Chapter Thirty Five

3.5K 43 0
                                    

Song for this chapter: All You Never Say by Birdy

(A/N: Five chapters left, plus the Epilogue.)

Chapter Thirty Five

I Do


"KUMALMA KA. Kalma lang," paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko sa harap ng salamin ng banyo. Inayos ko ang imaginary na kunot sa dress ko. Puting halter dress ito na umabot hanggang ankle ko. May slit din ito sa gilid.

Nag-retouch nalang ako ng konti; nag-apply ng lipstick at binaba ang nakatali kong buhok.

Pagkabalik ko sa reception area, narinig ko ang tugtog. Sa gitna ng dancefloor, nagsayawan ang mga magkasintahan at mag-asawa.

Kasayaw ni Sage ang isang batang babae na nasa tatlong taon ata. Si Ellise naman ay kasayaw ang batang lalake na nasa apat hanggang limang taon.

Nasa gitna ang mga kuya ni Rick kasama ang mga asawa nila. Pati na din si kuya Elliot at ate Ria. Naroon din si Felix at Camille. Pati na din si Mia at Alyanna, kapares ang dalawang gwapong lalake.

"May I have this dance?"

Tumunghay ako. Ngumisi sa akin si Declan, nilahad ang kanyang kamay.

"May trabaho pa tayo," natatawa kong sinabi.

He chuckles. "I've got enough shots. I want to have my share of fun," aniya. "So, may I have this dance?"

Tinanggap ko ang kamay niya, at iginiya niya ako sa gitna. Hindi naman slow dance ang kanta. Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Rick na kasayaw si Ellise. May sinasabi siya rito. Nagtagpo ang tingin namin, at nakita ko ang pagtiim ng kanyang bagang.

Nagkunwari akong hindi nakita 'yon at nagpatuloy lang sa pakikipagsayaw kay Declan.

May kumalabit sa'kin. Tinignan ko kung sino 'yon. Gwapo ito na lalake, may katangkaran, mestizo at maputi. Tantya ko na ka-edad lang sila ni Rick.

"Can we dance?" kaswal lang ang pagkakasabi niya 'non. Sa galaw niya, wala naman ata siyang balak na masama.

"Makisayaw ka na. Baka nagsasawa ka na sa mukha ko," tumatawang ani Declan.

"Okay." Tinanggap ko ang nakalahad na kamay ng lalake.

"I'm Kent," pakilala nito.

"Victoria."

Nakisayaw din sa'kin si Evan, na nalaman kong kaibigan din ni Kent. Nadiskubre ko nalang magbabarkada pala sila ni Felix at Blake. Yun nga lang ay nasa ibang table si Blake at Felix.

Iba na naman ang kasayaw ni Rick. Hindi na si Ellise ang kapares niya, kundi isang petite na babae. Napagdesisyunan ko na bumalik na muna sa table ko, ngunit nang nakaupo na ako, may kumalabit sa'kin.

Si Rick.

Hindi siya nag-aya o nagsalita. Mataman niya lang akong tinignan. Napalunok ako sa ilalim ng kanyang titig. Walang pasabi niyang kinuha ang kamay ko at hinila ako sa gitna. Nagpatianod nalang ako sa hawak niya.

At nasaktong slow dance ang kanta.

Pinulupot niya ang braso niya sa beywang ko, at sa di malamang dahilan, inangkla ko naman ang braso ko sa batok niya.

Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?

Controlled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon