voice From The Other Side

38 2 0
                                    


"ANO!!! Nagpakita na talaga sa harap mo ang kakambal mo!!!!" gulat na gulat na sigaw ni Ron habang nasa kwarto ko sila.

"Sshhh, baka marinig tayo ng ilusyon kong nanay," bulong ko sabay humagikhik ang mga kasama ko... Maliban kay Rio... Di na nakakapagtaka.

"System... Ano daw ang ibigsabihin nya dun?" tanong ni Bugz samin na sa kabutihang palad eh hindi na muling lumutang matapos yung araw na nagkandaleche leche kami.

"Yun nga ang dahilan. Sa pagkaka-alala ko rin kasi nung nag-iwan sya ng mensahe, may nabanggit syang kapag sinabi nya daw kasi sakin yung kung anong tinutukoy nya... Sigurado daw na buburahin nila ang memorya ko. Ewan ko kung sino ang tinutukoy nya dun," pagtatapat ko sa kanila.

"Ganyan na ganyan din ang sinabi ng kapatid ko. Sa tingin ko, ang tinutukoy nilang hindi nila pwedeng sabihin ay ang katotohanang nasa loob lang tayo ng isang panaginip," pakikisali ni Rio sa usapan.

"At dahil nasira ang system.... Kaya nagkaroon ng pagkakataon ang kakambal mo na magpakita't sabihin na ang lahat tama?" isang konklusyon na hindi ko inaasahang maiisip ni Ted sa kabila ng mapurol nyang utak.

"Oo nga noh?! Iyon ang dahilan kaya nagpakita uli sya sa tagal ng panahong lumipas," bilib na bilib kong sambit kay Ted na para bang kino-congratulate sya na sa wakas eh pinagpawisan din sya sa pag-iisip.

"Sige. Ganito. Para hindi tayo malito sa pagresolba ng mga 'to, simulan natin yung mga wirdong pangyayari na sunod-sunod na naganap," isang suggestion na nanggaling pa talaga kay Ron... Asa namang makakatulong sya.

"Sige, mas mabuti na ang ganun," sagot ko naman kahit mukhang nakakaloko ang pinagmulan ng suggestion na yun.

"Una... Hmmmm... Yung mga guardian angels?" nakakalokong entrance ni Ron sa topic.

"Ilang beses ba nating babalikan ang tungkol sa kanila ha? Sigurado namang pumunta lang sila dito para ipaalam satin na natutulog ang totoo nating katawan. Tapos yung ibang bagay eh satin na nila ipinagkakatiwala," inis na pagsaway ni Rio kay Ron.

"Teka nga lang... Bakit yung kakambal ni Jireh eh nagpakita tapos yung satin eh hindi man lang sumulp---," biglang nanginig si Ted sa sobrang pagkagulat matapos hampasin ni Rio nang malakas ang study table ko kung saan sya nakapuwesto.

"Wag mo na uli 'yang banggitin. Baka magwala sya lalo," bulong ni Bugz saming tatlo nila Ron. Sa mga oras na yun, mas naiintindihan ko na ang sakit na nararamdaman ni Rio sa tuwing naaalala nya ang kapatid nya. Mukhang parehas kami ng sitwasyon pero mas mabigat nya iyong dinadamdam. "Sige, simulan natin dun sa... Nung namatay si Keith?"

"Oo nga... Hindi ba yun kasama sa mga clue?" pagtatakang sambit ni Ted. Napaisip ako sa bagay na yun pero sa hindi sinasadyang pagkakataon, bigla akong may naalala na hindi dapat makaligtaan.

"Mukhang hindi iyon ang unang kababalaghan," sabi ko sa kanila.

"Eh ano pala?" tanong ni Ron na parang nang-aasar.

"Ahhh... Oo nga, naaaninag tayo ni Elijah simula pa nang makilala natin sya, tama ba ko?" agad kaming tumingin kay Rio. Alam kong nagulat ang mga kasama ko dahil sa katotohanang naaaninag na kami ni Elijah simula pa noon pero ang mas ikinagulat ko eh matagal na rin pala nyang alam yun.

