Song for this chapter: Love Me Like You Do by Ellie Goulding
Chapter Nineteen
Lucky
MALAPIT NG MAG-IISANG buwan simula nang naging kami ni Rick. Wala namang nagbago sa'min, maliban nalang sa pagiging matatag ng relasyon naming dalawa. Alam ko na kung saan lumugar sa buhay niya, at ganoon din siya sa akin.
May nabasa ako sa magazine tungkol sa 'monthsary.' Narinig ko na ang tungkol 'don, ngunit hindi ko alam kung gagawin ba namin 'yon ni Rick.
"Kailangan ba talaga ang monthsary sa isang relasyon?" tanong ko bigla kay Olivia habang nagbabasa siya ng magazine.
"Aba, siyempre! Hindi naman kailangan engrande. Basta may effort lang, okay na," ani Olivia. Matapos ay tinaasan niya ako ng kilay. "Teka, ba't bigla kang interesado sa bagay na 'to?" tanong niya. "Huy, kayo na no?!"
"Oo," pag-aamin ko.
Napaawang ang bibig niya. "Oh my gosh! Hindi ko 'to alam! Kailan lang?"
"Last month."
"Sabihin mo nga ang detalye."
Sinabi ko lahat-lahat sa kanya. Simula nang nagkalabuan kami, hanggang sa inamin ko ang nararamdaman ko sa kanya. "Kami na nga. . . ," pagtatapos ko.
Napatili siya. "I'm so proud of you! Dalaga ka na talaga!"
"Dalaga talaga? Ganyan din sabi sa'kin ni tatay!"
"Aba, at may meet the parents pa! Alam na pala ng tatay mo. Kainggit." Napanguso siya. "Pang-ilang base na kayo?"
"Anong base?" Nagtataka ko siyang tinignan.
"Base one, kiss. Base two, hawak. Base three, foreplay. Home run, sex."
"Bunganga mo," suway ko.
"Sinasagot lang naman kita ng tapat. Ang inosente mo pala sa mga bagay na 'to."
Nag-init ang pisngi ko. "Wala namang masama kung bago lang ako dito!"
"So malapit na pala monthsary niyo?" tanong niya, at tumango ako. "Paniguradong may ibibigay 'yon sa'yo kaya maghanda ka na din ng regalo."
"Hindi ko alam kung anong ibibigay ko."
"Alam mo, ang lalakeng katulad niya, yung playboy na natamaan, grabe 'yan magmahal. Siguro presensya mo lang, sapat na para sa kanya."
Siguro nga sapat na yon, pero gusto ko pa din na may maibigay sa kanya.
***
Last exam na ngayon kaya panay ang pag-aaral ko. Napagdesisyunan ko na mag-iisip nalang ako ng regalo pagkatapos ng lahat ng 'to.
Ang trip namin ay magaganap pa sa pangalawang linggo ng disyembre kaya maraming oras pa para mag-prepara.
Mabuti nalang halos lahat ng napag-aralan ko ay lumabas sa test.
Nang natapos kami, napagdesisyunan namin ni Olivia mag-celebrate kasama ang Unknown. Nag-pizza party pa kami.
"Woot! Celebrate tayo kahit walang kasiguraduhan na papasa ako ngayong sem," bulalas ni Olivia.
"Ganito nalang, kung babagsak ka, magiging tayo. Kung papasa ka, mag-di-date tayo," ani Caleb.
Tinaasan ito ng kilay ni Olivia. "Yuck!"
"Maka-yuck ka naman akala mo naman pangit akong tao. You're lucky you get to date me, baby." Kinindatan niya ito.
BINABASA MO ANG
Controlled Hearts
General Fiction(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make sure that she'd have a great future ahead. No one could stop her from attaining her goals...