Chapter Thirty Nine

3.7K 50 3
                                    

Song for this chapter: Don't Be So Hard On Yourself by Jess Glynne

Chapter Thirty Nine

Masaya


NAKILALA NA KUNG sino ang gumawa 'nong bulletin board. Kathy Arevalo. Hindi ko siya kilala sa totoo lang, pero nalaman ko na isa siya sa mga fans ng Crescent Victors. Nagmula siya sa isa sa makapangyarihang pamilya dito sa Pinas. Business tycoon ang mga magulang niya.

Umamin ang dalawang lalake na nahuli sa CCTV camera na inutusan lang sila ni Kathy. Hindi kasi siya dito nag-aaral.

Tinanong ako kung ano ang gusto kong mangyari, pero sinabi ko nalang na hayaan nalang ang nangyari. Madami akong iniisip, at ayokong idagdag pa siya.

Inalok ako ni Rick ng kasal, at hindi ko alam kung ano ang isasagot. Matapos niyang sinabi ang kundisyon niyang 'yon, umalis na siya at hindi nagpakita. Sinabihan niya ako na bibigyan niya ako ng isang linggo na makapagdesisyon.

Pero para saan pa ba ang pagpapakasal namin? Para makaganti siya sa'kin? Para kay Van? Kung ikakasal man kami, ayoko na dahil 'yon kay Van o di kaya para makahiganti siya.

Madami pa ding mga taga-media na nag-aabang sa harap ng apartment ko, kaya't hindi na ako pumupunta 'don.

"This situation is bad," ani Delilah. "It's fucking drama." Binalingan niya ako ng tingin. May bahid na galit at awa ang ekspresyon sa kanyang mukha. "Manunuhog na ang tawag sa'yo ng mga tao."

Nag-uusap kami ngayon tungkol sa sitwasyon at sa kung anong pwedeng gawin para maayos ang gulo.

"Dapat hindi ako pumayag." Nagsisisi ako. Sa totoo lang, kabobohan 'yong ginawa kong pagpayag dito.

"I'll fix it," ani Darius. "Let's have a press con. I'll tell the media the truth."

"What about Max? He can't just run away!" bulalas ni Delilah. "Alam mo ba kung saan siya?"

Umiling ako. Wala siya sa penthouse niya. Hindi ko siya ma-kontak. Nagtanong pa nga ako sa mga kuya niya, pero ayaw nilang sabihin kung saan siya.

Minasahe ni Delilah ang kanyang sentido. "I'm such a stupid manager."

"So you were in-love with Rick," ani Darius.

"Are," pagtatama ko.

"I'm starting to like you . . . and now, I find out about this." Bakas ang pagka-dismaya sa kanyang boses.

Nagulat ako sa pag-aamin niya, pero hindi ako nababagabag 'don. Mas nababagabag ako kay Rick at sa maaaring mangyari,

"I'm sorry," sabi ko.

"It's okay. I mean, I can't dictate what you feel about me."

"Buti ka pa . . ." Bumuntong hininga ako.

"Buti pa ako?" Kumunot ang noo niya.

"Wala. Wag mong isipin ang sinabi ko."

"So . . . what's your plan now?"

"Hahanapin ko siya."

***

Panay ang pagsuot ko ng disguise tuwing lumalabas ako. Nabalita na kasi ang tungkol sa sitwasyon namin nila Rick at Darius. Maraming galit. Yung iba naman ay pumili ng team: #TeamDarius at #TeamMax. 

Dalawang araw na simula nang nawala si Rick. Absent siya sa shooting ng reality TV show nila. Kaya para ma-distract ang mga tao tungkol sa isyu at sa pagkawala ni Rick, inimbita nila ang mga sikat na artista—si Cadence, pati na din ang asawa ni kuya Brad na si Adele Monterverde-Kennedy.

Controlled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon