Song for this chapter: Intoxicated by The Cab
Chapter Sixteen
Intoxicated
"DON'T BE NERVOUS," sabi ni Rick.
Kakatapos ko lang nilagyan ng make-up. Unang rarampa ang mga modelo para sa casual wear, at mamaya pa kaming dalawa sa dresses and suits.
"Paano kung sumemplang ako? Wala akong experience dito," kinakabahan kong sagot. "Ikaw, malamang may experience ka na kaya madali nalang sa'yo to."
"Don't worry. Kahit sumemplang ka pa, you'll still be the most beautiful girl for me." He chuckled.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Hindi ko pa din kayang kontrolin ang reaksyon ko sa mga papuri niya. At ang mga mata niya. Sinasabi nito na ako lang ang nakikita niya.
Napailing nalang ako para linawin ang pag-iisip ko. "Mambobola," sagot ko nalang.
"I'm serious. You look really beautiful," aniya. "And you know, I actually had experience in tripping and falling."
"Talaga."
Nginisian niya ako. "Every time I'm with you, I'm falling . . . head over heels." Kinindatan niya ako.
Pabiro ko siyang hinampas sa braso. "Kailan ka ba naging korni?" bumungisngis kong tanong.
"I'm not being corny, boss. I'm just telling the truth." Matapos ay bigla siyang natahimik, at nagtataka ko siyang tinignan.
"Ano na namang iniisip mo?"
"My wishes."
Naalala ko ang usapan namin sa arcade. Natupad ko na ang una niyang hiling. May utang pa pala ako sa kanyang dalawa. "Oh, may naisip ka na ba para sa dalawa at tatlo?"
"The second wish was already granted." He smiled.
"Anong second wish mo?"
"For you to like me back," he said. "I didn't even ask for it, yet you gave it to me." Malapad siyang napangisi. Kung napupunit lang ang labi, malamang kanina pa napunta ang sa kanya sa kakangisi.
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Right, nasabi ko na pala sa kanya na nagugustuhan ko na siya noong araw na nalaman ni Ezra ang tungkol sa amin ni Rick. Word vomit, damn it. "What's your third and last wish?"
"I'm sure you won't give it to me even if I ask for it," naiiling niyang sabi.
"Ano ba 'yon?" Nagtataka kong tanong.
Kinagat niya ang ibabang labi niya at pinasadahan ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri. "You will never agree to it."
Nanlaki ang mata ko nang nagka-ideya ako sa gusto niyang mangyari. Nag-init ang pisngi ko. "Hoy! Bata pa ako," bulalas ko. "Saka wag mo nga akong itulad sa mga babae mo na mahilig mag ganyan. Ibibigay ko lang ang virginity ko sa lalakeng sigurado akong papakasalan ako!"
BINABASA MO ANG
Controlled Hearts
Tiểu Thuyết Chung(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make sure that she'd have a great future ahead. No one could stop her from attaining her goals...