CHAPTER XLIV: One Until Death

28 2 0
                                    


"Jireh!" isang boses na alam kong galing kay Elijah at mukhang hindi yun ganoon kalayo mula sa pwesto ko. Ilang segundo pa, bigla ko na lang napansin na nasa ere ang isang shelf at sumalpok yun sa librarian na syang dahilan para maudlot ang pag-atake nya sakin. "Ayos ka lang ba?" dagdag pa ni Elijah na sa oras na yun eh naabutan ko pang nakakumpas ang kamay nya na para bang sya ang nagpalipad nung shelf papunta dun sa librarian.

"Naku naman... Baligtad na ba ang mundo ngayon? Mas malalakas na ba ang mga babae sa lalaki?" nakahinga talaga ako nang maluwag dahil buti na lang eh ginamit ni Elijah ang illusionary powers namin sa panaginip na 'to. "Wag kang mag-alala, ayos lang ako... Sila Bugz ba?"

"Ayos lang sila...," agad na lumapit sakin ang dalaga sabay pinunasan ang dugong nagkalat sa noo ko.

"Hindi mo na kaylangang punasan 'yan... Mawawala naman 'yan 'pag hini----."

"Nagkakamali ka Jireh," naudlot ang pagsasalita ko nang biglang lumabas si Rio sa patong-patong na shelves... "Mukhang kahit hilingin natin na mawala lahat ng sugat natin eh hindi na tatalab."

"Ha? Ano bang sinasabi mo?" papalapit pa ang dalaga kay Rio para tulungan itong makatayo.

"Hindi na kasi kahit kaylan tatalab ang kakayanan natin na makagawa ng ilusyon... Dahil sya ang gate... Mukhang magiging permanente na lahat ng sugat na matatanggap natin mula sa pag-atake nya dahil parang tulad natin, hindi sya isang simpleng ilusyon... Permanente syang nilalang na sinadyang pinapunta dito para maging tigapagmasid satin at maging gate na rin palabas."

"Sabi ko na nga ba. Kaya pala ilang beses kong sinubukang pagalingin 'tong sugat ko eh pero parang walang nangyayare... Akala ko nun eh dahil nanghihina lang ako, yun pala dahil na yun sa pagiging kakaiba nyang nilalang...," sambit ko habang tumatayo na muli para humanda sa susunod kong pag-atake.

"Mga batang hangal! Mukhang mali yata ang organisasyon sa pagkuha sa inyo... Hindi nyo pa rin maintindihan ang lahat... Mga walang utak!" dahan-dahan na uling tumatayo ang librarian na halos wala man lang sinapit na galos. Bigla ko na lang napansin na nasa tabi ko na pala si Rio. Mas naging malinaw sa paningin ko ang pinsalang inabot nya. Puro pasa't sugat na kaagad ang mukha nya samantalang wala pang 30 minuto kaming nakikipaglaban.

"Rio makinig ka. Kung katulad natin sya, ibigsabihin eh katulad lang din nya tayo...," tumango lang si Rio sa sobrang panghihina. "Ibigsabihin, kung nagiging permanente ang sugat natin sa bawat pag-atake nya, ganun din ang magiging epekto ng pag-atake natin sa kanya tama?" biglang napatingin si Rio sakin dahil mukhang kinutuban syang may plano ako.

"Oo nga noh... Tama ka. Kung tayo eh nakakagawa ng ilusyon, ibigsabihin eh ganun din ang kakayanan nya kaya ganun sya kalakas... Hiniling din nyang maging malakas," tugon ni Rio sakin.

"Tamang-tama ka dyan. Pero may kaisa-isa lang na bagay na iba mula satin at sa kanya," nagbago bigla ang reaksyon ng mukha nya na para bang nagtataka matapos nyang marinig ang sinabi ko... "Mag-isa lang sya... Anim tayo." Biglang napangiti si Rio na para bang may halong yabang dahil mukhang napagisip-isip nyang may pag-asa pa kaming manalo.

"Mukhang dito na tayo magkakasukatan ng lakas at limitasyon," ang tangi lang nyang nasagot sakin.

"Sasama ako. Hindi naman pwedeng kayo lang ang makipaglaban. Bumalik ako para sa inyo... At lalabas ako dito na kasama kayo," pagsingit ni Elijah sa usapan habang naglalakad papunta sa tabi ko.

"Walang iwanan! Sasama din ako!" si Ron naman yun na hindi ko napansing nasa likuran na namin. Halos buong mukha na rin nya ang nagtamo ng pasa kaya halos hindi ko na sya makilala.

"Syempre sasama din kame... Alam nyo naman, 'pag walang mga tanga, hindi kumpleto ang barkada," pagsingit pa ni Ted mula sa 'di kalayuan habang nasa likuran nya si Bugz.

"Wow... Dinamay mo pa ko sa katangahan mo. Lumayo ka nga saken," sabay itinulak pa ni Bugz si Ted tsaka sya lumakad nang mabilis papunta samin.

"P***! Sumugod na nga tayo! Baka mamaya chinachop-chop na nya tayo dito't lahat tapos nagdadramahan pa kayo!" wagas na sigaw ko matapos kong matanaw ang librarian na yun na tumatakbo na palapit samin.

"Okay! Ibuhos nyo lahat ng lakas nyo. Sa pagkakataong 'to, hindi na 'to labanan ng lakas kundi palupitan ng imahinasyon, talino at diskarte... Mas magandang imbentong ilusyon, mas may pag-asang manalo," sambit pa ni Rio habang magkakatabi kaming magkakaibigan, mga nanlilisik ang mga mata at mga naghahanda para umatake.

"KALAYAAN!!!" agad na binatukan ni Ron si Ted pagkatapos nitong sumigaw.

"Tama nang daldalan... Pagbilang ko ng tatlo, sugod na tayo... Isa... Dalawa....," sabi ko sabay tumingin ako sa mga kaibigan ko. Agad na ding nagtinginan ang bawat isa samin, mga nagpapakiramdaman kung handa na ang bawat isa.... "TATLO!!!"

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon