Chapter Fifteen

3K 40 1
                                    

(A/N: This takes place after the prologue. Ang kasunod na chapter ay flashback na naman.)

Song for this chapter: It Should've Been Us by Tori Kelly

Chapter Fifteen

Scar


Present day . . . .

"MASOKISTA KA bang babae ka?!" bulalas ni Olivia matapos kong ikwento sa kanya ang tungkol sa pagtanggap ko sa alok ni Rick at Ellise na maging photographer sa nalalapit nilang kasal.

"What? I'm just being practical," sabi ko. "Isang session ng kasal nila pang isang taon ko ng sweldo," sagot ko at kinagat ang mansanas.

"Gaga ka talagang babae ka!" naiinis na sambit niya. "Kung nandiyan lang ako, kanina pa kita sinampal at hinambalos."

"Nagiging practical lang ako," depensa ko.

"Pratical mo mukha mo!" She rolls her eyes at me. Napabuntong-hininga siya. "By the way, kumusta si Van?"

"Okay lang. Makulit pa rin. Nagiging kamukha ang ama niya habang lumalaki. Marunong na ngang magsalita at inglesero pa. Matalinong bata," sabi ko. "Inaalagaan naman siya ng mabuti nila kuya Vaughn."

"Good to hear." Tumango siya. Sinulyapan ko ang mga notes ko at natigilan ako sa tanong ni Olivia. "Kailan mo ba balak sabihin sa kanya ang tungkol kay Van?"

"Masaya siya ngayon. Masaya ako ngayon," sabi ko, at tinaasan ako ni Olivia ng kilay. "Hindi ko na siya guguluhin pa. Baka masira lang ang career niya pag nalaman niya . . . nila—ng publiko. May imahe siyang inaalagaan, Best."

"Masaya? Talaga lang, huh?"

"Masasayang lang lahat ng ginawa ko kung masisira ang karera niya," sabi ko at umiling. I tap the pen on the desk.

"Hindi ko alam kung hahanga ba ako o maiinis sa busilak mong kalooban," says Olivia, shaking her head. "Pero mostly, naiinis ako."

"Pinaninidigan ko lang naman lahat ng desisyon ko dati."

She sighs. "I have to go na, Best. Keep me posted about you and Rick."

Pagkatapos ng tawag namin sa Skype, sinarado ko nalang ang laptop ko para mag-aral. May mga quizzes pa ako para bukas.

Naputol ang konsentrasyon ko nang narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Nakalimutan kong i-silent mode. Tsk, distorbo.

Tinignan ko ang numero sa screen. Hindi iyon naka-rehistro sa phonebook ko. Ni-reject ko ang tawag at nagpatuloy sa pag-aaral.

Nag-vibrate na naman ito, at sa sobrang inis, sinagot ko nalang yon.

"Sino ka ba, hah? Tigil-tigilan mo ako. Bwisit, nakakadistorbo ka. Gabing-gabi na pero tumatawag ka pa. Kung gusto mo ng callmate o text mate, wag ako," angil ko. "Nag-aaral pa ako. Leche!"

"You still haven't changed, Victoria Marie."

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Damn it. I clear my throat, trying to control my emotion. "S-San mo nakuha ang number ko?"

"Doesn't matter," he replies. "Anyway, I want to see you tomorrow afternoon at 2PM."

"Di pwede," sabi ko, "may klase pa ako."

"You're still studying? I thought graduate ka na."

"Basta. Di ako pwede alas dos," sabi ko nalang.

"What time are you free?"

"6PM," sagot ko.

"Alright. I'll pick you up," he says. "Same university, right?"

Controlled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon