(A/N: Wag maging silent reader. Mag-comment at vote. Also, ahead pala ang website ko sa pag-update. Naka-post na ang chapters 12-15 ng storyang ito doon. Kung hindi niyo mabasa doon, hintayin niyo nalang na i-post ko dito.
Salamat sa mga nagbabasa, kahit yung iba ay silent reader(s) lang!)
Song for this chapter: Somebody To You by The Vamps
Chapter Eleven
Someday
NAGSIMULA NG MAG-PERFORM ang Unknown. Sila ang finale, pero as usual, madaming babaeng nagtitilian. Nasa harapan kami ni Olivia para suportahan sila.
Puno ang resto-bar ngayon. Sa kabila ng dami ng tao, nahagilap ng tingin ko si Rick na kinakalabit ang kanyang gitara. Nang napansin niya ang pagtingin ko, ngumisi siya at kinindatan ako. Agad akong sinundot ni Olivia sa gilid.
"Ano ba!"
"Nakita ko 'yon ah!" She smiled impishly.
I rolled my eyes at her.
Nagsimula ng tumugtog ang banda. Maraming nagsisigaw at nag-de-demand na habaan pa nila ang kanilang performance. Ang sikat talaga nila. It was a question why they hadn't received any offers from any recording companies. At saka, mayayaman ang apat, madami silang koneksyon.
Naalala ko bigla ang sinabi ni Rick sa'kin na gusto nilang paghirapan na abutin ang kanilang pangarap. At hinahangaan ko siya lalo dahil doon.
"Gail?" biglang sabi ni Olivia sa babaeng nakaupo sa kabilang table.
"Olivia?"
Nang napagtanto ng dalawa na kilala nila ang isa't isa, sabay silang nagtilian. "Oh my! Ikaw nga yan," anang best friend ko. "Anong ginagawa mo dito?"
"Fan ako ng Unknown," she said, smiling. "Nalaman ko na dito pala sila kadalasan nag-pe-perform kaya pumunta ako dito." Binalingan niya ng tiningn ang mga babaeng kasama niya. "May fanclub kami ng mga kaibigan ko."
"Ito pala si Victoria, best friend ko," pagpapakilala ni Olivia sa'kin.
"Hello, Victoria." She smiled sweetly at me. "Nice to meet you."
"Nice to meet you too."
Isa-isa niyang pinakilala ang mga kasama niya. Lima silang lahat-miyembro daw ng fanclub ng Unknown.
Nagpakilala sila Gianna, Danna, Raquel at Abby.
Pagkatapos mag-perform ng banda, nagpalagpakan ang anim.
"Do you want to go with us backstage?" tanong ni Olivia sa lima.
"Sure!" masiglang sagot ni Gail.
"Sige!" bulalas nung Danna.
Pagkapasok namin sa likuran, nandoon na ang mga miyembro ng banda.
Nagsimulang magbatian ang mga 'fans' at band members. Huling nagbatian si Rick at Gail. Mukhang magkakakilala silang dalawa kasi kita ko ang rekognisyon sa kanilang mga mukha.
"Long time no see, Rick!" masiglang saad ni Gail. Humakbang siya papalapit kay Rick, matapos ay mabilis na hinalikan siya sa labi.
Nakita kong nagulat siya sa ginawa nito.
Buti nalang pinigilan ko ang panga ko sa pagkalaglag. Binalingan ako ni Olivia, ang mata niya'y nagtatanong. Selos ka na niyan?
Hindi, ah. Wala akong karapatan magselos. Saka, wala akong pakialam kung sino ang magiging kahalikan niya. Hell, I don't care if they'll make out in front of me.
BINABASA MO ANG
Controlled Hearts
General Fiction(K-Brothers Series #1) Planado na ang lahat sa buhay ni Victoria. Kontrolado na niya ang hinaharap niya. She did well in her studies, and she'd make sure that she'd have a great future ahead. No one could stop her from attaining her goals...