Song for this chapter: Breakeven by The Script
Chapter Twenty Nine
Blessing
NAALIMPUNGATAN AKO nang narinig ko ang pag-uusap ni kuya Vaughn at ate Valerie.
Puting dingding. Puting kisame. Puti lahat ang bumungad sa'kin.
"Putangina ang gagong 'yon," narinig kong sabi ni kuya. Bakas ang galit sa tono ng kanyang boses. "Iniwan niya pa ang kapatid ko sa ganitong lagay."
"Vaughn, kumalma ka. Baka marinig ka ni Victoria," ani ate Valerie, pinapakalma si kuya.
"Ate? Kuya?" tawag ko sa kanila.
Nakuha ko ang atensyon nila. I could see relief cross ate Valerie's face. Meanwhile, kuya Vaughn's expression was unreadable.
"Gising ka!" bulalas ni ate.
Pilit ko silang nginitian. "Oo naman. Hindi ko ikamamatay ang pagkahilo," I said just to lighten the mood.
Tinawagan ni ate ang isang nurse para sabihin na gising na ako.
"Kumusta ka na? Ayos na pa pakiramdam mo?" malumanay na tanong ni ate.
"Okay lang po ako," sabi ko. Binalingan ko ng tingin si kuya na wala pa ding kibo.
Nagtinginan si ate at kuya na para bang may sikreto na sila lang ang nakakaalam. Nagtataka ko silang tinignan. Pagkatapos 'non, tinignan nila ulit ako. May pag-aalala sa mata ni ate; si kuya naman ay blangko lang ang mukha.
"Oh? Anong tinitingin-tingin niyo diyan? May taning ba ang buhay ko?" pagbibiro ko kahit sa kaloob-looban ay kinakabahan na ako sa tinatago nila. Kambal sila at kahit nagbabangayan ang dalawa, may mga sikreto silang dalawa na sila lang ang nakakaalam. "Ano bang nangyari? May taning ba talaga ang buhay ko? Anong sakit ko?"
"Wala kang sakit," ani ate Valerie.
"Ano ba ang nangyayari—"
Hindi ko na natapos ang tanong ko nang biglang bumukas ang pinto. Niluwa nito ang doktor na babae na may dalang clipboard.
"You're finally awake," anang doktor. "How are you feeling, iha? Is your stomach still hurting? Masakit ba ang puson mo?"
"Okay na po ako," sabi ko. "Ano po ba ang nangyari? May malala ba akong sakit? May taning ba ang buhay ko?"
Napatawa si doktora sa tanong ko. "Wag ka masyadong mag-panic, iha. Wala kang sakit. Wag kang matakot," she assured me.
Nakakunot ang noo ko. "Kung wala po akong sakit, bakit po ako palaging nahihilo at nasusuka?"
Nginitian niya lang ako. "You're five weeks pregnant."
Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko.
Tama ba ang narinig ko? Nagbibiro lang siya diba?
"Pakiulit nga po nong sinabi niyo."
"You're five weeks pregnant," masiglang pag-uulit ni doktora. Para niyang ina-anunsyo na magagamot na lahat ng taong may AIDs sa mundo.
Tinignan ko si kuya at ate. Kita kong nag-aalala si ate Valerie, at si kuya Vaughn naman ay walang emosyon lang akong tinignan.
Biro lang to, di ba? Pero naisip ko ang pagsusuka ko tuwing umaga, ang mood swings ko, ang pagkahilo ko minsan, at ang pagiging sensitibo ng pang-amoy ko.
Pero imposible. Rick used a condom.
Hinawakan ko ang tiyan ko. Maliit pa ito pero may buhay na sa loob nito.
BINABASA MO ANG
Controlled Hearts
General Fiction(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make sure that she'd have a great future ahead. No one could stop her from attaining her goals...