CHAPTER XLVIII: Second Gate

21 1 0
                                    



"Hoy," isang boses na nagmula sa madilim na paligid.

"Naku naman pre, hindi pwedeng ngayon ka pa nakatulog," sambit pa ng isa pang boses.

"Ungas talaga sya kahit kaylan," hirit pa ng pangatlo pang boses... Nagsimula na akong magtaka kung sino ba 'tong mga nag-uusap na 'to. Para namang pamilyar yung boses pero bakit parang medyo iba?

"JIREH!" biglang sigaw ulit ng isa na mukhang yun ang unang boses na narinig ko kanina. Sino kaya sila? Bakit hindi ko sila makita? At bakit kilala nila ako?

"Ano bang gagawin natin sa kanya?... Gawin ko na kaya yung tulad ng dati ano?.... Sapakin ko na b---."

"AYOKO!!!!!!!!" bigla kong sigaw sabay bangon sa kung anong pinaghihigaan ko. Mukha naman iyong sahig pero para bang sa ibang dimensyon pa galing. Kasunod nun eh bigla kong naabutan na mga nanlalaki ang mga mata nila Ron, Bugz at Rio... Para bang nagulantang sila sa lakas ng sigaw ko.

"Diyos ko naman... Akala ko hindi ka na magigising eh," sambit agad ni Bugz sakin pero ang nakapagtataka, para bang hindi iyon ang boses nya kumpara sa nakasanayan ko.

"Ano bang nangyari sa'yo? Bakit kakaiba kasi yung bagsak mo? Akala tuloy namin nabagok kang g*** ka," aba't nag-iba rin ang boses ni Rio. Para bang mas bahagya pang lumalim.

"Tsaka pansin ko lang ah... Sa tuwing nakakarinig ka ng salitang sapak eh halos mag-histerical ka na," hirit pa ni Ron sa bahagyang mas maliit na boses.

"Anong nangyari sa in--," bigla akong napatigil sa pagsasalita nang mapansin kong bahagyang lumaki naman ang boses ko.

"Ha Ha Ha!!! Sya rin pala!!! Ha Ha Ha!!!" pang-aasar pa ni Ron sakin samantalang mas awkward nga ang boses nya dahil sa kabila ng malaki nyang katawan eh naging ganun kaipit ang boses nya.

"Bakit naging ganito mga boses natin?" ang tangi kong naitanong sa kanila.

"Epekto 'to ng pagpasok natin sa portal... Ibigsabihin lang neto, ang boses na kinasanayan natin eh hindi iyon ang mga totoong boses natin sa kabilang mundo... May posibilidad na 'tong mga boses natin ngayon ang totoong boses natin sa tunay na mundo," agad na paliwanag ni Rio.

"Oo nga pala... Nasan sila Elijah at Ted?" agad akong nagpanik nang mabanggit 'yon ni Bugz. Agad akong naglakad-lakad sa weirdong lugar na puro pula at itim lang ang kulay, nagbabakasakaling nandun lang sila.

"Sigurado ba kayong hindi nyo nakita si Elijah? Nauna sya sakin eh... Tapos si Ted naman eh kasabay ko lang pumasok... Muntik pa nga kaming abutin ng pagsara ng portal eh kaya tumalon ako nang todo habang nakasampa sya sa likuran ko," umiling lang sila maliban kay Rio na naabutan kong nakakunot ang noo at parang nag-iisip. "Naku po... Totoo nga kaya?" sambit ko matapos kong mapagtanto ang isang bagay.

"Ito na nga siguro yung sinasabi ng tatay mo Ron," banggit ni Rio habang si Ron eh nagmamaang-maangan pa.

"Ang second gate... Pero pano? Pano tayo makakalagpas dito? Nasabi ba ng tatay mo kung pano?" tanong ko kay Ron tsaka naman kami nag-isip at inaalala kung may nabanggit ba ang tatay nya kung paano makalabas sa pangalawang portal.

"Naku po... Mukhang hindi nya yata nabanggit... Patay!" sambit ni Ron na may bahid na ng pagpapanik.

"Hindi pwede 'to, siguradong may ibang paraan... Sigurado akong kaya wala na sila Elijah dito sa second portal dahil kalahati ng kamalayan nila ni Ted eh gising na... Ang ibigsabihin lang nyan, sa unang portal pa lang, nakalabas na sila," pagpapaliwanag ko sa kanila. Kasabay nun eh naging abala na kami sa paghahanap sa paligid ng pwedeng labasan pero kahit saan kami tumingin eh para naman talagang mga nakatayo kami sa kawalan.

"Nakakabaliw 'tong lugar na 'to... Wala akong makitang matino.... Maliban sa inyo... Kahit papano," nakita kong siniko agad ni Ron si Bugz matapos pa nitong makuhang magbiro. Ilang saglit pa, biglang may lumabas na imahe sa paligid. Para bang isang video na nagfa-flash mula sa projector... Maya-maya pa, nakita ko si Bugz na dahan-dahang lumalapit sa mga naggagalawang imahe na yun.

"Psst! Ano bang ginagawa mo? Bumalik ka nga dito," medyo malakas na bulong ni Ron kay Ted pero patuloy pa rin sa paglalakad ang kaibigan namin. Para bang may kung ano syang nakita dun sa mga imahe. Maya-maya pa, biglang may lumabas uling imahe sa gilid na bahagi naman kung nasaan si Ron. At ang ungas na yun na sumasaway kay Bugz kanina eh ngayon eh nakikigaya na rin. Lumalapit din sya sa mga imaheng nanggagaling sa kung saan... Ano kayang nangyayari sa kanila? Parang video lang naman yun pero na-attract na sila.

"Bumalik kayo dito mga tanga! Ilusyon lang yan!" sigaw na ni Rio sa dalawa pa naming kasama.

"Hindi 'to basta ilusyon," bulong ni Bugz na ngayon eh dahan-dahang ikinukumpas ang kamay na para bang gusto nyang hawakan ang imahe pero imbis na mahawakan nya lang yun eh laking gulat naming parang pumapasok na talaga sya dun. Tatakbo sana kami ni Rio para ilayo sila sa mga yun pero bigla na lang may lumabas ulit na parang video sa may bandang likuran namin.

Hindi pa man ako nakakatingin, agad kong narinig ang isang pamilyar na sigaw... Ang wagas na sigaw nung batang kasama kong nakadungaw sa bintana habang nakatingin sa loob ng gusali kung saan ko pinabayaan ang kakambal ko.

"Hindi 'to totoo," bulong ko sa sarili. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko para lumapit sa mga imaheng yun... Ang tangi ko lang iniisip sa mga oras na yun ay ang makabalik sa panahong 'yon at iligtas ang kakambal ko. Lumapit pa ako nang lumapit hanggang nasa mismong harapan ko na lang 'yon. Tulad ng ginawa ni Bugz, sinubukan ko ring ipasok ang kamay ko dun... May gusto pa sana akong sabihin sa mga oras na yun pero biglang nagising ako sa sarili kong ulirat nang mapansin kong lumalapit din si Rio sa imahe kung nasan ako.

Katabi ko sya nun at parang balak din nyang pumasok sa mga imahe kung saan ko din balak pumasok. Nakakapagtaka lang dahil siguradong hindi sya parte ng trahedya kong 'to. Yun ang oras nang marinig kong sinabi nya ang mga salitang... "Sa wakas... Maililigtas na rin kita... Kassandra."

Biglang tumaas ang mga balahibo ko. Nanlaki angmga mata ko sa sobrang pagkagulat sa natuklasan ko... Si Rio. Sigurado akonghindi ko nakalimutan ang pangalan na yun... Ang pangalan na isinisigaw ngparehong bata na nakadungaw kasama ko sa bintana nung araw na mamatay angkakambal ko... Wala kaming kaalam-alam... Na 'di namin nalaman na kahit pa datiay may koneksyon na kami... Kaya pala ganun na lang si Rio kung makihalubilo...Hindi ko makakalimutan ang iyak nyang yun hanggang sa pagkahulog namin sa hagdan...Sya nga. Sya ang bata na yun na wagas ang pag-iyak habang tinatawag angpangalan na Kassandra. Sana... Dati ko pa nalaman.    

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon