Chapter Twenty Four

2.9K 29 0
                                    

Song for this chapter: Please Don't Go by Mike Posner

Chapter Twenty Four

Promise


KASAMA KO ANG PAMILYA KO para ipagdiwang ang pasko at bagong taon. Nagkaroon kami ng konting salo-salo.

Papatapos na ang bakasyon kaya't nag-aya si Olivia na lumabas daw kami.

Napakabilis ng panahon. Lalo na't pag nagmamahal ka. Tama nga ang sinabi nila. Matapos magtapat ni Rick sa'kin sa rooftop, hindi siya humingi ng sagot. Tinatrato pa din naming ang isa't isa na parang normal lang.

It's hard to say 'I love you,' especially if you truly love that person. Nakakatakot. Baka pag sinabi ko 'yon sa kanya, may magbabago. Loving is easy, but making it last isn't.

"San tayo ngayon?" tanong ni Olivia. As usual, wala na naman kaming plano.

"Starbucks nalang tayo tapos malling,"

Nag-commute kami patungong Starbucks sa SM MOA. Hindi ko na tinawagan o tinext si Rick para sunduin kami. Paniguradong busy sila ngayon sa kanilang banda.

Nag-bonding kami ni Olivia. Napagdesisyunan pa niya na magpa-body massage at body scrub kami. Tatanggi sana ako kasi wala akong budget para 'don, pero sinabi niya na libre na lang daw.

"Libre ka nalang ng libre," sabi ko. "Utang nalang. Babayaran kita pag nakaipon ako."

"Whatever, Best. Basta, gawin natin 'to," ani Olivia.

Nilagay naming ang gamit naming sa isang locker room at hinubad ang suot naman. Bathrobe anf ipinamalit namin. Iginiya kami ng mga babae sa isang kwarto, matapos ay pinahubad sa'min ang aming suot.

Pagkatapos naming i-body scrub, nag-shower kami sandali. And then we proceeded with the body massage.

"That felt really good," sabi ni Olivia nang matapos kami. "Ang sarap nun!"

Naglibot kami sa mall, tinitignan ang mga boutiques na nadadaanan namin.

"Saan ba tayo kakain ng meryenda?"

"Sa Pizza hut nalang," sagot ko. "Gusto ko ng pizza."

"Sige."

Pagkarating namin sa Pizza hut, nakita ko ang Unknown sa isang table. Wala masyadong tao. Kausap nila ang isang lalake na naka-suit.

Seryoso ata ang usapan nila. Kita ko ang panlulumo sa mga mukha nila.

Hindi pa nila ako napansin. They were too engrossed with the conversation. "Sila Rick, oh," sabi ni Olivia.

"Seryoso ata pinag-uusapan nila."

"Ah, talent scout yan," sabi ni Olivia. "They're probably talking about the offer."

"Kanino galing? At saka, anong kumpanya yan?"

"It's probably Gail's family's company. Their recording company—Pop Noise records—is international, at marami na silang napasikat na singers. They're good. Marunong silang mag-develop ng artist. Gaya nalang ni Cadence Dela Fuentes. Look at him now, he's an international popstar."

Isa sa mga idolo naming si Cadence Dela Fuentes. Solo artist lang siya, at ngayon ko lang nalaman na galing pala siya sa recording company ng pamilya nila Gail.

"Why would they refuse? Di ba dapat tanggapin nalang nila yung offer?" tanong ko.

"Hindi ganun kadali yun," ani Olivia. "May mga kundisyon sa kontrata na kailangan nilang tuparin. Sa kaso nila, kailangan ata nilang magpunta sa Hollywood para mag-training."

Controlled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon