Song for this chapter: Wildest Dreams by Taylor Swift
Chapter Twenty One
Anything
PAGSAPIT NG NOBYEMBRE, nagpa-enrol ako para sa second semester. Mga dalawang linggo ay mayroon klase, pero napakabilis talaga ng oras. Parang sa isang iglap ay Disyembre na.
Malapit na ang trip namin papuntang Palawan. Kahit ako, excited na sa maaaring mangyayari doon.
Malamig ang hangin sa Disyembre. Nagbasa ako ng libro at sinipsip ang kape.
"I'm so excited! Gusto kong mag-snorkling," sabi ni Cordelia.
"Ako din," said Olivia.
"Gusto ko ma-experience ang Banana boat," saad ni Aviana. Sasama din kasi siya sa amin. "Pati na din yung caving at climbing sa Ugong rock."
Sinabi na ng lahat kung ano ang gusto nilang maranasan doon. Sinabi ko rin iyong akin. "Gusto ko lang mag island hopping at kumuha ng litrato sa magagandang view."
"Ikaw Rick, anong gusto mong gawin don?" asked Olivia.
"I want to watch the fireflies in Ihawig River . . . with Victoria." Tinignan niya ako. Nag-init nag pisngi ko.
"Puta, ang korny," kumento ni Rain. "Grabe, di ko kinaya ang pagbabago mo, Rick! Siguro kung hindi mo nakilala to si Victoria, chicks hunting ka lang 'don."
"Shut the fuck up, shithead," ani Rick. Inirapan niya si Rain.
***
Ang plano namin ay lumipad patungong Puerto Princesa at mamalagi sa resort nila Rain. Si Rick ang bahala sa plane tickets namin kasi may ari pala ng airline company ang tito niya. Dalawang araw kami sa Puerto Princesa, at pagkatapos non ay magbibiyahe kami sa El Nido at doon mamalagi sa dalawang araw.
Na-e-excite ako kasi hindi naman ako masyadong nagbibiyahe. Hindi naman kasi mayaman ang pamilya ko gaya ng mga kaibigan ko. Sila naman ang nanglibre nito sa'kin, at para lang akong sineswerte.
Magkatabi kami ng upuan ni Rick sa eroplano. Alas-singko pa ng umaga, at medyo pagod pa ako kasi hindi ako makatulog sa sobrang excitement. Tanaw ko ang siyudad sa ibaba, at para itong maliliit na langgam mula sa itaas.
Napahikab ako.
"Sleep, Victoria Marie," ani Rick.
Sa sobrang pagod ko, ginawa ko nalang ang sinabi niya. Sumandal ako sa balikat niya at nakatulog. Halos dalawang oras ang naging biyahe namin.
Nagising ako nang marahan akong kinalabit ni Rick. "Wake up, sleepyhead," he whispered softly.
Dinilat ko ang mga mata ko at sumalubong sa'kin ang sinag ng araw. Bumungad sa'kin ang gwapong mukha ni Rick. Tinignan ko ang view sa baba. I could see the lush island below. It was breathtaking! Magandang kunan ng larawan.
Sumakay kami sa speedboat na pag mamay-ari ng pamilya ni Rain. Kinunan ko ng litrato ang mga isla na nadaanan namin.
Nag-groupfie pa kaming lahat habang nagbibiyahe.
Nang nakarating kami sa resort, the employees accommodated us. Sa villa pala kami manunuluyan. May apat na kwarto doon kaya't dalawang tao sa isang kwarto. Si Aviana at Cordelia, ako at si Olivia, si Ezra at Rain, si Caleb at Rick ang magsa-sama.
Dahil sa pagod pa kami sa biyahe, napagdesisyunan namin na matulog muna.
Una naming ginawa ang cruising sa underground river. Stalagmites and stalactites surrounded the cave. Parang chandelier ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Controlled Hearts
General Fiction(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make sure that she'd have a great future ahead. No one could stop her from attaining her goals...