PROLOGUE

140K 3.7K 199
                                    

FIRST UPLOAD: March 13, 2016

Today March 18, 2016, Peks man reached 1K reads! Thank you sa lahat ng sumusuporta!

Today March 21, 2016, Peks man reached 2K reads! Thank you sa lahat ng sumusuporta!

Today October 19, 2016 Peks Man reached 100K reads! Thank you sa lahat ng sumusuporta!

Today April 19, 2017, Peks Man reached 400K reads! Thank you sa lahat ng sumusuporta!

Today August 11, 2017, Peks Man reached 600K reads! Thank you sa lahat ng sumusuporta!

Today October 26, 2017, Peks Man reached 700K reads! Thank you sa lahat ng sumusuporta!

Author's Note:  This was dedicated to the reader who first voted the story. :)  Salamat sa suporta!

******************************

Isang kilometro na lang ang layo niya sa finish line nang bigla na lang may sumulpot na humahagibis na motorsiklo sa harapan niya. Bigla siyang napapreno at napa-swerve sa kaliwa. Kasabay no'n ay may narinig siyang putok at umikot nang kung ilang ulit ang kotse niya bago iyon tuluyang namatay.

"Bullshit!" mura niya sabay baba para tsekin kung ano'ng problema. Nakita niyang na-flatten ang isang gulong sa likuran. Nang busisiin niya ito, napansin niya agad ang bumaong pako. Sa galit, tinadyakan niya ang gulong. No'n naman dumaan ang kanyang katunggali. Nag-slow down ito at dumungaw sa bintana.

"Is there any problem?"

Nang mapatingin siya rito'y bigla itong humalakhak at pinaharurot na ang kotse.

"Ano'ng nangyari sa iyo? I really thought you'd win this race. Ang layo ng lamang mo kanina. Ba't bigla ka raw tumigil? Nakakainis naman, o!" sita agad ni Markus pagkababa na pagkababa niya ng kotse. Imbes na sagutin ang kakambal, may hinanap siya sa kumpol ng mga nagdiriwang. Nang makita niya ito'y kaagad niyang hinablot at kinwelyuhan..

"You cheat!" nagngingitngit na akusa niya rito. "Kahit kailan, hindi ka patas lumaban!"

"Marius! What are you doing? Bitiwan mo nga si Niko!"

"There was no rules! I won fair and square! Kasalanan ko ba kung engot ka?"

"Engot pala, ha?" Binitawan niya ito at binigwasan sa mukha. Duguan ang labing bumagsak ito sa lupa. Nagulat ang mga miron.

"What a sour loser," narinig pa niyang bulung-bulongan nila. Pero wala siyang pakialam do'n.

Tatadyakan pa sana niya si Niko nang bigla na lang pumagitna si Vina. Lumuhod ito sa harap ng lalaki at pinahiran ng panyo ang dumugo nitong labi.

"Kita mo na ang ginawa mo? You haven't changed, Marius! You're still the same violent guy I've known since kindergarten!" galit na tungayaw ni Vina sa kanya.

Bigla siyang natauhan. And he flinched.

Naramdaman niyang may umakbay sa kanya at inaakay na siya nitong palayo. Nagsilapitan na rin kasi ang mga barkada ni Niko at mukhang reresbakan sila. Ganunpaman, parang may pumipigil kay Marius. He stared at Vina's pretty face one more time before he let his twin pulled him from the crowd.

Naisakay na siya ni Markus sa dala niyang sports car at nakalayo na sila nang sumabog ang galit ng mga barkada ni Niko. May hahabol pa sana sa kanila pero nakita niyang napigilan sila ni Vina.

Napasandal siya sa upuan. Nanghina. Naalala na naman niya ang ang mukha ng dalaga habang galit siyang pinagsasabihan. Bwisit! He only meant to impress her... 

PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon