A/N: Dedicated to the first one who voted the part. Sa succeeding parts naman, para sa unang mag-comment.
**********
Hindi maalis-alis sa isipan ni Vina ang tagpong nadatnan niya sa corridor ng College of Business nang umagang iyon. Malambing na naglambitin si Marie kay Marius para kumbinsihin itong sumali sa car racing na binubuo ng sorority nila. Imbes na magalit si Marius at hiyain si Marie sa harapan ng maraming tao gaya ng ginawa nito sa kanya, magalang lang itong tumanggi. Ba't gano'n? Ano ang espesyal sa babaeng iyon? Oo nga't pareho rin silang hindi pinag-aaksayahan ni Marius ng romantic interest, pero lamang pa rin ang bruhang iyon nang di hamak. Kahit noong nagpahayag ito ng damdamin sa araw ng Pink Festival, sinabihan lang ito ni Marius na hindi siya handa para makipag-commit sa isang relasyon. Hindi siya sinabihan ng kung anu-ano kagaya ng ginawa sa kanya. Ang unfair, Lord! Di hamak namang mas maganda ako sa babaeng iyon!
"Vina! Vina!" tungayaw ng mommy niya mula sa labas. Natigil siya sa pagmumuni-muni at kaagad na sinalubong ang ina. Humalik siya sa pisngi nito.
"I saw Niko's car leaving the compound. Did he give you a ride home again?"
"Yes, Mom."
Napabuntong-hininga ang mommy niya. Bumunot ito ng isang stick ng sigarilyo sa bag at nagsindi bago pasalampak na naupo sa couch.
"Much as I like Niko, hindi pupwedeng siya lagi ang naghahatid sa iyo."
Nagulat siya. Bakit naman hindi puwede? Their families have always been friends.
"Didn't I tell you to make yourself closer to the San Diego twins?"
Napayuko si Vina. Hindi na nakasagot.
"Niko is a fine boy. He also comes from a good family like you. Pero wala silang pera. All he can give you is a good name. Aanhin natin ang ganda ng pangalan kung wala namang datung?" patuloy pa ng ina sabay hitit-buga sa sigarilyo.
Hindi na naman nakasagot si Vina.
"Don't tell me that you're falling for Niko kaya hindi mo magawa-gawa ang simpleng inuutos ko sa iyo." Tumayo na ngayon ang mommy niya at hinarap siya.
"Of course not! Kaibigan ko lang si Niko."
Naningkit ang mga mata ng kanyang ina. Parang ayaw siyang paniwalaan.
"I'm---I'm in- in love with someone else," nahihiya niyang pag-amin.
"What? Are you telling me that you're not going to pursue either of the twins because you're in love with someone else?" Dumagundong na ang boses ni Mrs. McPhail.
"No, Mom. I mean---I'm in love with M-Marius," sagot niya. Mahinang-mahina ang boses niya nang sinambit ang pangalan ni Marius. Pero base sa ningning ng mga mata ng mommy niya, nabatid niyang narinig pa rin niya ito.
"Then what's keeping you from making the first move? Naiinip na ako sa iyo, ha? Noon ko pa sinasabi sa iyo iyan. Isang taon na lang ga-graduate na kayo sa college wala pa ring nangyayari."
"I already did, Mom." Mahina pa rin ang boses niya.
"And?"
"He---he r-rejected me."
"What? You of all girls? Are you sure? You're the prettiest and sexiest in that damn school! Paanong ayawan ka pa niya?"
Hindi na sumagot si Vina.
"You must do something again. Hindi pupwedeng susuko ka na agad. I'm counting on you. He is our ticket to a better future. You must understand walang-wala na tayo. Ang magaling mong ama, halos hindi na regular kung magpadala ng sustento. I don't even know where to get the money for your tuition fees next semester. Kaya mag-isip-isip ka." Pagkasabi no'n umakyat na ito ng hagdan patungo sa second floor ng bahay kung saan ang kuwarto niya.
"I could always change school, Mom," pahabol niya. Tumigil bigla sa paghakbang ang ina at galit siyang hinarap.
"That is not an option!"
"Why not?"
"Paano mo madidikitan ang mga San Diego kung lilipat ka?"
"There are other guys---"
Kumumpas lang ng kamay ang ina tanda ng pagbabalewala ng suhestiyon niya at nagpatuloy na ito sa pagpanhik ng hagdan. Naiwang malungkot si Vina. Ngayon siya lalong nababahala sa nagaganap na development sa pagitan nila Marie at Marius.
**********
Napasikdo ang dibdib ni Vina nang madatnang nag-iisa sa classroom ng Political Governance si Marius. Nakasubsob ang ulo nito sa ibabaw ng desk at mukhang natutulog. Nag-angat lang ito ng paningin nang maramdamang may tao.
"Oh, sorry for disturbing you," medyo nahihiya niyang sabi kasabay ng halos pag-tiptoe sa lagi niyang inuupuan. Sa bandang gilid ng binata.
"What are you doing here? Our prof has announced on his webpage that there's no class today," sabi lang nito sa inaantok na boses.
"We have no class today?"
Tiningnan siya nito na parang nawi-wirduhan sa kanya.
"Didn't you check on your phone?" sagot lang nito.
Paano ba niya sasabihin dito na pinaputol na niya ang linya ng cell phone dahil sa pagtitipid?
"I-I d-didn't check."
"He sent a group mail," patuloy pa ni Marius sa tinatamad na boses. Humikab pa ito at sumubsob uli sa desk. Nasaktan ang dalaga. Gano'n ba siya ka-boring kausap?
Tatayo na sana siya para lumabas ng kuwarto nang biglang sumulpot si Marie. This time she's alone. Nang makita siya't si Marius, biglang namula sa galit ang pisngi nito.
"What are you doing here?" sita nito sa kanya. Biglang napaupo nang matuwid si Marius. Parang naalimpungatan. Medyo nalito pa ito. Akala siya ang pinapatungkulan ni Marie ng tanong na iyon.
"And why not? Can't I rest here if I chose to?"
"Oh, sorry Marius. Nagising ba kita?" Biglang umiba ang timpla ng bruha habang nilalapitan ang binata. Umupo pa ito sa tabi ng huli at hinaplos-haplos ito sa braso na parang iyon ang paghingi niya ng dispensa.
"Ano sa palagay mo?" sagot naman ni Marius. Walang kangiti-ngiti.
"Para sana sa babaeng iyan ang tanong ko. Why are you alone with her, here?"
Sumulyap muna si Marius kay Vina bago dahan-dahang tumayo para makadistansiya kay Marie.
"Why not? May batas bang nagsasabi na hindi kami puwedeng magsama sa isang silid-aralan?" ssagot nito. Nakaupo na ito sa ibabaw ng desk na katabi ng kay Vina habang nakahalukipkip na tinitingnan si Marie.
"W-Wala naman," sagot ng dalaga sa mahinang boses at pinukol nang matalim na tingin si Vina.
"Iyon naman pala, e."
Hindi na matagalan ni Vina ang mga titig sa kanya ni Marie kung kaya tumayo siya at nagpaalam nang mauuna palabas. Pero naunahan na siya ni Marius sa pinto. Nang makalabas na ang binata, biglang hinila ni Marie ang kanyang buhok.
"Ouch! Why did you do that?" naiinis niyang sabi rito.
"Why? You're gonna fight me na?"
Bago makasagot si Vina, bumalik si Marius at hinila ang kanyang kamay.
"Stop this nonsense Marie. I'm not your boyfriend." Kasabay no'n, magkahawak-kamay silang lumabas ng classroom. Hanggang sa makababa sila sa ground floor ay hawak-hawak ni Marius ang kanyang kamay. Wala silang imikan. Ewan kung imahinasyon lang niya iyon, pero ilang beses niyang naramdaman na pinisil-pisil nito ang kanyang palad. Binitawan lang siya nang may mga kapwa-estudyanteng kilig na kilig na napatingin sa kanila.
"S-Salamat, ha?"
Hindi ito sumagot. Pero naningkit ang mga mata nang mapababa ng tingin. Napatingin din siya tuloy sa ibabang bahagi ng katawan sakaling may dumi ang puti niyang palda.
"Why do you love to wear short skirts? Hindi magandang tingnan." Pagkasabi no'n, tumalikod na ito. Iniwan siyang nakatanga.
BINABASA MO ANG
PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
Teen FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #1 (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********** Bully ang pagkakakilala ni Marius kay Vina dahil kinder pa lang sila ay mapagmataas na ito't mapagmalaki. Galing daw kasi sa angkan ng mayayaman. Kung tratuhin sila ni M...