Song for this chapter: I Don't Want You To Go by Kyla
(A/N: Just a warning: maiinis kayo sa chapter na 'to. HAHAHAHA.)
Chapter Twenty Eight
Leave
THAT WAS THE BEGINNING of the end. The day after it happened, namanhid lang ako. Wala akong pagsisisi o kasiyahan na naramdaman.
Isang gabi napaisip ako. Kahit gaano ko kamahal si Rick, hindi ako nararapat para sa kanya. Magiging sagabal lang ako sa pag-abot ng pangarap niya. Kung nabaliktad ang sitwasyon at ako ang nabigyan ng oportunidad para maabot ang pangarap ko, mas pipiliin ko 'yon kaysa sa kanya.
And it was unfair for him.
Prinsipyo ko 'yon. Prinsipyo na namana ko sa tatay ko. Wala siyang pamana o kahit na anong bagay na iniwan kundi ang prinsipyo niya.
No matter how much I love him, I'd control my feelings if it meant reaching his dreams. Even if it'd kill me.
Tinatawagan niya ako, pero hindi ko sinasagot ang tawag niya. Kung pumunta man siya sa bahay, hindi ko na siya tinutugunan o pinapapasok. Hindi din siya napapansin ni nanay dahil natutulog lang ito most of the time.
"Nak," tawag ni nanay sa'kin. Nakakapag-usap na kami, pero mabilis lang lahat ng mga pinag-uusapan namin. Kung kinakausap niya man ako, iyon ay kung may pabor siya na hinihingi. Hindi ko naman siya masisisi dahil lubos ang pagluluksa niya ngayon.
"Nay," tugon ko. "May kailangan po ba kayo?"
"Hindi ka na ba pumapasok sa paaralan? Parati ka nalang nagmumokmok dito." Bakas ang pag-aalala sa tinig ng kanyang boses. Ito ang unang pagkakataon simula nang nawala si tatay na naging ganito siya. Isa itong senyales na dahan-dahan na siyang nakaka-recover.
"Hindi na po muna. Saka parati nalang po akong nagkakasakit at nahihilo paminsan-minsan," sagot ko.
It was half the truth. Palagi nalang akong nahihilo at nagsusuka. Saka, nagiging irasyonal na ako. My mood swings weren't helping. Pero sa totoo lang, hindi ko pa talaga kaya pumunta sa paaralan. I couldn't function normally.
"Magpa-checkup ka," ani nanay.
"Ayoko po." Iling ko.
"Magpa-checkup ka," giit niya. "Ayokong masunod ka sa tatay mo."
Sa sinabi niya, nagpanting ang tenga ko. Takot si nanay. Takot na mawala ako. Siyempre, sino ba naman ang ina na gusto mawalan ng anak?
Tumango nalang ako. Ayokong tumaliwas sa gusto niya dahil alam kong natatakot siya ngayon. "Opo, nay," I conceded. Ayoko ng dumagdag pa sa aalahanin ni nanay.
Sa sumunod na araw, medyo nagiging okay na si nanay. Sinabihan ko si ate Valerie at kuya Vaughn tungkol sa lagay niya.
They were relieved.
Kahit ako nga din.
Nagbalik na ako sa pag-aaral. Pinagbigyan ako ng mga prof ko na ipapasa daw nila ako sa sem, ngunit hindi nadaw ako magiging dean's lister.
Okay nalang sa'kin yon. Tinanggap ko 'yon. Kasalanan ko din naman, at akong naglagay sa sarili ko sa ganoong sitwasyon.
"Nak, aalis muna ako ng isang linggo," paalam ni nanay sa kalagitnaan ng hapunan.
BINABASA MO ANG
Controlled Hearts
General Fiction(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make sure that she'd have a great future ahead. No one could stop her from attaining her goals...