Song for this chapter: She (For Liz) by Parachute
Chapter Ten
Nabitin
PAGKATAPOS NG 'date' namin, sinimulan ko na siyang iwasan. Hindi ko naman iyong pinahalata, kasi may rason naman ako. Nagsimula akong maging busy sa mga extra-curricular activities ko sa school. Dinistract ko pa ang sarili ko maalis lang siya sa isip ko.
Nag-ti-text siya, o tumatawag, pero parati ko nalang siyang hindi sinasagot. Malapit-lapit na din ang exams namin, kaya todo aral din ako.
"Ano bang nangyayari sa inyo ni Rick?" biglang tanong ni Olivia.
Muntik na akong nasamid dahil sa tanong ng best friend ko. Kinalma ko ang sarili ko, pinipigilan ang sarili ko na wag ipahalata sa kanya na may nangyari nga. "Wala," pagsisinungaling ko.
Alam kong hindi niya ako paniniwalaan, pero paninindigan ko ang pagsisinungaling ko. Kung hindi ko kayang i-deny na mayroon nga akong nararamdaman para sa kanya sa sarili ko, i-de-deny ko nalang sa ibang tao para mabawasan kung gaano ito katotoo.
Ang fashion show ni ninang Sandra ay magaganap sa susunod na tatlong linggo, pero malayo pa naman 'yon kaya hindi ko muna pro-problemahin yon.
Tinaasan ako ni Olivia ng kilay. "Sure ka? Pakiramdam ko andami kong na-miss."
"Si Caleb?" I asked, trying to divert her attention.
Buti nalang gumana kasi nagsimula na siyang magkwento tungkol kay Caleb at sa gig nila kagabi.
"Umamin ka nalang kasi," sabi ko.
"No way! Pride ko inaalagaan dito," ani Olivia. Umiling siya.
Kung sa bagay, kagaya din naman ako sa kanya. Ma-pride ako. There was no way I'd ever admit that I was starting to feel something for Rick. Kahit pa siguro i-torture ako, hindi ako aamin. Ang sikreto na iyon ay mababaon sa hukay.
"Balik nga tayo sa inyo ni Rick."
Nagkibit-balikat ako. "Wala akong masabi sa'min," I lied again.
"Talaga? Palagi ka nga niyang hinahanap sa'kin tuwing pumupunta ako sa gig nila." She arched a brow at me.
"W-Wala nga talaga," giit ko.
"Naglilihim ka nalang palagi sa'kin. Nakakatampo ka na." Ngumuso siya.
"Ewan ko sa'yo!"
***
Nag-research ako para sa biology report para bukas, at sa kalagitnaan ng pag-take-down ko ng notes, biglang nag-pop-up ang notification ng Facebook.
May nag-PM sa'kin.
Tinignan ko 'yon, at naghuhuramentado ang sistema ko nang nakita ko ang pangalan niya.
Rick Maxson Kennedy:
I miss you. It feels like you're avoiding me.
Seen or reply? Nag-de-debate pa ako sa aking gagawin.
Rick Maxson Kennedy:
Rick Maxson is typing . . .
Rick Maxson Kennedy:
So you're really avoiding me. What did I do wrong?
Ilang minuto ang lumipas bago ako nagtipa ng reply.
Me:
Busy w/ school stuff, eh. Sorry. Hndi naman kita iniiwasan. TTYL nlng, may gagawin pa akong assignment.
BINABASA MO ANG
Controlled Hearts
General Fiction(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make sure that she'd have a great future ahead. No one could stop her from attaining her goals...