CHAPTER XVI: Miracle

44 3 0
                                    


"Sana okay lang sya..... Sana okay lang.... Sana okay lang sya," bulong ni Ted sa sarili habang hindi mapakali sa pabalik balik na paglalakad at kagat- kagat pa ang mga daliri.

"Pre, umupo ka kaya muna, nasa ospital tayo, tignan mo nga itsura mo?! Puno ng dugo 'yang uniform mo," sabat ni Ron sa kanya na nakaupo sa tabi ko. Sa kabila ko naman eh si Rio na hindi ko akalaing makakapagbasa pa sa gitna ng pag-aalala naming lahat kay Elijah. Sa kanan naman ni Rio ay ang tahimik na naghihintay na si Bugz, pawis na pawis kahit na airconditioned naman ang ospital.

"Nasan ang anak ko!!!" sigaw ng isang babaeng tumatakbo papalapit samin.

"Guardian?" bulong ni Ron sakin na halata namang narinig pati ng iba naming mga kasama.

"Siguro nga," sagot ko naman sa kanya. Sakto namang biglang lumabas ang doktor sa kwarto kung nasaan si Elijah. Agad kaming nagtayuan habang ang nanay ni Elijah eh dire-diretso sa harap ng doktor.

"Kumusta po ang anak ko Doc.?" agad na tanong ng ina ng dalaga.

"Guardian po ba nya kayo?" sambit ng doktor habang tinatanggal ang gwantes. Sumagot lang ang guardian nang patango. "Kasi nay.... Yung anak nyo po," lumapit kami sa doktor para makiusosyo. "...... Kakaiba po ang kondisyon nya ngayon.... Nakagawa po sya ng isang himala."

"HA!!!!" sigaw ni Ted na sadya naman talagang nakakabastos.

"Sshhhh, tumahimik ka nga," saway naman ni Bugz sa kanya.

"Bakit po Doc? Anong meron?" tanong ko naman para ibalik sa dati ang usapan.

"Ang pasyente po kasi..... Nadiskubre po naming nagkakaroon ng sigla ang cornea ng mga mata nya..," sabi iyon ng doktor na ngayon ay nakatingin na samin. "Ang maaaring maging konklusyon sa lagay nya ay....," p********ng doktor 'to, masyadong pinapaexcite ang lahat. "..... Maaari po syang makakita."

"HAAAA!!!!" sigaw naming lahat na magkakaibigan.

"Himala nga!" sigaw ni Ron.

"Sa wakas makikita na nya tayo," maiyak-iyak namang sambit ni Ted.

"Masusulyapan na nya ang mundo!" sigaw ko naman na nakadipa pa ang mga braso at nakatingin sa taas.

"Mabuhay ang himala!" sambit naman ni Bugz na nakaayos pa ang kamay na para bang magdadasal.

"Amen," kalmado namang sambit ni Rio sa mababang boses.

"Oras ang kaylangan para tuluyan syang makakita," pagpapatuloy ng doktor na syang nagpatigil samin sa kalagitnaan ng pagdidiwang. "Sa bawat oras na magsimula uling magdugo ang mga mata nya, kasabay nun ay ang unti-unting paggaling ng mga mata nya."

"Doc, hindi na yun importante. Ang mahalaga, may pag-asa pa syang makakita," kalmadong sambit ni Ron. "Hmmmm... Doc, pwede po ba namin syang kumustahin?" dagdag pa nya. Tumango naman kaagad ang doktor pero bago pa man makapagpaliwanag eh agad na sumugod sa loob ng kwarto sila Ron, Bugz at Ted.

"Oy, oy, oy.... Wala na kayong galang sa guardian nya at kayo pa talaga ang unang pumasok!" saway ko sa kanila.

"Hay.... Buti na lang at nandyan kayo. Mga kaibigan nya ba kayo?" tanong sa akin ng nanay ni Elijah.

"Opo, kami nga po," ang sagot ko naman.

"Salamat dahil dinala nyo kaagad sya dito sa o---," biglang naputol ang usapan nang sumingit si Rio.

"Nice to meet you," sambit nya sa gayong hindi pa naman sya nagpapakilala. Nakipagkamayan lang si Rio tsaka sumunod na rin kila Ron. Bahagyang nagulat ang nanay ni Elijah sa ginawa ni Rio.

"Mga bata talaga ngayon.... Mga kakaiba na," kasabay nun ay ang pag-ngiti nya sakin kaya bigla akong nakaramdam na komportable syang kausap. "Sige 'nak, mas mabuti kung mauuna na kayong bumisita sa kanya," dagdag pa nya.

"Pero kasi po, nakakahiya naman po," sagot ko naman sa kanya.

"Ayos lang iho, mas matutuwa sya kung ang una nyang makikita ay ang mga kaibigan nya. Ngayon ko lang din kasi sya nakikitang masaya at alam kong kayo ang nagdadala nun sa kanya. Sige na," nahihiya man ako, pumayag na lang din ako sa gusto nya sa tutal naman eh ang mga magulang ang mas nakakaalam ng ikaliligaya ng kanilang anak. Nakangiti pa rin sya sakin hanggang sa pagpasok ko sa kwarto... Parehas na parehas talaga sila ng ugali ni Elijah.

"Hello princess," bulong ni Ron sa tainga ni Elijah na noo'y wala kaming kasiguraduhan kung gising na talaga sya dahil na rin sa bandage na nakatakip sa mga mata nya.

"Hoy, pabayaan mo muna syang makapagpahinga... Loko 'to," saway sa kanya ni Bugz na nakaupo sa may gilid ng kama.

"Grabe... Mahal talaga sya ng diyos kaya sya nakagawa ng himala," sambit naman ni Ted na naka-praying position na naman.

"Himala o tadhana?" pagsingit naman ni Rio na nakaupo malapit sa pintuan at muling hawak ang librong physics.

"Sa wakas, makakamtan na nya ang gusto nyang mangyari," sabi ko naman habang nakatayo sa may ulunang bahagi ng kama. Nung mga oras na yun, bigla ko na namang naalala kung ano nga ba ang dahilan kung bakit nakikita nya kami ni Rio kahit sabihin mong halos anino lang ang naaaninag nya. Kahit pa sa oras na makakita sya, gusto ko pa ring malaman kung pano iyon nangyari, dagdag pa sa mga naiisip ko ay ang mga pinagsasabi ng kakambal ko. Ewan ko ba kung bakit ba yun mahalaga, pero sigurado akong ang pasa na naiwan sa mukha ko eh hindi lang basta galing sa ilusyon.

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon