"Oy, teka teka.... Hindi ko yun kagustuhan, sya mismo ang yumakap sakin," paliwanag ko pagkalabas namin sa kwarto ni Elijah. Nakasandal ako noon sa pader sa mismong tapat ng kwarto ng dalaga habang ang mga ungas namang kasama ko eh nakatayo sa harapan ko at para bang nananakot.
"Bawal na ang palusot, lumang gawain na 'yan," sagot naman ni Ron na lalong nagpakilabot sakin dahil ayaw kong ako ang unang makatikim ng parusa.
"Nakita nyo naman diba? Sya yung yumakap hindi ako," depensa ko pa para magbago pa ang isipan nila.
"Teka lang... Bakit pala si Rio lang ang natira sa loob? Hindi ba natin pwedeng panoorin yung pagtanggal ng benda sa mga mata ni Elijah?" pagsingit ni Ted na buti na lang eh naalala nya para hindi mabaling ang tuon sakin ni Ron na para bang gusto akong sapakin.
"P***!!! Oo nga noh?! Hindi pwedeng si Rio ang una nyang makita kung may naaaninag na sya ngayon diba? Unfair!!!" sagot naman ni Ron na biglang lumingon sa pintuan ng kwarto ni Elijah. Humakbang ng ilang metro si Ron at akmang bubuksan na ang pinto.
"Mga tanga.... Kaya si Rio lang ang pinayagan dahil sya na siguro ang pinakamaayos kausapin sating lahat.... Kinukumusta kasi ng doktor ang kalagayan ni Elijah sa tuwing binibisita natin sya," buwisit talaga 'to si Bugz.... Ayos na sana dahil nawala ang atensyon ni Ron sa kasalanang di ko naman ginusto.
"Ganun ba...," ang tanging nasagot ni Ron nang mapatigil sa tapat ng pintuan. Hinanda ko na uli ang sarili ko para bugbugin ng mga salita nya pero sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla na naman syang nag-inarteng parang bata. "EH PANO YUN!!! MUKHA NI RIO ANG UNA NYANG MAKIKITA!!! HINDI AKO PAPAYAG!!!" sigaw nya sa tapat ng pintuan kasabay ang pagpihit sa door knob para pumasok.
"Oy!!! Pucha ka, wag kang istorbo!!!" saway ni Ted kay Ron na humakbang din nang ilang metro para mapigilan nya ang isip-bata naming kaibigan. Pero bago pa man mabuksan nang lubusan ang pintuan, biglang bumungad ang doktor na tumitingin kay Elijah at tila ba parang tapos na ang pagtanggal ng benda sa mga mata ng dalaga.
"Oh? Nandyan lang pala kayo.... Kukumustahin nyo na ba agad sya?" tanong ng doktor na parang nakakaloko ang ngiti. Nagulat kami nang biglang pumasok si Ron nang walang sabi-sabi. Pinabayaan lang sya ng doktor samantalang kami eh agad na sumunod sa kanya para pagsabihan sya.
"Hoy, tinatanong tayo ng doktor... Wala ka bang narinig?" pang-aasar ni Bugz kay Ron na ngayo'y tulala at walang naisagot. Nagtaka ako sa reaksyon ng mukha ni Ron na para bang nakakita ng multo. Dahan-dahan akong tumingin sa tinitignan ni Ron nang biglang.....
"WAHHHH!!!!" sigaw ko habang ang mukha ko ay halos maunat na sa pagkaka-stretch.
"Ano ba naman 'yan, wala nga ba talaga kayong mga naririnig!!!" patuloy na pag-saway ni Bugz na ngayo'y isinama na ako sa sinisisi. Nakita kong dahan-dahan ding lumingon ang ulo nya para tignan ang tinititigan namin.... "P***," bulong nya nang makita rin ang pinagmamasdan namin.
"KASALANAN NA 'YAN!!!!" sigaw namin ng sabay sabay habang dinuduro ang mukha ni Rio matapos namin syang mahuli na nakahawak sya sa mukha ni Elijah.
"T******, bakit ba?" ang sagot lang samin ni Rio na nagkukunwari pang walang ginagawang masama.
"Sigurado akong nakita ng dalawa kong mga mata na nagbabalak kang halikan sya!!!" sigaw ni Ted sa mukha ni Rio.
"Sisiguraduhin naming mapupuruhan ka....," sambit naman ni Bugz na nanlalaki ang mga mata. Paglingon ko naman kay Ron eh nagpapatunog lang sya ng mga buto nya sa kamay at para bang handa nang manapak.
"Teka, teka..... Ano ba 'yang mga pinagsasabi nyo.... Pinupunasan lang nya ang mga mata ko," pagtatanggol ni Elijah sa nasasakdal na si Rio sabay ngumiti nang pa-sweet. Tumahimik lang sila Ted sa pagsaway kay Rio at tumitig na lang sa kanya.
