Song for this chapter: Till' My Heartache Ends by Carol Banawa
(A/N: Ten chapters left till' the Epilogue. At pagkatapos 'non, mayroon pang special chaps. Nagsisimula na ang klase kaya't hindi na masyadong regular ang updates.
Meron din akong upcoming stories, at baka dalawa o tatlo pagsabay-sabayin ko. Good luck sa'kin kahit sabaw na ang utak ko. LOL.)Chapter Thirty
Sinungaling
HINDI KO PINA-ADOPT ang anak ko. Hindi natuloy ang plano namin. The moment I held my son, I fell in-love. There was this strange pull. Motherly pull perhaps. I just couldn't give him away.
Parte siya ng pagkatao ko, at kung ipamimigay ko siya, para ko na ring pinamimigay ang pagkatao ko. He's my flesh and blood. He's mine.
Nakuha niya ang mata ko at ang berdeng kulay nito.
I had undergone a C-section, and it wasn't easy. Hindi kasi nag-dilate ang cervix ko, at hindi naging matagumpay ang labor ko. Naging kumplikado ang kundisyon ko. Takot na takot ako sa karayom. It was scary, but it was definitely worth it. I had gotten a scar, but I didn't mind. I'd forever be proud of that scar.
Hinawakan ko ang maliit niyang kamay, at agad na nagtiklop ito.
Maybe he was a mistake, but he's the best mistake I'd ever made. I never thought that Rick and I could create something so wonderful. He may be unexpected, but he wasn't unwanted. He's he fruit of our love. He's made out of love.
"Anong ipapangalan mo sa kanya?" tanong ni ate Valerie.
"Vanrick Mason Lucas."
Tatlo ang binigay ko sa kanyang pangalan. Mula sa ama niya, sa ama ko, at sa pangalan na gusto ko para sa kanya. Nagtataka akong tinignan ni kuya Vaughn at ate Valerie.
"You're naming him after his father?" taas-kilay na tanong ni kuya. "Nakakatampo ka, ah. Akala ko ipapangalan mo siya sa'kin." Ngumuso si kuya Vaughn.
"Ang sagwa mong tignan mag-pout, pwe!" ani ate Valerie. "Kilabutan ka nga."
Marahan akong tumawa. Nangako ako kay kuya na kung sakaling magkakaanak ulit ako sa hinaharap, ipapangalan ko iyon sa kanya . . . kahit na alam kong imposible na mangyari yun.
Iyon ang pangalan na binigay ko sa anak ko. Yes, part of his name was named him after his father. After all, he is part of him. Even if he left, I couldn't hate Rick. I didn't have the heart to hold grudge against him.
Siya lang ang una at tanging lalake—maliban sa tatay at kuya ko—na minahal ko, and it'll always remain that way.
***
Hindi madali mag-alaga ng bata. Maraming adjustments. Parati nalang naiiyak si Van sa kalagitnaan ng gabi. Minsan nga, napapaiyak na din ako.
Hindi nakatulong ang post-partum ko sa unang tatlong buwang pag-aalaga sa kanya.
It took me six months to adjust to motherhood.
Nandiyan si kuya at ate na nag-vo-volunteer minsan na bantayan siya.
Dahan-dahan kong inayos ang buhay ko. I changed my plans, and this time, I have my son with me.
Naghanap ako ng trabaho kasi ayokong maging pabigat kay ate at kuya. Mahirap maghanap ng trabaho dahil hindi pa ako graduate sa kolehiyo. Napakainit ng panahon para lumakad, at madaming nag-a-apply sa isang posisyon. Hindi sapat ang pagiging matalino para makakuha ng trabaho. Mas may pag-asa ka kung may diploma at expeience ka ka.
BINABASA MO ANG
Controlled Hearts
General Fiction(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make sure that she'd have a great future ahead. No one could stop her from attaining her goals...