CHAPTER LIII: Safe Haven

37 3 1
                                    


"WHAT???!!!" sabay-sabay naming sigaw sa sobrang pagkabigla.

"Ano Ron? Resbakan na ba natin?" narinig kong bulong ni Bugz sa kaibigan.

"Ano? Tara! Game na game ako," sabay tumayo si Ron habang pinapatunog pa ang mga buto sa kamay nya.

"Wow Ron... Baka nakakalimutan mong hindi ka na malaking tao ngayon," sabay tumawa pa si Ted matapos nya iyon mabanggit.

"Hindi oras ngayon para maglokohan... Naisip nyo man lang ba na obserbahan muna ang paligid?" mukhang mainit pa ang ulo ni Rio nang banggitin nya 'yon. Sa mga oras na yun, naisipan ko nang tumingin-tingin sa paligid at doon ko napansin na may iba pang mga tao sa 'di kalayuan. Tulad namin, mga nakaputi din silang mga damit at mukhang kakagising lang din nila sa mga panaginip nila.

"Oo nga pala XY15, pano pala tayo napunta sa lugar na 'to? Ang pagkaka-alam ko kase, nandun ang katawan ko sa isang maliit na---."

"Inilipat namin kayo," agad na sagot ni Keith kay Elijah.

"Teka, ibigsabihin, nung pagkabalik ko sa panaginip ko, may nagising nang iba?" muling tanong ni Elijah.

"Oo. Sabay-sabay kaming lumabas sa mga kwarto kung nasan tayo at pinagbubugbog namin yung mga panget na doktor na yun," sagot naman ni Keith sa kanya na hanggang ngayon eh bully pa rin. "Naisip kasi namin na baka para masira nang tuluyan ang system at para maibalik nang tuluyan ang kamalayan ng ibang mga pasyente, kaylangan naming makapasok sa main system nila... Dahil iyon ang pinakautak."

"Tapos? Bakit nyo lang kami inilipat dito? Eh mukhang nakulong lang tayo sa lugar na 'to eh. Imposibleng ito ang lugar ng main system... Ni wala nga akong makitang computer dito," tugon sa kanya ni Rio.

"Yun na nga ang dahilan. Sa sobrang dami ng security sa paligid ng room kung nasan ang main system eh hindi namin kayang pumasok laluna't iilan pa lang kami nun. Kaya para maging mas malakas ang pwersa, kaylangan namin ng maraming tao. Kaya namin kayo inilabas sa mga kwarto nyo't inilipat namin kayo dito para antayin ang paggising nyong lahat."

"Teka... Pano mangyayaring nakakonekta pa rin kami sa system kung hindi na pala nakakabit ang mga memorya namin dun sa taong nasa capsule?" pagsingit ulit ni Elijah sa usapan.

"Dahil naka-program na yun sa mga utak natin. Siguradong may mga kung anong piyesa ang inilagay sa mga utak natin hindi lang para maging tracker kundi para makontrol pa rin tayo," sagot naman ni Keith sa kanya. Hindi ko inaasahan na sa tagal naming nasa kabilang mundo eh ganun na karami ang maiimbestigahan nila. Akala ko kase isang malaking bobong damulag lang si Keith dati.

"Hay! Wala na akong pakialam kung ano pang pwedeng dumating na kamalasan satin. Ang mahalaga ngayon, magplano na agad tayo para sa susunod nating galaw," pagmamayabang pa ni Ron kahit na hindi na malaki ang katawan nya. Ungas talaga. Sumang-ayon na lang ako sa sinabi nya. Hindi na kasi kaylanman magiging malaking surpresa ang kung anumang susunod na mangyayari. Handa na kame. Malakas na kami kumpara nung una kaming nagkakila-kilala. Basta ang mahalaga, ligtas kami ngayon pansamantala at sa oras na makahanap na kami ng paraan, siguradong pagbabayarin namin silang lahat.

"Kaso may problema pa ko eh," pagsingit na naman ni Ted. Agad kaming tumingin sa kanya at nag-aalala dahil baka may iba pang bagay kaming nakaligtaan.

"Ano yun Ted?" mabilis na tanong ni Bugz na para bang kabado pa. Ilang segundong tumahimik ang paligid habang hinihintay namin ang sagot nya. Kumunot nang kumunot ang noo ko at tila ba kinakabahan dahil sa tuwing nababanggit ng mga kaibigan ko ang salitang problema eh agad na may kakaibang nagaganap.

"Ano Ted?" tanong ko ulit. Agad syang napakamot ng ulo at parang matawa-tawa pa kaya medyo nawirduhan kami sa kanya.

"Yung problema kasi... Mukha tayong mga nasa mental dahil lahat tayo eh mga nakaputi," bigla kaming nagsi-buntong hininga matapos nya iyong sabihin. Badtrip talaga. Panira talaga sya ng seryosong usapan.

"T****** mo Ted. Last mo na 'yan ah," tugon ni Ron sabay nagsitawanan ang lahat... Maliban pa rin kay Rio.

----------------------------------------------------------THE END----------------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon