Chapter Thirteen

3.1K 43 1
                                    

Songs for this chapter: Just A Kiss by Lady Antebellum

                                                   Kiss Me Slowly by Parachute

                                                   Falling by Tyler Ward ft. Alex G

Chapter Thirteen

First Kiss


"DITO TAYO sa labyrinth booth," sabi ni Caleb. Tinuro niya ito. "Looks fun."

It was the fourthday of the school feast. Nakapasok ang apat kasi binigyan sila ng guest pass.

Ang labyrinth mood ay minamanage ng criminology at education students. Malaki ang maze sa loob. Sa lahat ng mga booths, ito na ata ang pinakamalaki. Madami kasing daan dito na kailangang tahakin para makita ang exit.

"You're suggesting that?" Taas-kilay na sabi ni Rain. "Di ba ikaw pinaka-duwag sa'tin?"

"Di ako duwag, fuckhead," singhal ni Caleb. "Di ba ikaw ang umiyak nang tinuli ka noong grade 2 pa tayo?"

"Valid naman ang rason ko. The damn doctor forgot to use anesthesia!"

Nag-away ang dalawa at nagsumbatan. Hindi na namin sila inawat. Ezra and Rick looked amused. Pati si Olivia din.

"Pustahan tayo, tatago ka mamaya sa ilalim ng palda ni Olivia!"

"Huy, ba't nadamay ang palda ko dito?" singit ni Olivia.

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Ang taas at lakas kasi ng boses ng dalawa. Nadagdag pa si Olivia.

"Stop it, guys," suway ni Rick. "Y'all need to shut the fuck up. Tutuliin ko kayong dalawa ulit pag di kayo tumigil."

Tumango si Ezra. "I'm with Rick on this one."

Natigilan ang dalawa. Pati na din si Olivia. Ezra and Rick got along. Na-guilty tuloy ako kasi maaari kong masira ang relasyon nilang dalawa.

Fifty pesos per head ang labyrinth booth. Lahat kami pumasok. By pairs dapat. Pati sa pakikipag-pares, muntik na din kaming mag-away.

"I'll be with Olivia," ani Caleb.

"Oo, sa kanya ka sasama para magtago ka sa palda niya in case na matakot ka," sabi ni Rain.

"Ulol! At kanino ka sasama? Kay Ezra? Eh isa din yang duwag, eh."

"Hindi ako duwag," depensa ni Ezra.

"Bahala kayo. Kay Best ako sasama," sabi ni Olivia.

Nag-ingay na naman. Mukhang nainis ang facilitator kasi nagsalita ito. "Ang iingay niyo. Magbunot nalang kayo kung sinong makakpartner niyo." Nilahad niya ang box na may pinagtupi-tuping papel. "Kung sinong number ka-match niyo, yun magiging partner niyo."

Isa-isa kaming bumunot. #2 ang nakuha ko.

"Anong number nakuha niyo?" tanong ng facilitator.

"One," sabi ni Olivia.

Pilyong ngumiti si Caleb. "I'm with her."

"Three," sabay na sabi ni Rain at Ezra.

Sinulyapan ko si Rick. Alam kong two nakuha niya.

"Two," aniya't pinakita ang papel.

"Two," I said after him.

Sinabihan kami ng instruction ng facilitator. Kaming lahat ay dadaan sa maze at may mga clues at riddles na maaaring ibibigay. May mga route na may objects at clue, may mga route na dead-end, at may mga route na kagimbal-gimbal.

Controlled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon