Chapter Three

4K 50 19
                                    

(A/N: The first half of this story would be the past, and the second half would be the present, up to the events in the prologue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A/N: The first half of this story would be the past, and the second half would be the present, up to the events in the prologue. This isn't like FC and FL, which would switch to the guy's POV on the second half. All chapters' POV, except the Epilogue, would be Victoria's.)

Song for this chapter: Deer In The Headlights by Owl City

Chapter Three

Interested


MATAPOS KUMANTA ni Rick, nagpalakpakan ang lahat, maliban sa'kin. Kinakabahan parin ako sa napagtanto ko; sa posibilidad na may crush nga ako kay Rick.

"Ang ganda ng performance, mukhang may pinanghuhugutan, ah," kantyaw ni Caleb, saka binigyan si Rick ng ngiting-aso. "Sino ba yang crush mo?"

Kunot-noong tinignan ni Rick ang kaibigan. "Shut it, fuckface!" Inirapan niya ang kaibigan.

Humalakhak silang lahat habang inaasar si Rick. Nakisali na rin si Olivia.

"Alam mo Rick, umamin ka nalang. Halatang-halata ka na, eh. Nandito naman ang crush mo," saad ni Olivia. "Saka kaming mga babae, kahit ma-drama minsan, gusto namin maramdaman na gusto kami ng isang lalake. Kahit gaano kami katalino at realistic, may parte parin sa'min na hopeless romantic." Tumingin siya sa'kin at binigyan ako ng makahulugan ngiti. "Di ba, Victoria?"

Namilog ang mata ko, pero agad kong pinakalma ang sarili ko. Binalingan ako ng tingin ni Rick. Hindi ako papayag na mapansin niyang na-a-awkward ako sa kanya. Tumango ako at nagsalita. "Tama nga si Olivia." Ngumiti ako kahit sa kaloob-looban ay naghuhuramentado na ang sistema ko. "Pero sa totoo lang, chemical reaction lang naman yang crush na yan eh." Nakuha ko ang atensyon ng lahat. "Tinuro yan ng general psychology namin, noh. Tatlong chemicals yan na ni-release sa utak natin: dopamine, oxytocin and cortisol," pagpapatuloy ko. "Na-a-activate lahat ng 'to dahil sa chemical signal na tinatawag na pheromones, kaya na-a-attract natin ang mga taong may katulad ng pheromone sa'tin—well, genetically."

"Hoy, Victoria! Wag mo kaming binibigyan ng lecture!" Tinaas ni Olivia ang kanyang kilay. "Saka ang guilty mo, ah. Tinanong lang naman kita ng oo o hindi, pero andami mong dinagdag."

"She's smart, dude." Sumipol si Caleb. "Scares the shit out of me." Tumawa siya at umiling.

Ngumiti lang si Ezra. "Smart girls are impressive," kumento niya. "I like them."

"Damn, I dated a smart girl before. Ang ending, minaliit niya ako," ani Rain. "Nagalit sa'kin kasi hindi ko alam ang lahat ng nakalagay sa periodic table of elements kaya nag-break kami."

Nagsimula silang mag-kwento tungkol sa mga tipo nilang babae.

"Ikaw Rick, anong type mo?" tanong ni Caleb. "Well, maliban sa big boobs, big ass, at wild sa kama."

Hinintay nilang lahat ang magiging sagot niya.

"I don't have a type," he said, "but I do like someone right now." Nagkibit-balikat siya. "I don't even know if she's my type or not."

Controlled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon