CHAPTER TWENTY-ONE

54K 1.7K 199
                                    

Kinabahan si Marius nang makasalubong ang kung ilang police patrol cars na parang nagmula sa direksiyon ng mansyon nila. Pagdating nga sa kanila, hindi lang ang porch light ang nakailaw kundi maging ang sala. Pagbukas niya ng pintuan narinig niya ang inang nangangatwiran.

"How would I know that three cars were missing? Mahigit singkwenta ang sasakyan mo sa garahe not to mention a bunch of your motorbikes! Kahit sampo pa ang mawala sa kanila ni walang makakapansin unless they count them one by one!"

Nang sulyapan niya ang mga kapatid, parang mga basang sisiw itong nakatungo habang nakatayo side by side. Kahit ang maangas na si Matias ay hindi nakaporma sa papa nila. Ni hindi ito nakasagot nang nilapitan ng ama at tanungin nang ilang beses kung sino ang may pakana ng lahat.

"You're just fourteen! Kailan ka natutong magmotorsiklo?"

Napatirik ng mga mata ang mama nila.

"Tatanungin mo pa. You bought them motorbikes for God's sake!"

"The motorbikes are mine! I didn't buy it for them."

"Kahit na. Nandiyan lang ang mga motor na iyan. At lalaki ang mga anak mo. Natural lang na pakikialaman nila iyan."

Siguro naramdaman ng ama ang presence niya dahil bigla na lang itong lumingon. Lalong umasim ang mukha nito nang makita siya.

"Mabuti't narito ka na. What the hell were you thinking bringing along all your brothers to fight your own battle? Pati sina Morris at Moses dinamay mo? Pa'no kung napatay sila ng Niko na iyon? What if lahat kayo napatay ng Niko na iyon?!"

Tahimik siyang tumabi sa kakambal. Sinagi ni Markus ang kamay niya. Alam na niya ang ibig nitong sabihin. Manatili siyang tahimik.

"You're not using your common sense, Marius! May mga awtoridad tayo. Why didn't you just report the incident? Why do you have to do the rescue operation yourself?"

"There was no time for that, Papa. And besides the village guards won't surely allow them in."

"No time for that?! Ang sabihin mo gusto mo lang magpasikat sa babaeng iyon at your brothers' expense! What now? The whole village knows it was Don Manolo's grandkids again who created havoc in the subdivision. Hindi n'yo na inisip ang kahihiyan ng lolo n'yo!"

"Well, at least they know by now that their guards are not reliable. Only Caden lives there. But they allow Niko and the rest of the gang to get in. They even allowed us, too, to get in. Sino ngayon ang may kasalanan do'n?"

Sinagi uli ni Markus ang mga daliri niya. Pinapatahimik siya nito.

"Marius," saway naman ng mama nila.

"Nangangatwiran ka pa?"

Hindi na siya sumagot, pero kinagat niya ang lower lip at bumaba ng tingin.

"From now on, you and Markus can't ride your own motorbikes. Mang Lauro will drive you to school!" Napadaing sila ng kakambal pero tumahimik din nang titigan nang masama ng kanilang ama.

"At kayong tatlo, Matias, Morris, Moses! Hindi lang kayo ipagmamaneho ng drivers natin, dadagdagan ko pa ang mga bodyguards n'yo. Tingnan lang natin kung makakalusot pa ang mga kabulastugan n'yo!"

Napasimangot ang tatlo pero hindi rin nakapagsalita. Tinawag ng kanilang ama ang sampo sa security personnel nila at sinabihan ang mga ito ng bago nilang assignment.

"Including us?" halos sabay na tanong nila Marius at Markus.

"Especially you, two! Tigdadalawa kayong bodyguards. Now go to your room!"

PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon