Song for this chapter: Over and Over Again by Nathan Sykes (feat. Ariana Grande)
Final Chapter
Chapter Forty
Future
"MOMMY, THAT'S shark?" Turo ni Van sa Dolphin na dumaan.
Nasa Ocean Park kami ngayon. Ito kasi ang late celebration ng birthday ko, at si Van ang ka-date ko ngayon. Lakad lang kami ng lakad habang pinapanood ang pag-daan ng mga iba't ibang species ng mga hayop.
Nagsuot pa din ako ng makapal sa salamin para hindi masyadong makilala ng mga tao. Mabuti nalang at wala masyadong tao ngayon.
Sunod naming pinuntahan ang jellies exhibit. "Mommy, they're violet!" turo niya sa mga jellyfish. "They dance!" Pumalakpak siya at halatang tuwang-tuwa sa nakikita niya. "What jellyfish is this, 'Mmy?"
"That's a barrel jellyfish, baby."
"They're bad?"
"They sting, Baby. They look beautiful, but they can poison you."
Ngumuso siya. "Bad, jelly!" bulalas niya sa jellyfish.
Napatawa ako. "You're so cute, Baby."
"You're pretty, 'Mmy."
"Mambobola ka. Sino nagturo sa'yo niyan?"
"Tito," sagot niya.
Pinisil ko ang ilong niya.
Sunod naming pinuntahan ang sea lion show. May orientation pa tungkol sa environmental conservation.
Gumawa ng tricks ang sea lion, at tumatawa lang si Van habang tinitignan ito. Nag-backflip pa nga ito.
Nang natapos ang show, binigyan kami ng pagkakataon na makalapit dito. Kinuhanan ng litrato si Van habang hinahalikan siya ng sea lion sa pisngi. He pats the sea lion's head, at natuwa naman ito sa ginawa niya.
"Wish Daddy's here," sabi ni Van nang dumaan ang isang ama na karga ang kanyang anak na babae.
"Soon. You'll meet Daddy soon."
Lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko. "Really?"
"Yes, Baby. Your Daddy's here. He's back."
"Yehey!"
Dahil sa sinabi ko, panay ang tanong ni Van kung kailan sila magkikita ng ama niya. Wala akong eksaktong araw na maibigay. Nangako ako sa kanya na ipapakilala ko siya sa ama niya. Pinagdadasal ko lang na sana nga ay magkaayos na kami ni Rick.
***
Ngayon ang presscon ni Rick. Live na nag-a-air ito sa TV. Madaming tao sa media. Kaswal siyang nakaupo sa gitna at kalmado lang na tinitignan ang paligid niya.
Nanonood kaming tatlo ni ate Valerie at kuya Vaughn sa TV. May popcorn si ate Valerie, at nakikain naman si kuya.
"Ba't ka may popcorn?" tanong ko kay ate.
"Aba! Magandang show 'to."
Nagsimula na ang interview at nagtanong ang isa sa mga reporters. "Max, what can you say about the current controversies surround you, Darius and Victoria?"
"The rumors about her aren't true. Yes, they did date for publicity, but there's nothing between them," ani Rick. "Because I'm her boyfriend."
"What about Melody?"
"Melody and I are just friends. Nothing more," sagot niya.
Madaming tanong na pinaulan sa kanya. Kalmado niya lang na sinasagot ito na para bang wala ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Controlled Hearts
General Fiction(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make sure that she'd have a great future ahead. No one could stop her from attaining her goals...