CHAPTER TWO

71.7K 2.3K 71
                                    

Sanay ang kambal na pinagkakaguluhan sila ng mga babae sa campus. Parte na ng morning routine nila ang naghihintay na grupo nila Marie sa gate ng eskwelahan. Paminsan-minsan pa nga, naroon din sina Vina at ang barkada nito. Nagkukunwaring may hinihintay na iba, pero alam nilang magkapatid na sila rin ang puntirya. Kaya gano'n na lamang ang pagtataka nila nang walang welcome entourage na naghihintay sa kanila nang umagang iyon. Nang mapadaan sila sa tapat ng Engineering Building, saka nila napag-alaman. May dumating daw na hot na hot na bagong estudyante. Fresh from Italy. Ipagkikibit-balikat na lang sana nila iyon kung hindi nahagip ng paningin ni Marius si Vina na nangunguna sa pakikipaghuntahan sa transferee.

"This guy must be special for Vina to be there," komento ni Markus. Napaismid lang si Marius. Hindi na nagsalita pero sa loob-loob ay nagkukukot ang kanyang kalooban.

Dederetso na sana sila sa Business Management Building, kung saan gaganapin ang klase nila nang umagang iyon, nang may tumawag sa kanilang pansin. Nakiraan ito sa grupo ng mga babaeng tagahanga at lumapit pa sa kanila.

"Hey, hey, hey. Long time, no see. How are you, guys?" bati ng lalaki sa tonong parang kay tagal na silang magkakilala. Ganunpaman, hindi friendly ang ekspresyon nito sa mukha. Parang sina-size up silang magkapatid.

Sa taas nilang lampas anim na talampakan at tatlong pulgada, halos ka-eye level lang nila ito. Hindi rin nalalayo ang pangangatawan nito sa kanila. Mas malaki lang nang kaunti ang mga muscles nito sa braso't dibdib kung kaya't nagmukhang body builder.

"Do we know you?" malamig na tanong ni Marius sabay tingin sa kaharap mula ulo hanggang paa. Naningkit pa ang kanyang mga mata dahil hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagbati ng estranghero.

"Don't you remember me?" at tumawa ito nang malakas. Tawa ng isang over-confident. No'n naman sumingit si Vina.

"Hindi n'yo rin siya nakilala, di ba? Ako nga rin kanina, e," natutuwang sabat ni Vina. Pumagitna pa ito sa kanila at pinakilala ang lalaki. "This is Niko Santini, guys! Remember the fat boy in our kindergarten class?" May pagmamalaki pa sa boses nito.

Biglang bumalik sa alaala ng kambal ang kindergarten days nila lalung-lalo na ang pang-aapi sa kanila ng matabang, batang lalaki na laging bumubuntot-buntot kay Vina noon. Sumulak agad ang dugo sa ulo ni Marius. Pero nagtimpi siya.

"Are we talking to you?" naiirita niyang tanong kay Vina. Kaagad namang pinamulahan ang dalaga. Bigla itong natahimik.

"Is that how you treat a lady?" agaw agad ni Niko. Hindi na ito nakangiting-aso. "You haven't changed at all. You may be rich now, but you're still a poor boy inside," at tumawa ito nang mapanuya.

Bibigwasan na sana ito ni Marius nang biglang pinigilan ng kakambal.

"C'mon. He's not worth the trouble. We promised, Mama, remember?"

"You may look different now, but you're still a fat boy inside," ganti na lang ni Marius.

"Oh yeah?" galit na hamon ni Niko. Susuntukin na rin sana nito si Marius kung hindi maagap na napigilan nila Vina at Marie.

Nangunot ang noo ni Marius nang makita ang masugid niyang tagahanga na kasama pala sa grupo ng mga babaeng nakipaghuntahan kanina kay Niko. Hindi man niya gusto ang babaeng ito, nainis siya na pati ito'y nagkandarapa sa dati niyang kaaway.

"We didn't know you're this violent, Marius," maarteng komento ni Marie na sinang-ayunan naman ng dalawa niyang asungot na sina Ritz at Celine.

"He has always been like that," sulsol pa ni Niko na lalong nagpainit sa ulo ni Marius. Pero bago pa siya matuksong suntukin na ito talaga, nahatak na siya palayo ni Markus.

"You should learn to control your temper. Hindi siya dapat pinapatulan."

"Nakakabuwisit siya, e! As always!"

Napalingon pa one more time si Marius sa grupo. Nahuli niyang sinusundan pala sila ng tingin ni Vina at nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. May nakanting kung ano sa damdamin niya. Na-guilty siyang hindi maintindihan. Parang pinagsisihan tuloy niyang sinigawan niya ito kanina.

PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon