(A/N: Akala ko talaga, na-post na 'tong chapter na 'to. Di pa pala. Pasensya sa mga umasa.)
Song for this chapter: You and Me by Lifehouse
Chapter Twenty
Falling
"DID YOU bring your camera with you?" tanong ni Rick sa'kin.
"Hindi," sagot ko.
"Okay then," aniya. Binuksan niya ang glove compartment at pinalabas ang isang naka-wrap na box. Binigay niya sa'kin yon. "Take this."
"Ano to?"
"Open it," aniya.
Binuksan ko 'yon, at nanlaki ang mata ko nang nakita 'yon. It's a polaroid camera! Ang mahal nito. At saka may film 'yon. "Ang mahal kaya nito, at saka hindi ko na 'to kailangan."
"I bought it as a promo. Buy one take one. I have my own, so we could have it as pair." Mataman niya akong tinignan. "Accept it, Victoria Marie."
"Fine. Pero babayaran kita balang araw," sabi ko.
Nginisian niya ako. "You can pay me with your body someday."
Sinamaan ko siya ng tingin, at humalakhak siya.
"Just kidding."
"So saan tayo ngayon?" tanong ko. Hindi pa pala natatapos ang araw.
"Somewhere." He grinned.
Sinalubong kami ng chopper. Hindi ko 'to inaasahan, ah. Ano ba ang plano niya? "Rick, ano bang binabalak mo?"
"Basta."
Hinawakan niya ang kamay ko at pinapasok sa chopper. Nang umandar ito, natanaw ko sa bintana ang buong siyudad. Kumpara sa cliff na napuntahan namin dati kung saan naramdaman kong nasa tuktok ako ng mundo. Dito naman ay parang lumilipad ako sa ulap.
Ito ang unang pagkakataon na nakasakay ako ng chopper. Rick really never ran out of surprises. Kinalabit niya ako, at tinignan ko siya.
"We're going skydiving."
Namilog ang mata ko sa gulat. "Gabi na!"
Hindi ako takot sa matataas na lugar, pero takot ako sa mga ganitong adventures. Marami akong nakitang video na naaksidente sa mga ganito. Hindi din mawawala ang chansa na baka maaksidente o mapalpak ang pagsabak sa ganito. It was a risk to take. It was something beyond my control. And I hated it when things were beyond my control.
"Trust me on this one," seryoso niyang sabi. "Don't be scared, Victoria Marie."
"It's too risky," pagmamaktol ko. "Hindi safe."
"Being with me is a risk to take, Victoria Marie. Ito pa kaya?" he asked, challenging.
May punto siya sa sinabi niya. "Sige na nga," I finally conceded.
Binigyan kami ng parachute at sinuot sa'min yon. In-orient kami sa mga do's and don't's dito.
"We're on the landing site," anang operator.
Nakatayo na kami at handa ng tumalon.
"Are you ready?" tanong niya sa'kin.
Napalunok ako sa kaba. My stomach churned nervously. Tumingin ako sa ibaba. "I want to back out."
BINABASA MO ANG
Controlled Hearts
General Fiction(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make sure that she'd have a great future ahead. No one could stop her from attaining her goals...