CHAPTER XXII: Jealousy

55 1 0
                                    


"HELLO SAGADA!!!!" bungad na sigaw ni Ron pagkalabas ng van.

"Sarap naman ng klima dito," sabi naman ni Bugz na hinihimas-himas pa ang mga braso dahil sa lamig. Lahat kami nun eh mga nakatingin sa bawat detalye na nakaukit sa pader ng Center for the Disabled na hindi namin akalaing napakalaki pala para maging isang center.

"Oh? Wat ar yu weyting por?" sambit ni Ted na nakakaloko ang mukha.

"Teka.... Ano namang t-shirt 'yan ha? San ka nakakuha nyan?" tanong ko naman sa kanya matapos kong makita ang white shirt na may naka-imprentang "Love them, Save them, 2nd Volunteer's Week" na suot nya.

"Aba pucha, dapat sinabihan mo kami na magsusuot ka pala nyan," pang-aasar ni Ron sa kanya.

"Hehe, don't worry, magsusuot din talaga kayo nyan," medyo na-curious kami sa sinabi nyang yun. Ilang saglit pa eh binuksan nya ang malaki nyang bag mula sa van at nakita namin ang sangkatutak na shirt na kaparehas ng naka-imprinta sa shirt nya.

"Wow, handang handa ah. Oh dali, sugod na," sambit ni Bugz na halatang excited sa pagiging volunteer. Mukha kasing ito ang unang beses na magvo-volunteer sya.

At iyon na nga, nagkaroon ng program sa loob ng center kung saan tinutulungan namin ang mga may kapansanan. Nagbigay lang kami ng mga pagkain sa kanila at syempre kwentuhan para di boring. Marami pang ibang volunteers na pumunta nung araw na yun kaya naman nakakatuwa na rin at nakakagaan sa pakiramdam na nakakatulong kami.

"Oh? Nasan na si Elijah?" tanong ko sa mga kaibigan ko sa kalagitnaan ng pamimigay ng mga laruan sa mga batang may sakit.

"Huh? Bakit ganun? Nakita ko kasi syang tumatakbo papasok sa restroom kanina eh... Sabihin mong hindi pa rin sya lumalabas hanggang ngayon?" sagot sakin ni Bugz na nakakunot na ang noo sa pag-aalala.

"Oy pre!!! Katukin nyo na dun at baka may masama na namang nangyari sa kanya, dali!!! Alam nyo naman yun, palaging may kapahamakang naghihintay sa kanya," sigaw ni Ron samin na halatang nag-aalala na din. Agad na akong tumakbo papunta sa harap ng pintuan ng restroom pero bago pa man ako makarating doon eh natanaw ko na si Rio na naunahan na pala ako na katukin ang pinto.

"Oh Rio?! Sumagot na ba sya?" ang tangi kong nasabi matapos kong tumayo sa tabi nya.

"Wala akong naririnig na kaluskos o kahit ano mang pagresponde mula sa loob. Pero naka-lock yung pinto kaya sigurado akong nandyan pa rin sya sa loob," seryoso nyang sagot.

"Hay.... Bakit ba lagi nya tayong pinag-aalala?" medyo pagod na ako ng mga oras na yun tapos dagdag pa 'tong pag-aalala ko kay Elijah.

"P********, ni hindi ko nga din alam kung bakit kelangan ko pang maging mabait sa kanya," tugon nya sa tanong ko na halata namang hindi nakatulong para masagot talaga ang tanong ko. Medyo nagtaka lang ako sa sinabi nyang 'yon kasi sa pagkakaalam ko eh may gusto sya kay Elijah. Tumawa ako bigla nang malakas kaya napakunot ang noo nya sa pagtataka.

"Ay... Pasensya na, may naalala lang," sabi ko nang mapansing kong medyo hindi sya nasiyahan sa naging reaksyon ko.

"Eh ikaw?" tanong nya sakin na talaga namang kulang ang ibigsabihin para maintindihan.

"Ano?" sagot ko naman.

"Ano namang dahilan mo kaya para kang aso na bumubuntot sa kanya?" dagdag nya na sobrang nagpa-badtrip talaga sakin. Hindi na naman sya nakatingin sakin, as always... Gawain talaga nya.

"Aso? Sa tingin mo ba gusto ko sya?" hirit ko na medyo nasa bad mood na.

"Seryoso ka ba? Halata naman naming lahat na type mo sya, tama ba?" pang-aasar na naman nya na mas lalong nagpainit sa ulo ko.

"Ggrrrr.... G*** ka ba? Eh ikaw kaya 'tong halatang halata na may gusto sa kanya," inis kong sambit sa kanya habang nagkikiskisan ang mga ngipin. Iyon ang unang beses na minura ko sya at ang unang beses na sobrang nabadtrip ako mula nang maging katropa nila ako.

"Teka... Teka... Ako ang may gusto sa kanya? Hindi naman porket nag-aalala ako sa kanya eh gusto ko na sya," humarap na sya noon sakin na nakasusunog na ang mga tingin.... P***, ito pala ang pakiramdam na matitigan nya, parang sinusunog ang mga laman ko.... Pero hindi ako nagpasindak.

"Nagde-deny ka pa? Oh sige... Kung sabihin kong gusto ko talaga sya? Magagalit ka?" hirit ko pa.

"U***l, sinabi ko na ngang di ko sya gusto!!! Kung totoo ngang gusto mo sya, eh di gustuhin mo sya, wala akong pakealam!!!" galit na nyang sagot sakin.

"Talaga lang ah, sige... Kung nanaisin mo.... Sige, pagkalabas nya ng restroom na 'yan.... Labag man sa batas eh haha----" napatigil ako nang magulat ako sa biglaang pagbukas ng pinto. Bumungad si Elijah samin na pinupunas-punasan ang mga mata gamit ang panyo nya. "Oh? Ayos ka lang? Ano bang nangyari sayo't halos isang oras kang nasa loob?" tanong ko sa kanya na medyo awkward dahil na rin sa pinag-uusapan namin sya ni Rio.

"Pasensya na, sumama lang pakiramdam ko kaya pumunta muna ako dito sa CR. Pero okay na ko," sagot ng dalaga sakin.

"Nagda-diarrhea ka?" tanong ko na naman na para bang nagpapanik pa. Bigla akong binatukan ni Rio dahil sa kalokohang tanong ko. Tumingin sya kay Elijah na blangko ang mukha at parang medyo badtrip.

"Nagsisinungaling ka tama?" tanong nito na parang medyo nakakabastos.

"Oy, magdahan-dahan ka nga muk---" tinakpan bigla ni Rio ang bibig ko para magpatuloy sya sa pagsasalita, samantalang si Elijah eh napatigil sa pagkuskos sa mga mata nya.

"Dumugo uli 'yang mga mata mo tama?" nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa dalaga na nananatiling nakatakip ang panyo sa mukha nya. Ilang segundo pa ang nakalipas at walang isinagot si Elijah sa tanong nya. "Tama ako diba?" dagdag pa nya pero hindi pa rin sumagot ang dalaga.

Babatukan ko na sana sya nun para tumigil sya sa pangungulit kay Elijah, pero bago ko pa man mahampas ang likod ng ulo nya eh bigla nyang hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Elijah at inalis iyon mula sa pagkakatakip sa mukha nito.

"Rio!!! Magtigil ka nga!!!" sigaw ko sa kanya matapos kong tabigin ang kamay nya na nakatakip sa bibig ko. Pero sa kabilang banda, nakita kong may kaunti pang mantsa ng dugo sa mga mata ni Elijah, at ang isa pa dun eh nakapikit lang sya. Sa mga oras na yun, pakiramdam ko nasaktan ang dalaga sa mga pinagsasabi ng g***** Rio na yun kaya balak kong hatakin sya palayo kay Rio, pero napansin ko na lang bigla na kinuha ni Rio ang panyo sa kamay ng dalaga sabay ginamit iyon para punasan ang mga mata ni Elijah.

Natulala ako at may naramdamang kakaiba na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung imahinasyon lang yun pero may naramdaman talaga akong kumirot sa puso ko... WAHHH!!! P********!!! Sabihin mong nagseselos ako!!! Hindi pwede 'to!!!

"Pasensya na, sa susunod, 'wag ka nang magkukunwaring ayos ka lang. Kaibigan ka namin, pero sa tuwing nagsisinungaling ka, pakiramdam ko.... Tinatraydor mo na rin kami," sambit ni Rio na nagpabalik sa ulirat ko mula sa pagkatulala.

"Sorry.... Hindi na mauulit," yumuko si Elijah at para bang nahihiya sa pagsaway sa kanya ni Rio.

"Tara na," dagdag pa ni Rio sabay hinawakan ang braso ng dalaga dahil against sa rules ang paghawak sa kamay....at sabay silang umalis na para bang hindi nila ako nakita. Sa sobrang pagkainis, ang tangi ko na lang nagawa eh tadyakan ang pintuan ng restroom kung saan galing si Elijah.

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon