CHAPTER XXI: A Mysterious Event

42 3 0
                                    


Inabot na kami ng gabi sa kahihintay kay Ron na syang nag-aayos ng problema sa van. Nasa labas na kaming lahat ng van at nagpapahangin sa sobrang pagkainip.

"Kainis naman, bakit ba ngayon pa 'to nangyari!!!" pag-iinarte ni Ted na ngayon eh naka-sweater na dahil sa lamig ng simoy ng hangin sa lugar na yun. Tinignan lang namin syang lahat at hindi na sumagot pa. Nakasandal ako nun sa may gilid ng van, si Bugz naman eh nakaupo sa malaking bato malapit sa damuhan samantalang si Rio eh pinapanood si Ron sa pangangalkal ng makina sa harapang bahagi ng van.

Sa di kalayuan, nakita kong tahimik na nakatayo si Elijah habang nakatitig sa madilim na gubat sa gilid ng kalsada. Naka-sweater na rin sya nun ng pula at nakabonet. Lumapit ako sa kanya para naman maitanong sa kanya kung may problema.

"Uy, okay ka lang?" bungad ko sa dalaga na naabutan kong nakapikit na naman ng mga oras na yun na para bang may pinapakiramdaman.

"Ssshhhh, masyado kang maingay," saway nya sakin kasabay ang pagtakip sa bibig ko. "Sigurado ako.... Hindi na lang yung babaeng boses ang naririnig ko, may iba na ring mga boses na nakikisali," dagdag pa nya na nagpataas sa mga balahibo ko.

"Seryoso? Eh ano na namang sinasabi?" tanong ko nang pabulong sa kanya matapos nyang alisin ang kamay nya sa bibig ko.

"Yun nga ang problema ko. Wala na kong maintindihan dahil na rin sa dami ng boses na naririnig ko," napabuntong hininga sya tsaka lumakad papalapit sa van para kumustahin kung malapit na iyong maayos.

"Bwiset!!! Kaylangan ng baterya neto!!!" sigaw ni Ron samin na kung saan-saan nakatambay.

"Huh? Bakit? Sabihin mong kaylangan nating bumili ng bago.... Kita mo namang nasa gitna tayo ng kawalan," sagot sa kanya ni Bugz na ngayo'y may hawak na chichiria.

"Nak ng p***, pano tayo nyan," inis namang sambit ni Rio na poker face pa din.

"Dyusko naman, sana may himala ding mangyari ngayon," parang bata na namang sabi ni Ron na nagwawala na sa kinaroroonan nya. Wala kaming nagawa at mga nakatulala na lang. Tingin dun, tingin dyan.... Naghihintay ng himala.

"Bakit ba kasi wala kang contact ng kahit anong shop na nagbebenta ng baterya, eh di sana naka-order tayo," matamlay na sambit ni Ted. Wala na uling nagsalita kaya mas ramdam na namin ang katahimikan ng gabi maliban na lang sa ingay na mula sa nagwawala naming mga sikmura.

"Mas mabuti siguro kung mauuna na akong kumain sa inyo," sabi ko sabay tayo mula sa pagkakaupo sa malaking bato na nauna nang inupuan ni Bugz. Agad akong pumunta sa likod ng van at nangalkal ng mga gamit ko para maghanap ng pagkain. Ilang minuto pa kong nangalkal dahil sa dami ng bag naming nakalagay dun hanggang sa....

"What the f***!!!" sigaw ko na syang gumising sa diwa ng mga kasama ko.

"Bakit anong meron?" agad na pagresponde ni Ron habang tumatakbo sya kasama ang iba papunta sa pwesto ko

"Ayan.... Ayan!!!!" sigaw ko muli habang tinuturo ang bagay na nasa ilalim ng mga bag namin. Dahan-dahan silang tumingin sa tinuturo ko at sabay-sabay naglakihan ang mga mata nila... Maliban kay Rio.

"Holy s***!!! Kaylan pa nandyan 'yan? Sa pagkakaalala ko eh kahit kaylan hindi ko naisipang magreserba ng isa pa nyan," manghang-manghang sambit ni Ron.

"Sinuswerte ba tayo kay Elijah dahil gumawa sya ng himala? O aksidente lang talaga 'to?" tanong naman ni Ted na parang walang kwenta para iyon ang unang isipin.

"Sigurado akong wala 'yan nung ipinapasok ko yung mga bag ko dyan kaninang umaga," pagtataka naman ni Rio na ngayon eh nag-iisip na naman.

"Guys? Anong meron? Anong tinititigan nyo?" bungad ni Elijah samin na nanggaling pa sa loob ng van. Hindi na kami nagsalita at itinuro namin nang sabay-sabay ang bagay sa loob. Agad namang tumingin ang dalaga sa likuran ng van.... "Ha!!!! Baterya ba 'yan!!!!!!" unang beses na sumigaw si Elijah dahil sa gulat. Pero mas nakakapanibago dahil naaaninag na nya ang mga bagay-bagay.

"Tama, baterya nga. Kung kaninang umaga pa natin 'yan nadiskubre eh di sana, malayo-layo na tayo ngayon sa lugar na 'to," ang tangi kong nasabi habang nakatitig pa din sa baterya.

"Pinakinggan ng langit ang hiling ko, Huhu," pag-iinarte na naman ni Ron na parang nagta- tantrums.

"Ron, kung ilagay mo na kaya 'yang baterya dun sa may makina para naman makaalis na tayo.... Noh?" pagsaway ni Bugz sa kanya. Sobrang nakahinga kami nang mangyari yun. Akalain mo nga naman, may natitira pa palang swerte samin. Pero kahit na ganun, tama ang sinabi ni Rio. Wala doon ang bateryang 'yon nang inilagay namin ang mga gamit namin sa likod ng van kaya naman bagong wirdong pangyayari ang bago ko na namang nasaksihan.

Pikit Mata, Ibang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon