Special Chapter One

2.8K 49 4
                                    

(A/N: Wattpad removed their private chapter system, and apparently, this ended up drafted. Anyway, I'm re-publishing this again, for those who hadn't read it, so enjoy! Votes and comments are highly appreciated.)


Song for this chapter: PILLOWTALK by Zayn

Special Chapter One

Insecurities


"WHAT ARE YOU wearing?" kunot-noong tanong ni Rick.

"Palda at cardigan?" sagot ko. Nakasuot kasi ako ng mini skirt, camisole at cardigan. Wala na akong damit na masusuot. Hindi ko nalabhan ang mga damit ko dahil sa sobrang pagka-busy. I rarely wear skirts, to be honest. Hindi naman na babawasan ang pagiging kumportable ko, yun nga lang ay kailangan kong maging maingat sa galaw ko.

"Why are you wearing that?" Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Wala na akong ibang damit. Nakalimutan kong maglaba," saad ko.

"We have helpers, you could've asked them to do your laundry," aniya.

Ayoko kasing nagpapalaba sa totoo lang. Ayoko nga rin sana ng katulong, pero giniit talaga ni Rick na kailangan daw hindi ko na gawin ang mga gawaing pambahay. Pumayag nalang ako, yun nga lang ay hindi ko masyadong hinahayaan na magiging mabigat ang gawain nila. Dahil sa hiatus ni Rick mula sa karera niya, siya muna ang nagbabantay kay Van. At saka, tinutulungan lang siya ng mga katulong sakaling may problema siya.

"Kaya ko naman manlaba," sabi ko. "At saka . . . teka, bakit ang laki ng problema mo sa suot ko?"

"You're going on a seminar," he points out. "And I'm sure there are a lot of guys there."

"So what?"

"They're going to look at you."

"Wag ka ngang seloso," suway ko sa kanya.

"I'm not jealous," tanggi niya at umiling. "Fine. You can go wearing that. I won't stop you."

Kahit sinabi niyang okay lang, alam kong na-badtrip siya. Ano bang problema niya sa suot ko? Wala namang siyang problema kung mag-dress ako, ah. "Okay. Madali naman akong kausap," sabi ko nalang.

Hindi ko tatagpuin ang inis niya, pero bahala siya diyan. Hindi ako magpapalit.


Tahimik kami buong biyahe. Hindi siya nagsasalita. Hindi din ako nagsasalita. Alam kong galit siya sa suot ko, pero wala akong gana na makipagtalo sa kanya.

Nang nakarating kami sa venue ng seminar, hindi man lang siya sumandal papalapit para mahalikan ko siya sa pisngi. Bumuntong hininga nalang ako at lumabas ng kotse.

Galit nga siya.

Whatever, aamuin ko nalang siya mamaya. Lumakad ako papasok sa lobby ng hotel, at ipinakita ko sa receptionist ang ID.

Alas ocho y medya na, at mamaya pang alas nuwebe magsisimula ang seminar. Pagkarating ko sa event hall, nakita ko si Ma'am Ciara at iba pang mga facilitator na nag-pre-prepara para mamaya. "Good morning po sa inyong lahat," magalang na bati ko.

May mga estudyante mula sa ibang skwelahan na naghihintay na magsimula ang program. Nakaupo lang sila sa kanilang mga tables. May iba naman na tumulong.

"Ano pong maitutulong ko?" tanong ko.

"Bilangin mo nga kung tama ba ang bilang ng mga upuan per table," utos ni Ma'am Ciara.

Ginawa ko ang iniutos niya. Nakatuon ang atensyon ko sa clipboard na may graphics para sa seating arrangement.

At hindi ko man lang namalayan na may pigura na nakaharang sa daan.

Controlled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon