Prologue

9.6K 97 15
                                    

(A/N: Dedicated to her. Because she listens to my evil plans. BWAHAHAHAHA!)

Song for this chapter: Stitches by Shawn Mendes

Prologue

In Control


NAPAKARAMING TAO ngayon. Ito kasi ang debut ng bandang Crescent Victors dito sa Pinas. Mabilis ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang paglabas ng mga miyembro nila sa stage.

Lahat ng mga miyembro ay gwapo at may talento.

Isa lang ako sa libo-libong tao dito sa araneta. Umakyat ako para makuha ang angulo ng lahat ng mga tao dito. Kailangan ko pa kasing mag-submit ng artikulo para sa event na ito. Naghiyawan ang mga tao nang dumilim ang paligid.

Nagsimulang mag-perform ang front act, pero mas inaantay pa din ng lahat ang mga miyembro ng banda.

Nakisiksik ako sa mga lupon ng photographers, pero buti nalang at hindi ako nahihirapan dahil matangkad ako. Sa tangkad kong limang talampakan at sampung pulgada, I can tower over these people.

"Good evening araneta!" anang isang miyembro sa banda.

Si Caleb Blair—ang Scottish-Filipino main vocalist ng banda. His noticeable features are his dimpled smile and grey eyes. He also has a reputation of being a playboy, which adds to his charm. Definitely swoon-worthy.

Crescent Victors consists of Filipino mestizos. Lahat sila, may mga banyagang dugo. Gwapo silang lahat at talented kaya benta sila sa market.

"Are you guys ready to listen to us sing for the whole night?" Biglang sumulpot si Darius Gibson, at nagpatuloy sa tilian ang mga fans nila. Siya ang pinakamatangkad sa kanila. He's known for his towering height and deep voice. He's the most aloof one also. Half British, half-Filipino. Like Caleb, he's also swoon-worthy. He's the band's drummer and back-up vocalist.

Sumunod lumabas si Ezra Lee. Half-chinese, half-Filipino. Known for his chinky hazel brown eyes and friendly aura. Ayon sa mga articles sa internet, siya ang pinakamabait sa kanila. He's the band's bassist, and he also plays percussions.

"We love you Chinito!" sigaw ng kababaihan sa may banda na tinatayuan ko.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang paglabas ng pang-apat at huli nilang miyembro.

"Last but not the least, here's our lead guitarist, Max Kennedy!" masiglang sigaw ni Ezra Lee.

Suminghap ako nang makita ko siyang lumabas sa stage.

There he is, looking like a greek God as he walks confidently to the stage. Sa lahat ng miyembro ng Crescent Victors, siya ang pinakasikat. Kahit lead guitarist lang siya, marunong din siyang kumanta, pero hindi siya mahilig kumanta sa publiko.

Max has that enigmatic charm. Siya ang tipo ng lalake na gusto ng lahat, pero hindi nakukuha. With his close-set deep hazel brown eyes, pinkish lips, and perfect jaw, one can't not look at him. Like Caleb, he's also a player.

Noong panahon na naghulog ng kagwapuhan ang Panginoon, mahigit sampung timba siguro ang dinala niya. O di kaya'y umabot siguro ng isang buwan bago Niya nagawa si Max.

Napako ang tingin ko kay Max. Nakasabit ang gitara sa kanyang balikat. Sinimulan na niya ang pag-strum sa gitara.

Napakaingay ng tao sa paligid, pero balewala lahat ng mga hiyaw nila. Balewala sila sa'kin. Ang buong atensyon ko ay nasa kanya lang. Alam kong isa lang ako sa mga mata na nanonood sa kanya, pero nagbabakasakali ako na mapapansin niya ako.

Controlled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon