Chapter Fourteen

3.2K 37 1
                                    

Song for this chapter: Kiss Me by Ed Sheeran

Chapter Fourteen

Do It

"STRAIGHTEN YOUR posture and walk straightly," anang catwalk instructor.

Ginawa ko ang sinabi niya at sinubukang maglakad gamit ang seven-inch na stilettos. Isang oras na kaming nag-pa-practice at unti unti na akong nasasanay.

Isang linggo nalang at fashion show na ng ninang ni Rick.

Alas ocho ng gabi ako natapos. Ang sakit ng paa ko. I was already getting blisters after three hours of walking in heels. Pagkababa ko sa stage, agad akong tinagpo ni Rick. "How was your rehearsal?" tanong niya.

"Okay lang." Kibit-balikat kong sabi.

Binigyan niya ako ng frappe mula sa Starbucks. "Salamat," nakangiting sabi ko. Sinipsip ko 'yon.

"You're welcome," aniya. Hinalikan niya ako sa pisngi.

Hindi na ako nahihiya tuwing hinahalikan niya ako sa pisngi o noo. Nasanay na ako. He just randomly does it. Namula ang pisngi ko nang bigla ko naisip ang nangyari noong huling linggo.

I gave him my first kiss.

Pagkatapos nang nangyari sa school feast, hindi namin na pag-usapan iyon. Nagkunwari siya na parang walang nangyari, to my relief. Ayoko kasing magkailangan kami nang dahil lang dun. Wala din naman akong pagsisisi kasi ginusto ko ang nangyari.

"You're blushing," he commented. "Anong iniisip mo?"

Umiling ako. "Nothing."

"I thought sanay ka na pag hinahalikan kita sa pisngi," he said.

Inirapan ko siya. "Walanghiya ka talaga."

Marahan siyang napatawa. "You're not pushing me when I kiss you. I'm happy. It's a progress."

Hinatid ako ni Rick sa bahay namin. Welcome na welcome siya sa pamilya. Kahit si kuya Vaughn at tatay, approve sa kanya. Hindi ko nga lang alam kung paano niya nagawa 'yon.

"Good night, Victoria Marie," he said.

He leaned closer, and was about to kiss my lips, but I stopped him. "Rick."

Nakakunot ang kanyang noo. "What?"

"Hi-hindi tayo," sabi ko. "T-Tapos, ginagawa natin ang mga bagay na ginagawa ng magkasintahan."

"Then let's be together."

"A-Ayoko." Iling ko.

Mukhang nasaktan siya. Dumistansya siya ng konti. "I'm sorry for kissing you that night. I mean, I shouldn't have forced you—"

"Ginusto ko yon," I blurted out before I could stop myself.

Mukhang nagulat siya. Kahit ako, nagulat nga. I shouldn't be this honest.

Relief crossed his face. "I'm glad you did," he said softly. "I was trying to pretend that it never happened because I was scared that you'd be awkward around me if I bring it up."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Okay lang talaga yun."

"Good night, boss." Ngumisi siya at pabirong sumaludo.

"Good night."

***

"DTR," sagot nalang ni Olivia matapos kong ikwento sa kanya lahat ng nangyari noong nakaraang school feast.

"Huh? Anong DTR?"

"Define the relationship," she said pointedly. "Ang gulo niyo na kasi."

"Pero ayoko nga ng relasyon," sabi ko.

Controlled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon