CHAPTER TWENTY-TWO

58.5K 1.7K 79
                                    

                  

Medyo galit si Aling Nene nang dumating si Marius. Pinapasok nga siya nito pero mukhang mabigat ang loob nito sa kanya.

"Hindi pupwedeng umalis ni Alden ngayon."

"Wala naman po kaming pupuntahan, Aling Nene."

"Mabuti kung gano'n." At umalis na ito. Iniwan sila sa sala.

"Pasensya na 'tol," pabulong na hingi ng paumanhin ng kababata at nilingon pa nito ang ina. "Nalaman nila Mama't Papa iyong nangyari noong isang araw. Galit na galit sila."

Nangunot ang noo ni Marius. Ang alam niya maingat silang magkakapatid at naihatid ni Markus si Alden bago mag-alas dose ng gabi gaya ng ipinangako nito kay Mang Andoy.

"Dumaan kasi dito si Matias kahapon. Nagpasalamat sa pagkakaligtas ko sa kanya sa kamay ng kaibigan ni Niko. Nalaman tuloy ni Papa na binaril ko sa kamay iyong tao."

"Ba't niya sinabi iyon sa harap ni Mang Andoy?" naiiritang tanong ni Marius. Mahina lang din ang boses. Napatingin pa siya sa bandang kusina dahil baka biglang sumulpot si Aling Nene.

"Wala si Papa no'n pero nadaan si Ella at narinig kami. Ayun. Sinumbong niya ako kay Papa kaya --- nasuntok ako ni Papa. Hindi raw ako magandang halimbawa sa kapatid ko."

Napasabunot sa buhok si Marius.

"Galit din ba sa akin si Mang Andoy?"

Umiling si Alden. "Mas ako ang sinisi. Hindi raw ako nag-isip bago nagpaputok. Worried sila na ma-trace ng mga pulis na ako ang may kagagawan no'n. Ang isa pang ikinababahala nila, napanood daw nila sa TV kagabi na nagalit daw ang mga homeowners ng St. Claire. Kakasuhan daw ng trespassing sina Niko. Hindi ba tayo sasabit do'n 'tol?"

"Don't worry. May passes kami do'n kaya libre kaming makalabas-masok. Although matagal nang walang nakatira sa bachelor's pad ni Papa do'n it still belongs to him kaya technically ay parte kami ng village. And don't worry about the gun. Kung mate-trace nila ang pinanggalingan ng bala hindi ka naman sasabit dahil nakarehistro iyon kay Papa. Tsaka ang alam ko, pinulot ni Matias ang bullet."

"Sure ka ba ro'n?"

Tinaas niya ang kanang kamay. Nang hindi pa rin kumbinsido ang kababata kinurus niya ang daliri sa dila. Kapwa sila natawa.

**********

Natigil sa paglalakad si Vina. Naispatan niya kasi si Marius na nakikipaghabulan sa mga kaibigan nitong football player sa playground. Gaya ng mga kasama, nakahubad na rin ito at kumikinang na ang dibdib at abs sa butil-butil na pawis na dumadaloy sa katawan. Bigla siyang nag-init. Naalala niya ang pinagsaluhan nila ng nakaraang gabi.

Naramdaman siguro ng lalaking may nakatingin kung kaya natigil ito sa ginagawa at sumulyap sa direksiyon niya. Nang magtama ang kanilang paningin lalong nag-init ang kanyang mukha. Iniwas niya agad ang mga mata at nagpatauloy sa paglakad.

Isang hakbang na lang at mararating na niya ang library nang humahangos na dumating si Marius. Hinuli nito ang isa niyang braso. Awtomatikong nanginig ang kanyang kalamnan. Tila may isang boltaheng kuryenteng dumaloy dito. Hindi bago ang paghawak sa kanya ng lalaki at dati-rati'y hindi naman ganito ka tindi ang epekto nito sa kanya pero pagkatapos ng gabing iyon tila nag-iba ang lahat. Pakiramdam niya lalong naging intense ang nararamdaman niya para sa binata.

"Are you free tomorrow tonight?"

"H-Ha?"

"Golden anniversary ng kompanya nila Papa. My grandparents are celebrating it big time. I want you to come with me."

PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon