(A/N: Warning. Maraming typo at paniguradong maiinis kayo sa chapter na to.)
Song for this chapter: Sometimes Love Just Ain't Enough by Patty Smith (Charice cover)
Chapter Twenty Seven
Enough
TAIMTIM ANG PAGDADASAL ko sa hospital chapel. Kayang kong ipagpalit ang kahit na ano basta ba't mailigtas lang si tatay.
Rick was beside me the whole time, which lessened the pain I was feeling . . . a bit. Ilang oras pa bago namin malalaman ang resulta sa surgery ni tatay.
Ayoko sa pakiramdam na wala akong kontrol sa mga bagay bagay. Buong buhay ko, planado ko lahat ng mga ginagawa ko. Kontrolado ko palagi ang sitwasyon. Pero kahit gaano pa ako magaling mag-organisa, alam ko na may mga bagay, gaya ng kamatayan, na hindi ko maaaring ma-kontrol.
Nag-hintay kami sa labas ng operation room. Hawak-kaming lahat ni nanay, ate, kuya at Rick. Nang lumabas ang doktor, agad na tumayo si nanay at pinaulanan ng tanong ang doktor.
"Okay lang ba ang asawa ko? Kumusta na siya? Tagumpay ba ang operasyon?"
Alam ko na ang sagot sa tanong. Kita ko iyon sa nanlulumong ekspresyon sa mukha ng doktor. "Ginawa namin lahat ng makakaya namin," anang doktor.
Narinig ko ang malakas na pag-iyak ni nanay. Pati na din si ate Valerie. Si kuya Vaughn ay kalmadong niyakap ang dalawa.
Walang luha na tumulo sa mata ko. Namanhid ako.
Agad akong tumakbo palayo sa kanila. Hindi ko alam kung saan ako papunta, basta gusto ko lang makaalis sa ospital. Malayo sa lugar kung saan naagaw ang buhay ng tatay ko.
"Victoria Marie!" narinig kong sigaw ni Rick sa likuran ko. Hinihingal siya.
Napagtanto ko na napakalakas pala ng pagtakbo ko. Malayo na pala ang tinakbo ko.
"Ayoko munang magsalita tungkol sa nangyari," kalmado kong sabi. Nagulat ako dahil sobrang kalmado ko.
Alam kong nagulat din siya. Dapat umiiyak na ako ngayon. Dapat nagluluksa na ako ngayon. Pero sa totoo lang, wala akong maramdaman. Namamanhid lang ako. Hindi pa din nai-pro-proseso ng utak ko na wala na si tatay.
Hinapit ako ni Rick papalapit sa kanya at niyakap.
"Take me away from here, please."
Bumitaw siya sa pagkakayakap at nagtataka akong tinignan. "Where do you want to go?"
"Anywhere," sagot ko.
***
Sumalampak ako sa kama at nakatulalang tinignan ang dingding.
Wala na si tatay.
"Victoria Marie," malumanay ang boses ni Rick nang tinawag niya ang pangalan ko. "Eat."
"Wala akong gana," sabi ko. I didn't have an appetite after receiving that news. Tatlong oras na simula nang natanggap ko ang balita tungkol kay tatay.
Dinala ako ni Rick sa condo niya. Sinubukan niyang imbitahin akong manuod ng sine, pero hindi ko talaga gusto.
"Wala ka pang kain," aniya.
Umupo ako at sinandal ang ulo ko sa headboard. "Halika nga dito," I said, patting the space beside me.
Ginawa niya ang inutos ko. Nang nakaupo na siya sa tabi, agad ko siyang hinalikan. Marahan niya akong tinulak na palayo. "Don't. I won't do this. You're grieving right now," aniya.
BINABASA MO ANG
Controlled Hearts
Aktuelle Literatur(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make sure that she'd have a great future ahead. No one could stop her from attaining her goals...