Tila nagkaroon ng cease fire sa pagitan ng mga San Diego at grupo nila Niko. Na ikinatuwa na sana ni Marius. Ang kaso nga lang hindi lang ang hambog na archenemy niya at mga alipores nito ang nawala sa kanyang paningin. Maging si Vina ay naglahong parang bula.
"A penny for your thoughts?"
Napabuntong-hininga siya sabay tayo. Nauna na siya kay Markus papunta sa gym.
"You would love this. Narinig kong pinag-uusapan ng taga-Blue House na pumunta raw ang dad ni Caden kay Dean Marshall kahapon at nagmakaawa na huwag i-recommend for expulsion ang anak niya. Gano'n din daw ang ginawa ng mom ni Niko," nakangising balita ni Markus habang nagbibihis sila ng basketball uniform sa locker room. "Isn't it funny? Ang tapang-tapang nila last week at hinamon pa si Dad tapos hindi naman pala mapanindigan ang mga sinabi."
Tango lang ang sagot niya kay Markus. Hindi siya interesado. Hindi naman kasi ipinagtataka iyon. Ang mga kagaya ng ama ni Caden ay magaling lang sa salita.
"I heard Vina's dad is in danger," sabi pa ni Markus. Nalambungan ng kalungkutan ang masaya nitong mukha. No'n lang natigil sa pagsusuot ng pang-itaas na uniporme si Marius at hinarap ang kakambal.
"What do you mean in danger?"
Napangisi ang kakambal.
"You acted like Vina does not matter anymore pero concerned ka rin pala." Tumalikod si Markus sa kanya at nagpatuloy sa pagbibihis.
"What happened to Vina's dad?" naiiritang tanong ni Marius sa kapatid.
"He was shot," walangkagatul-gatol na sagot ni Markus. "His girlfriend's ex-husband was the culprit. The police are now on a manhunt for the suspect."
"That explains why," parang wala sa sariling nasabi ni Marius.
**********
"Sinabing okay lang ako, ano ka bang bata ka?" naiinis na protesta ni Mang Andoy.
"Pa, I agree with Marius. Dapat ka ngang patingnan sa ospital. Baka kasi kung ano na iyang ubo niyo kasi halos mag-iisang buwan na hindi pa rin bumubuti."
"Isa ka pa, e! Hay, gastos lang ito. Pang-matrikula n'yo pa ni Ella ang perang gagamitin ko sa pagpapa-tsek-up. Wala naman akong sakit."
"Andoy sumama ka na sa mga bata kung ayaw mong hambalusin kita riyan. Ano'ng walang sakit ang pinagngangawa mo riyan? Kung umubo ka sa gabi'y daig mo pa ang may TB! Baka mahawa pa kaming tatlo sa iyo," singhal ni Aling Nene.
Wala ngang nagawa ang matanda kundi sumama kina Marius at Alden sa ospital.
"Bakit dito pa Marius? Ang mahal yata rito. Mas okay naman si Papa sa isang clinic lang."
"Mas mabuti nang makasiguro tayong espesyalista talaga ang titingin kay Mang Andoy," kaswal na sagot ni Marius habang pina-parking ang sasakyan sa harapan ng isa sa mga ekslusibong ospital sa Alabang.
Dahil hindi sanay sa ganoong uri ng ospital, parang nangimi ang mag-ama nang pumapasok sila sa revolving door. Pero dahil kasama nila ang kalmado at buo ang loob na si Marius, naging kampante din ang dalawa.
Habang ini-X-ray si Mang Andoy, sumaglit si Marius sa lobby ng ospital. At biglang kumalabog ang dibdib niya nang makita ang pagpasok ni Vina. Nakasuot ito ng hanggang tuhod na bestidang puti na walang manggas. Natatakpan ng malaking sunglasses ang halos kalahati ng mukha nito at tila may pagmamadaling umakyat ito sa hagdan. Pasimple niya itong sinundan. Nakita niyang pumasok ang dalaga sa isa sa mga private rooms doon. Kahit hindi niya nakita ang loob, natiyak ni Marius na tama nga ang balitang nasagap niya. Dito sa ospital na ito dinala ang dad ni Vina.
BINABASA MO ANG
PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
Teen FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #1 (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********** Bully ang pagkakakilala ni Marius kay Vina dahil kinder pa lang sila ay mapagmataas na ito't mapagmalaki. Galing daw kasi sa angkan ng mayayaman. Kung tratuhin sila ni M...