"Elijah!!! Pwede mo rin ba kong ipagtanggol!!! Sabi kasi nila, hinaras daw kita nung niyakap mo ko eh!!!" pag-iinarte ko naman dahil desperado talaga akong hindi maparusahan. Pero imbis na sumagot sya sakin, tinawanan lang nya ako.
"Ang ku-cute nyo talaga!!!" sambit nya nang nakangiti samin. Dun lang namin napansin na wala na syang benda sa mga mata pero nananatili syang nakapikit.
"Malinis na, pwede mo nang buksan 'yang mga mata mo," utos ni Rio sa dalaga habang binabanlawan ang bimpong ginamit nya sa pagpunas sa mga mata nito. Umupo nang maayos si Elijah at huminga nang malalim para humanda na sa una nyang makikita.
"Sana nga, totoong may himala," sambit ni Elijah na medyo kabado pa. Tumayo kaming lahat sa harap nya para sabay-sabay nya kaming makita, para patas... Maya-maya pa, dahan-dahan na nyang minumulat ang mga mata nya. Mas bahagya pa kaming lumapit sa kanya dahil sa sobrang pagka-excite. Dumilat sya nang dumilat nang dumilat hanggang sa..... "Huh? Bakit ganun?" dagdag pa nya nang makadilat na sya.
"Bakit anong nakikita mo?" tanong naman ni Ted sa kanya.
"Sabihin mong naloko tayo ng doktor," pamomoroblema naman ni Ron habang nakahawak sa ulo nya.
"Ibigsabihin wala talagang himala?" pagtatakang sambit ni Bugz habang tumitingin sa mga pagmumukha namin.
"Elijah!!! Hindi mo ba ko nakikita!!!" sigaw ko naman habang nagkukunwaring umiiyak, ewan ko ba, pero parang nahawa na ko kay Ron.
"Bakit ba ganyan kayo palagi? Pabayaan nyo kaya muna syang magsalita..." saway naman ni Rio samin na noo'y nakabuhol ang mga braso na parang nagsusuplado. Tumigil kaming lahat sa pagbato ng katanungan sa dalaga at hinintay syang maipaliwanag ang nararamdaman nya.
"Kasi... Hindi nyo naman sinabing may dalawa pa tayong kaibigan na naririto," pagpapatuloy ni Elijah sa pagsasalita habang itinuturo ang kung ano sa may bandang likuran namin.
"Naduduling ka ba?" pagsingit na naman ni Ted kaya walang pag-aatubiling binatukan ko sya para tumahimik.
"Kayo talaga, akala ko ako lang ang babae dito," dagdag pa ni Elijah na sobrang nagpa-curious saming lahat. Nagkatinginan kaming magkakaibigan dahil nawiwirduhan na kami sa pinagsasabi ng dalaga.
"Elijah.... Okay ka lang ba? Ano bang sinasabi mo?" tanong ni Ron sa kanya na sa tingin ko eh nag-iisip na naman ng katatakutan---- parang multo ba.
"Ha? Bakit?" ang tanging sinabi ng dalaga samin. Nakita kong biglang kumunot ang noo ni Rio for the first time dahil sa pagtataka at napahawak sya sa baba nya na para bang nag-iisip.
"Elijah naman.... Wag ka ngang magbiro... Anim lang tayong lahat na nandito sa kwarto mo... He... He... He...," sambit ko naman na nangangamot pa ng ulo at tumatawa nang nagkukunwaring okay lang ang lahat.
"Ano ba kayo... Ayan lang yung dalawa oh, parang isang babae at isang lalaki yata?" hirit na naman ng dalaga na mas lalong nagpataas ng mga balahibo ko.
"Sigurado ka bang okay ka lang....?" paulit-ulit na tanong ng mga kasama ko.
"Bakit ba ayaw nyong maniwala... Kung ako nga na kaunti pa lang ang naaaninag eh napansin ko na sila kaagad... Tapos kayong mga normal naman ang paningin eh parang walang nakikita....," sumimangot na ang dalaga dahil ayaw naming maniwala sa kanya.
"Yan ka na naman eh... Kalimutan mo na yun, baka hindi pa maayos ang kalagayan ng mga mata mo," ang sabi ko para matigil na ang usapan. Kaso parang mas naging determinado pa si Elijah para paniwalain kami.
"Eh ayan nga kasi sila oh, nasa likod mo lang at ni Rio!" sagot nya sakin nang pasigaw sabay itinuro ang kung sino man sa likod namin ni Rio. Nanlaki ang mga mata namin at parang naging mga estatwa sa takot.
BINABASA MO ANG
Pikit Mata, Ibang Mundo
Science FictionKung akala mong nasa mundo ka pa ng paghihirap at hinagpis, ibahin mo to. Lahat ng imposible magagawa mo dito. Lahat ng gusto mo matutupad dito. Pati crush mo, sa mundong ito, posibleng maging kayo. Ngunit sa bawat positibong enerhiya ay may kabalig...