Chapter Twenty Six

2.9K 27 1
                                    

Song for this chapter: Only Hope by Mandy Moore

Chapter Twenty Six

Change


THE ONLY THING permanent in this world is change. Sikat 'yan na kasabihan. Walang exempted diyan. Kasi kahit ako, hindi ko man lang inaasahan ang malaking pagbabago na dadating sa buhay ko.

"Your grades are low. If you want to maintain being a DL, you have to recuperate," anang dean sa'kin.

Mababa kasi ang score sa mga tests ko sa midterm exams last week. Sa totoo lang, alam ko naman na kasalanan ko 'yon. Lalo na't hindi na ako nag-aaral ng maayos, at madami na akong absences. Kahit unlimited ang absences ng DL, hindi ako naka-catch-up sa mga lessons.

Noong pangatlong araw ng exam week, nalaman ko mula kay nanay na kritikal ang kundisyon ni tatay. Hindi na siya nagigising, at kung magising man siya, mga ilang minuto lang. Medyo malaki-laki na din ang hospital bill namin, pero buti nalang at may health insurance si tatay.

"Babawi po ako sa finals . . . ," sabi ko nalang.

Pagkapunta ko sa ospital, nadatnan ko si nanay na umiiyak matapos nilang mag-usap ng doktor. Masama ang pakiramdam ko tungkol 'don.

"Nay, ano pong nangyayari?" tanong ko.

"Kailangan magpa-bypass ng tatay mo, pero hindi sigurado kong maliligtas siya 'don," naiiyak niyang sabi.

Hindi ako umiyak, pero sa kaloob-looban ay nanghihina ako. Kailangan kong maging matatag dito. Lahat kami sa pamilya ay lubos ang pag-aalala sa kanya, pero ang pinaka-grabe na naapektuhan ay si ate Valerie at nanay.

Pinuntahan ko ang hospital chapel at nagdasal nalang doon. Sa mga pagkakataong ganito, sa Panginoon lang ako humihingi ng tulong.

***

Nabalitaan ko kay Olivia na nagkaroon ng hindi pagkaunawaan ang apat.

"Bakit sila nag-aaway?"

"Dahil sa offer," sagot nito. "Ezra and Rick don't want to accept it. Caleb and Rain want to accept it. Magkasalungat ang mga gusto nila."

"Bakit ba hindi nalang sila magkasundo? Di ba yan ang gusto nila sa simula pa lang."

"May mga kundisyon sila na kailangang sundin kung sakaling mangyari 'yon," ani Olivia.

"Gaya ng?"

"Kailangan nilang umalis dito sa bansa," sagot niya.

"Gusto mo silang umalis? I mean . . . si Caleb?"

Her face turned gloomy. "Siyempre ayoko." Iling niya. "Pero pangarap niya yan, eh. At saka, wala namang namamagitan sa'min, kaya wala akong karapatan na diktahan siya." Napabuntong-hininga siya. "Ikaw, papayag ka ba pag si Rick ang aalis?"

"Oo. Kung yun ang gusto niya," sabi ko.

"Talaga?"

"Kung ako bibigyan ng pagkakataon na mag-aral sa isang magandang unibersidad sa ibang bansa, tatanggapin ko ng walang pag-aalinlangan."

"So it's studies over love?"

Tumango ako. "Yeah. Studies over love. It can wait."

"Matindi ka talaga sa pinsipyo mo." Iling niya. "Pero paano nalang ang mararamdaman mo? I'm sure you'll be sad."

"I could manage."

It was a big lie, of course.


Controlled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon