A/N: Dahil ang tagal kong hindi nag-update, heto at sinunud-sunod ko ang 3 updates in 2 days. Baka matagalan uli. Hehehehe. Pasensya in advance. Don't forget to vote and comment, please. Mwah!
**********************************
Pagdating nila Marius at Markus sa campus nagulat sila dahil parang nagkakagulo ang mga estudyante. Kumpol-kumpol ang mga ito at mukhang may pinagkakaabalahan sa mga cell phones nila. May kakaibang kutob si Marius pero sinarili na lang muna niya ito.
"What's happening?" nagtatakang tanong ni Markus sa kanya.
"No idea," kaswal niyang sagot. Pero nagpalinga-linga na siya kung nasaan si Vina.
Umakyat agad sila ni Markus sa fourth floor ng College of Business building. Kahit may tatlumpong minuto pa bago ang simula ng una nilang klase sa umaga, niyaya na niya ang kakambal na doon na maghintay ng bell. Pero wala doon si Vina.
"O, akala ko ba dito na natin hihintayin ang bell?" nalilitong tanong ni Markus dahil nagyaya na naman siyang bumaba.
"Maiwan ka rito kung gusto mo," sagot niya. Wala na siyang oras para magpaliwanag. Dali-dali na siyang bumaba.
"Hey! Ano ba'ng nangyayari sa iyo?"
Imbes na sumagot, isa-isa niyang sinilip ang mga nakabukas na classroom.
"Oh I get it. You're looking for Vina," nakangisi nang sabi ni Markus. Nanunudyo ang mga mata nito. Pero kaagad na napalis ang panunukso sa mukha ng huli nang makitang parang sobrang nag-aalala ang kakambal.
"Is everything all right?" naaalarma nang tanong ni Markus.
"We have to find Vina," sabi na lang nito at dali-dali nang bumaba.
Halos wala nang tao sa ground floor. Mangilan-ngilan na lang ang naglalakad sa corridor o maging sa parking lot.
"Where did everybody go?" tanong ni Markus.
Hindi na sinagot ni Marius ang kakambal. Sinenyasan niya itong sundan nila ang isa sa miyembro ng Blue House na papunta sa likuran ng Science Building. At doon nga nila natagpuan ang halos lahat ng estudyante sa St. John's.
"Oh my God!" naibulalas ni Markus nang makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng lahat na naka-project sa white wall ng likuran ng Science Building. "Hindi ba't si Mrs. McPhail iyan?"
Napakuyom ang mga palad ni Marius. At halos sasabog ang puso niya sa galit.
Hindi na nag-aksaya ng oras pa si Marius. Dinampot niya agad ang laptop at galit na binagsak sa sahig. Inapak-apakan niya iyon habang si Markus naman ang sumira sa projector.
"The show is over, guys! Go back to your classes now!" sabi nito.
Maraming nagpahayag ng pagka-dismaya.
Alam ni Marius na si Niko at barkada nito ang may kagagawan ng lahat, pero wala sila roon. Kahit ang grupo nila Marie na hayagang nambu-bully kay Vina ay hindi rin makita sa crowd. Wala ring ideya ang mga estudyante kung sino ang nag-set up ng projector doon. Basta lang daw may nag-send ng group text na pumunta ang lahat sa likuran ng Science Building dahil may live show.
Buong maghapon nilang hinanap si Vina, pero hindi nila ito nakita. Lumiban kasi ito sa lahat ng klase niya nang araw na iyon. Nagbalak na nga si Marius na puntahan ito sa tinitirhan. Kaya lang nang pauwi na may namataan silang kung ilang grupo ng mga freshmen at sophomore girls na tumatakbo papunta sa iisang direksiyon. Nang sinundan nila ang mga ito, nakarating sila sa rooftop ng eskwelahan. Akala nilang magkapatid may pinapalabas na namang sex scandal video ng mommy ni Vina doon. Hindi pala. Pero doon nila natagpuan ang dalaga at siya ang sentro ng palabas.
BINABASA MO ANG
PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
Teen FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #1 (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********** Bully ang pagkakakilala ni Marius kay Vina dahil kinder pa lang sila ay mapagmataas na ito't mapagmalaki. Galing daw kasi sa angkan ng mayayaman. Kung tratuhin sila ni M...