"At pano mo naman nalaman 'yan ha? Kaya ba ganun na lang ang pag-aalaga mo sa kanya?" badtrip ko na namang tanong sa kanya. Mabilis syang humarap sakin na nakakunot ang noo.

"Pe-pero... Ikaw mismo ang nagsabi sakin nun diba? Sabi mo pa nga na iskreto muna natin... Nagkakamali ba ko?" pagtatakang tanong ni Rio sakin. Nagdala na naman yun ng misteryo sa mga nangyayari dahil sa pagkakaalam ko, wala akong pinagsabihang iba nun dahil alam kong sasabihin lang nilang baliw ako kung sinabi ko yun sa kanila kaagad.

"Itaya ko man ang buhay ko, sigurado akong wala akong sinabi sayong ganun," nanlaki pa ang mga mata ko habang binabanggit iyon sa kanya.

"Sabihin mong dahil nasa panaginip tayo eh dalawa ang nilikhang ilusyon mo?" hula ni Rio na nananatiling nakatingin sakin. Mas nilaliman ko pa ang pag-iisip, panong naging dalawa ako...

"O kaya naman hindi talaga ako dalawa.....," sambit ko at agad kaming nagtinginan sa bawat isa na para bang alam na ang sagot sa isyung 'yon.

"SI JEREMY!!!!" sigaw naming dalawa ni Rio.

"Ibigsabihin kumikilos na pala sya nang pasikreto sakin," naiinis kong bulong.

"At ibigsabihin matagal na syang nagpapakita sa paligid-ligid nang hindi lang natin napapansin," dugtong ni Rio sa sinabi ko.

"Alam nyo guys... Sa tingin ko hindi dapat 'yan ang pinag-uusapan natin eh, panong kayo lang na naman uli ang nakakaalam nyan ha? Bakit kayo lang ang nakikita ni Elijah?" para bang naiinggit na sambit ni Ron samin.

"Dahil espesyal nga kayo?" panghuhula ni Bugz.

"Sapat ba na dahilan 'yon?" seryosong tugon ni Rio sa kaibigan. Ilang oras ang lumipas, bawat isa samin eh nagsusulat ng mga pwedeng maging basehan at dahilan ng mga pangyayaring 'to.

"Holy s***!!!" biglang sigaw ni Ted na para bang nababaliw na.

"Pre, sino namang kausap mo dyan? Bakit bigla kang nagmumura?" inis na sambit ni Ron.

"Hindi nyo ba narinig 'yon?" sagot ni Ted nang patanong din. Agad kaming nagtinginan sa bawat isa nang gulat na gulat.

"Ted, naman... Wag mo ngang gayahin si Elijah," manginig-nginig na saway ni Bugz.

"Ano ba??!!! Sigurado akong may narinig ako. Hindi 'to ang oras para magbiro pa ko diba?" badtrip na sagot samin ni Ted habang nakahawak ang kanan nyang palad sa kanan nyang tainga na para bang may pinapakinggang mabuti.

"At ano namang sinasabi nyang bago nating whisperer?" tanong ko na para bang nababanas na sa sunod-sunod na kababalaghan.

"Ang sabi nya... 'Kung may nakakarinig man sakin...Babalikan ko kayo'," sambit ni Ted habang dahang-dahang tumititig saming lahat.

"Ha? Parang bina- black mail lang tayo nyan ah," sabay tawa si Ron na para bang hindi pa rin sineseryoso ang mga nagaganap. Tumingin lang kami sa kanya nang masama kaya sa kalaunan eh tumigil din sya.

"Sinong babalik?" sambit ni Rio sa mababang boses.

"Iyon nga ang hindi ko lubos maisip,"agad na tugon ni Ted saming lahat kaya natuon uli ang tingin namin sa kanya..."Sa halos isang taon natin syang kasama, sigurado akong boses nya angnarinig ko.... Si Elijah," bigla na namang napahampas si Rio sa mesasamantalang si Ron eh parang nilamukot ang mukha na para bang iiyak na dahil sawakas ay nagparamdam din ang dalaga.

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon