"RIO!!! UMALIS NA TAYO!!!" sigaw ko sa kanya habang pilit pa rin nyang hinahanap ang kapatid nya.
"HINDI PWEDE!!! HINDI AKO AALIS HANGGA'T DI KO SYA KASAMA!!!" sagot naman nya pabalik sakin.
"ANO BA RIO! WALA NA SILA! ILUSYON LANG 'TO! 'WAG MONG PABAYAANG LAMUNIN KA NG ILUSYONG 'TO!!!" pamimilit ko pa sa kanya pero imbis na pakinggan nya ko eh bigla nya akong hinawakan sa kwelyo sabay sinapak ang mukha ko.
"Sabi kong hindi ako aalis hangga't wala pa si Kassandra dito," bulong ni Rio sa tainga ko na may halong gigil sabay itinulak ako palayo sa kanya. Wala na akong choice kundi gumamit na din ng dahas. Agad akong tumayo at sinapak din sya sa mukha habang nagbabakasakaling mahihimasmasan sya.
"Sinubukan ko ring iligtas ang kakambal ko pero kahit dulo ng kuko nya, ni hindi ko NAHAWAKAN!" wagas kong sigaw mismo sa mukha nya habang hawak-hawak ko ang magkabilang kwelyo nya.
"PROBLEMA MO 'YON!!!" sigaw nya ulit pabalik sakin pero sinapak ko ulit sya ng dalawa pang beses sa sobrang panggigigil ko sa inaasta nya.
"Hindi lang ikaw ang nag-iisa na nakaranas ng bangungot... Lahat tayo... Lahat kaming mga kaibigan mo ang nangga---."
"HINDI KO KAYO KAIBIGAN!!!" sigaw nya ulit kaya sa pagkakataong 'to eh hindi ko na napigilang patikimin sya ng sunod-sunod kong suntok. Hindi ko sya tinigilan kahit pa dumudugo na ang mukha nya. Tuloy-tuloy lang ako hangga't sinusubukan pa nyang magsalita.
"P******** MO! SA TAGAL MONG KASAMA KAMI NI HINDI MO PALA KAMI ITINURING NA KAIBIGAN??? MAS APEKTADO PA SI RON SA MGA NANGYAYARI SAYO PERO HINDI MO ALAM 'YON DAHIL SARILI MO LANG ANG INIISIP MO!!!" tumahimik na sya marahil sobrang nasaktan sya sa mga sapak na inabot nya mula sakin. Ni hindi na nga sya halos makagulapay dahil sa sugat sa mukha nya at sa lakas ng sapak ko sa kanya. Maya-maya pa, hindi na nya ulit sinubukang tumayo at nagwala na lang na parang bata.
Wala na akong ibang nagawa kundi titigan na lang sya habang inilalabas lahat ng sakit na inipon nya nang maraming taon. Pero pinilit kong maging matatag para saming dalawa. Kung gusto na nyang umatras pwes ako hindi pa. Nang tumigil sya sa pagwawala, agad ko syang binuhat para makatayo. Tahimik ko syang inalalayan papunta sa pwesto ng bintana. Tumayo ako sa ibaba ng bintana tsaka ko sya pilit na pinapatapak sa likuran ko para makaakyat sa bintana palabas ng kwartong 'yon.
"Ayoko Jireh... Baka maiwan ka dito," mahinang bulong ni Rio sakin.
"Wag kang mag-alala... Hindi ko gagayahin ang kakambal ko. Hindi ko pipiliting iligtas ka para mamuhay mag-isa... Sisikapin ko ring mabuhay para sa inyong mga kaibigan ko... Na para na ring naging bago kong pamilya," sagot ko naman sa kanya. Kasabay nun ay agad ko syang binuhat nang mataas para maabot nya ang bintana. Agad naman syang humawak dun at lumabas... Nang makalabas na sya, ilang segundo lang eh sumulpot na naman sya sa bungad ng bintana. Mukha kasing diretso ang hulog nya sa lupa dahil ng mga oras na yun, nakatumba na ang hagdan dahil sa pagbagsak ng kisame sa kakambal ko.
"Jireh! Dali! Abutin mo 'tong kamay ko!" si Rio talaga. Ngayon lang nya naintindihan ang mga sinabi ko sa kanya kung hindi ko pa sya nasaktan eh baka naghahanap pa rin sya ng patay. Agad akong humawak sa kamay nya... Nakangiti pa ako. Para akong timang na nagagawa pang ngumiti sa gitna ng init ng apoy sa loob ng silid na 'yon.
"Akalain mo... Tayo pa pala magtutulungan sa huli," sambit ko at bahagya syang napangiti. Agad na akong bumwelo para makaakyat na sa bintana pero bago pa man ako makaangat eh biglang may kung anong sumabog mula sa kaliwa ko. Iyon ang dahilan para mabitawan ko sa Rio at ang masama pa eh tumilapon ako sa medyo malayong bahagi ng room na yun. Pinilit kong bumangon kaagad pero hindi ako makatayo. Huli ko nang napansin na may nakabaon na palang mahabang bakal sa kanan kong binti... Gusto kong sumigaw pero sobrang nanunuot na ang sakit nun papunta sa utak ko.
"JIREH!" malakas na sigaw ni Rio na nawala nang ilang saglit sa may bintana dahil mukhang nahulog sya doon dahil sa lakas ng pagsabog. "Jireh!!! Babalikan kita!!!"
"WAG!!!" agad na napatigil si Rio sa balak nyang pagpasok ulit sa loob ng silid. Ni hindi ko nga din alam kung bakit iyon kaagad ang sinabi ko. Ito na yata ang pakiramdam ng katapusan. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit hindi na nagpumilit pa si Jeremy... Dahil naging masaya na sya sa pagligtas ng dalawang tao, kilala man o hindi bago sya namatay.
"HINDE!!! JIREH... HINDE!!!" pilit na pumapasok ulit si Rio pero mukhang susuko na din ang bubungan kung nasan ako nakapwesto.
"TUMIGIL KA RIO!!! Nandyan pa sila Elijah... Alagaan mo sila... Pakisabi na lang na----," hindi pa man ako tapos magsalita, nakita kong bigla na pabagsak na ang isang malaking piraso ng kahoy at mga bakal papunta sakin... Wala na akong ibang ginawa kundi ang pumikit na lang kasabay ang huling pagkarinig ko sa sigaw ni Rio... Ganito pala ang pakiramdam... Pakiramdam ng katapusan...
"Suko ka na Tsong???" agad akong napadilat sa sobrang pagkagulat na marinig ulit ang boses nya.
"Je-Jere-my...," ang tangi kong nasabi.
BINABASA MO ANG
Pikit Mata, Ibang Mundo
Science FictionKung akala mong nasa mundo ka pa ng paghihirap at hinagpis, ibahin mo to. Lahat ng imposible magagawa mo dito. Lahat ng gusto mo matutupad dito. Pati crush mo, sa mundong ito, posibleng maging kayo. Ngunit sa bawat positibong enerhiya ay may kabalig...