Song for this chapter: Taking Over Me by Lawson
Chapter Four
Dictate
HINDI KO ALAM kung tama ba ang pagkarinig ko sa sinabi niya. Martapos niyang sabihin 'yon, hindi ko na pinaulit sa kanya kung ano ang sinabi niya.
Kinakabahan ako ng sobra. Kalma lang ako sa labas, pero sa kaloob-looban ay naghuhuramentado ang sistema ko.
He's interested in me? Imposible. Hindi ako pwedeng maniwala sa pinagsasabi niya. Rick is a player. He could get any girl he wants, and I was just one of those girls. Siguro hindi ako ang unang babae na nasabihan niya 'yon—isa lang ako sa kanila.
Ako ang tipo ng tao na ginagamit ang utak palagi. Mas mataas ang IQ ko kaysa sa EQ ko kaya magaling akong mag-kontrol. Naniniwala ako na may rason kung bakit mas nauna ang utak sa puso.
Nakabuntot lang si Rick sa'kin, at hindi na siyang umiimik.
Pumunta ako sa department store at tinitignan ang mga possible kong maging regalo. Kitchen appliance? Kitchen utensil? Perfume? Relo? Hindi ko alam. Kailangan ko ng regalo na hindi masyadong mahal, at hindi din masyadong mura. Something in between.
Napansin ko ang tingin na binibigay ng mga kababaihan sa direksyon namin. Nakatitig silang lahat kay Rick. Ang iba ay tumitili. Pero parang wala lang kay Rick ang atensyon, kasi nakatuon iyon sa'kin.
Oo, sa'kin. Nakatingin lang siya na para bang hinihintay niyang bigyan ko siya ng permiso para magsalita.
Ako na ang pumutol ng katahimikan. "Ba't hindi ka nagsasalita?"
"I'm waiting for you to talk to me."
I cleared my throat as I composed myself. Nag-isip ako ng pwede naming pag-usapan. "May suggestion ka ba para sa pwede kong iregalo?"
"What for? Birthday gift? Congratulatory gift?" He arched a brow.
"Anniversary gift para sa magulang ko."
"Honestly, I'm not good with gifts . . . especially anniversary gifts." Napakamot siya sa kanyang batok. "But I'll try to help you find it."
He did what he told. Nilibot namin ang buong department store para maghanap ng maaari kong iregalo sa magulang ko. Pumunta kami sa accessory store, clothing store, shoe store, hardware, etc. Pero wala kaming nahanap sa huli.
"Aren't you a photographer?" bigla niyang tanong. "You like photography, right?"
I nodded.
"Why don't you make something sentimental? Perhaps a scrapbook or some sort. You could put their pictures there. Like, all the years they've been through together."
Napangiti ako sa suhestiyon niya. He really knew my thing. May mga larawan ako ng magulang ko, at pwede kong gawin yong suhestiyon niya. Bukod sa hindi masyadong kamahalan, may sentimental value pa. Alam ko kung gaano kahilig si nanay sa mga ganoon. "Siguro mas maganda nga yan," natutuwa kong sabi. "Punta tayo NBS. Bibili nalang ako ng materyales."
BINABASA MO ANG
Controlled Hearts
General Fiction(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make sure that she'd have a great future ahead. No one could stop her from attaining her goals...