Song for this chapter: Lovin' So Hard by Becky G
Chapter Eighteen
Philosophy
"A EUKARYOTE IS any organism whose cells contain a nucleus and other organelles enclosed within membranes. Eukaryotes belong to the taxon Eukarya or Eukaryota—Ah! Pucha! I give up! Ayoko na! Wala ng pumapasok sa utak ko," pagmamaktol ni Olivia.
Nagkakandarapa na kami sa pag-aaral kasi malapit na ang finals week. Gusto niya sanang mag-cramming, pero pinilit ko siyang mag-aral ng maaga para i-re-recall niya nalang next week. Iba ang kurso namin, pero may mga subjects na pareho naming tinitake.
"Grabe, wala naman tong silbi sa course ko. Accountancy kinuha ko, eh pake ko bas a mga prokaryote at eukaryote na iyan?!" she whined. "And I'm on the brink of failing. Like, haler prof, I don't care about your subject. Wag kang feeling major!"
"Wag puro reklamo. Aral ka na nga lang diyan," suway ko.
"Na-fru-frustrate na ako, hah!"
"Malapit na ang sembreak, kaya laban lang uy. Kaya yan!" I encouraged.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino iyon. Napangiti ako habang binabasa ang text.
From: Rick
How're you studying? Are you hungry? Do you want me to get you some food or sth?
Ang sweet niya. Totoo nga talaga ang sinabi nila na mas na-a-appreciate mo iyong maliliit na bagay. Hindi na kailangan ng engrandeng sorpresa o ano. Halos mag-iisang buwan na ata kami. Wala pa akong sinabihan tungkol sa relasyon namin.
He was never part of my plan. My conviction was strong, but he managed to penetrate through the steel I'd built. When I'd finally decided to act on my feelings, it felt . . . liberating. Kahit kailan, hindi ko pa 'to nararamdaman sa kahit na sinuman. It was scary and exciting at the same time. Hindi ko na sinusunod lahat ng mga plano ko. Hindi ko na kinokontrol ang sarili ko na mahulog ang loob sa kanya.
Pero minsan, hindi ko maiwasan na mag-isip ng maigi. Kung tama ba 'tong ginagawa ko. Kung tama ba na pinapapasok ko siya sa buhay ko.
Paano nalang pag darating ang araw na kailangan naming maghiwalay? Paano nalang pag umabot na sa punto na magiging katumbas na siya ng hangin na hinigna ko, at hindi na ako mabubuhay ng wala siya?
Umiling ako at kinlaro ang pag-iisip ko. Overthinking wouldn't do me any good. Dapat hinahayaan ko nalang ang sarili ko na i-enjoy 'tong nararamdaman ko. Malapad akong ngumiti.
"Oh, bat ngiti ka ng ngiti diyan?" taas-kilay na tanong ni Olivia.
"Wala. May nabasa lang akong nakakatawa."
She gave me a look of disbelief. "Sa mukha mo, kinikilig ka, eh. Ang blooming mo these past few weeks!"
"Sino naman kakikiligan ko? Aber?"
"Sino pa, edi yung pinakamamahal mong Rick!" bulalas niya.
"Mag-aral ka na nga lang diyan. Dami mo pang sinasabi. Tsk."
Nagpatuloy sa pagbabasa si Olivia. Nagtipa ako ng reply kay Rick sandali.
To: Rick
Patapos na kami ni Olivia.
Pagkatapos 'non, itinuon ko ulit ang atensyon ko sa notes.
BINABASA MO ANG
Controlled Hearts
Aktuelle Literatur(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make sure that she'd have a great future ahead. No one could stop her from attaining her goals...