CHAPTER III: Illusion

111 10 28
                                    


"Nandito na ko Ma," sigaw ko pagkapasok sa bahay namin sabay tanggal ng rubber shoes nang hindi tinatanggal ang sintas.

"Oy, 'nak, kumusta ang unang araw mo sa bagong skul?" sagot naman nya.

"Wag nyo na pong tanungin ma, madidismaya ka lang," sambit ko habang papalakad sa hagdan, nakataas ang ulo at nakababa ang mga balikat na para bang tinatamad.

"Kaw naman nak, okay lang sakin kahit anong ikekwento mo. Kahit pa yung tipong napahiya ka sa klase..... Natural lang 'yon sa unang araw nak," sambit nya habang naghahain ng pang-hapunan.

"Eh ayoko nga po," inis kong sagot habang paakyat ng hagdan. Dumiretso ako sa kwarto, nagbihis tsaka binuksan ang computer. Agad kong binuksan ang facebook ko para naman makapag-post ng epic na first day ko sa klase. Nang mag-open na... Aba punyeta, yung maskuladong si Ron eh nakapag-send kaagad ng friend request.

"Nak ng p*******a talaga 'to!" sigaw ko sa loob ng kwarto at umalingawngaw pa sa buong bahay namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nak ng p*******a talaga 'to!" sigaw ko sa loob ng kwarto at umalingawngaw pa sa buong bahay namin. Bigla akong napatigil. Napag-isip isip ko kasi bigla na 'bakit nga ba ako inis na inis sa kanya?', sabay kamot sa bumbunan ko at muling tumitig sa screen ng computer.

Ilang oras pa, medyo pumipikit pikit na ang mga mata ko. Dahilan na rin siguro iyon ng isang buong araw na kapaguran. Pinipilit ko pa ring dumilat kahit na medyo bumabagsak bagsak na ang ulo ko sa computer table.

"Jireh," isang boses na nagpagising sa diwa ko. Agad akong tumingin sa paligid at umaasang makita ang kung sino mang nagbanggit ng pangalan ko.

"Pssst! Jireh, nandito ako. Sa may bintana ng kwarto mo," muli nitong sabi. Lumingon ako sa bintana at naabutan ko doon na nakaupo ang kakambal kong si Jeremy.

"Panong.... Imposible," pagulat kong sambit at pabiglang tumayo sa kinauupuan ko. Kasabay nun ay naglaglagan ang mga libro ko na noo'y nakapatong din sa computer table.

"Maka-react ka naman tsong, parang di mo naman ako kilala eh parehas lang naman tayo ng mukha," sabay talon papasok sa loob ng kwarto ko at ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. Dahan dahan syang naglakad papunta sa puwesto ko, samantalang ako eh natulala nang parang bato.

"Pero tsong, diba limang taon ka nang----"

"Patay.... Oo, alam ko, pero hindi sa mundong 'to," agad nyang sagot kahit hindi pa ko tapos magsalita. Lumapit pa sya sa akin ng ilang pulgada tsaka humawak sa balikat ko at tumingin sa mga mata ko nang diretso. "Tsong, kahit patay na ko, tatandaan mo na babantayan pa rin kita. Kuya mo ko eh, syempre ang kuya poprotektahan ang mas nakababatang kapatid," sabay ngiti na para bang ayos lang ang lahat.

Napatango na lang ako habang namimilipit sa takot matapos makita ang kaluluwa ng multo kong kakambal. Ilang saglit pa, tumawa sya. Pabirong tawa na hindi man lang nya maintindihan ang nararamdaman ko sa bigla nyang pagpapakita.

"Tsong naman, bakit ganyan yung mukha mo," sambit nyang muli at tawang tawa. Tumaas lang ang kaliwa kong kilay sa sobrang pagtataka na syang dahilan para saglit syang mapatigil sa pagtawa.

"Tsong naman, dito na nga lang tayo sa mundong 'to may chansang magkita eh ganyan ka pa," muli syang napatigil at biglang nagseryoso. "Hay nako tsong, sige na nga. Gising na," sabay sampal sakin nang hardcore na tipong may maiiwang pasa sa pisngi ko.

"Jireh! Jireh!" isang boses na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Bigla kong inangat ang ulo ko dahil sa boses na tumatawag sakin. Mapikit pikit ang mata ko nang maabutan ko ang sarili ko na nasa harap pa rin ng computer at hawak hawak pa ang mouse. "Kain na tayo nak!" dagdag pa ng sumisigaw sa labas ng kwarto ko.--- Si mama.

"Opo, susunod na po!" sagot ko habang tinitignan ang bawat sulok ng kwarto ko. Nagbabakasakaling nandoon pa rin ang multo kong kakambal.

"Pucha, panaginip lang pala," bulong ko sa sarili habang nangangamot ng ulo. Bago lumabas para maghapunan, saglit akong naupo sa harap ng salamin na natatakpan ng asul na tela. Matagal na panahon na rin kasi ang lumipas mula noong tumingin ako sa salamin. Pilit ko kasing tinatakasan ang nakaraan pero hindi ko yun magawa dahil sa tuwing makikita ko ang sarili sa salamin ay parang nakikita ko na rin ang ka-kambal ko.

Pero kahit na ganun, malinaw pa rin sa isipan ko kung ano ang itsura ko. Bagsak at dark brown na buhok, maputlang balat, light brown at singkit na mga mata, malalaking eye glasses, medyo payat na katawan at maliit na nunal sa ibaba ng kanang mata.

 Bagsak at dark brown na buhok, maputlang balat, light brown at singkit na mga mata, malalaking eye glasses, medyo payat na katawan at maliit na nunal sa ibaba ng kanang mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Agad akong tumayo at muling lumingon sa salamin. Tinatanong sa sarili kung hanggang kaylan ako magtatago sa anino ni Jeremy, sabay bukas ng pinto sa kwarto at bumaba para sa hapunan.

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon