Chapter Twenty Five

3K 39 1
                                    

Warning: SPG

Song for this chapter: Crazy In Love by Beyoncé (Sofia Kalberg cover)

Haven


PAGKAGISING KO sa umaga, bumangon ako mula sa kama.

Nadatnan ko si Rick sa kusina na nagtitimpla ng kape.

"Good morning," aniya. Ngumiti siya. "Had a good sleep?"

I nodded. "Yes," sabi ko at nag-inat.

"Maganda ka kahit bago kang gising."

"Mambobola!" bulalas ko.

He chuckled. "It's the truth."

"Bolero ka pa rin," nakangising sabi ko.

Nilapitan niya ako at hinalikan ng mabilis sa labi. Pabiro ko siyang nginusuan. "Wala pa akong toothbrush," sabi ko.

"I don't care. Kahit hindi ka pa maligo araw-araw, I'd still kiss you."

"Try ko nga minsan na hindi nalang maligo," biro ko.

"Don't, boss, just don't make it come true." He wrinkled his nose, joking.

I rolled my eyes playfully. "Manghihilamos at toothbrush po muna ako para makapag-make-out tayo," I joked.

He grimed. "Good idea."

Hinampas ko ang braso niya at natawa siya. Iniwan ko muna siya para manghilamos at toothbrush.
Labinlimang minuto akong natapos, kasi andami kong arte. Dati rati, wala naman talaga akong pakialam kung ano ang itsura ko. But now . . . I wanted to look good for him.

Pagkabalik ko sa kusina, naamoy ko ang bacon, eggs, hotdogs, at pancakes. Nadatnan ko siyang nagluluto, tanging apron at boxers lang ang saplot.

He looked so damn sexy. His hair was messy, and that only added to the hotness. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang napadpad ang mata ko sa kanyang abs. Goddammit. He wasn't that muscular, but he was lean. Tama lang ang hubog ng kanyang pangangatawan.

My boyfriend is a damn Adonis.

"Boss?" Nabalik ako sa realidad nang narinig ko ang boses niya.

"Gutom na ako, at gusto kitang kainin—este, yang niluto mo." Get a grip, Victoria, isip ko. Sa simula pa lang, ganyan na siya kagwapo. Dapat sanay na ako.

"I'll be done in a while," he said.

Umupo ako sa may stool at tumango. "Okay," sabi ko nalang.

Naging tahimik kaming dalawa. Sa di malamang dahilan, may tensyon na namuo sa pagitan namin.

"I'm done," deklara niya. Pagkatapos niyang iprepara ang table, nagtagpo ang aming mga mata.

Tinitignan niya ako na para bang may espesyal sa'kin. Iyan palagi ang paraan ng paningin niya sa'kin. It was was scary, but wonderful at the same time. Iyon kasi ang tipo ng tingin na nagsasabing kaya niyang lagyan ng kulay ang kidlat, o di kaya'y paputiin ang mga uwak para sa'kin.

"T-Tigilan mo na nga yan," suway ko.

Nag-iwas siya ng tingin. "Okay."

Umalis ako sa stool at akmang uupo na sana ako sa breakfast table, ngunit tinanong niya ako. "Gusto mo ng kape?"

Nagtagpo ang mga mata namin, at napalunok agad ako sa kaba. Nakukuryente ako sa titig niya.

Bakit iba ang kahulugan ng tanong niya? O ako lang ba tong nagbibigay ng kulay don?

Controlled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon