CHAPTER TWENTY FIVE

64.5K 1.9K 125
                                    


A/N: Ito na ang last chapter, guys. Epilogue na ang kasunod nito, Maraming salamat sa lahat ng sumubaybay at walang sawang nag-vote at nag-iwan ng comment.

**********

Nangunot ang noo ni Vina nang makasalubong na naman sa harap ng College of Business Building ang apat na bodyguards nila Moses at Morris. Mukhang aligaga sila sa paghahanap sa mga alaga. Nagkapag-asa ang isa nang makita siya nito.

"Miss Vina! Mabuti't nandito ka. Nakita mo ba ang dalawang bata? Bigla na naman kasing nawala. Dapat may pasok pa sila ngayong oras na ito pero wala sila sa classroom."

"Paanong nalusutan na naman kayo, di ba dalawa kayong nakatambay sa labas ng klase nila?"

Napakamot-kamot sa ulo ang mama. Hindi ito nakasagot.

"Pare, balik na tayo sa grade school. Nandoon na raw sila!" sigaw ng isa nilang kasama.

"Sige, Ms. Vina. Mauuna na kami."

Napailing-iling ang dalaga at naglakad na rin siya papunta sa Arts and Sciences Building para sa huling klase niya nang umagang iyon. Nakaakyat na siya sa second floor nang mapansin ang dalawang binatilyong tumatakbo sa harap ng gusali. Nagtatawanan pa ang mga ito na tila may naisahan. Nang mapagtanto niyang sina Moses at Morris iyon tinawag niya at kinawayan. Tumigil naman sa pagtakbo ang dalawa at kumaway din sa kanya. Dali-dali siyang bumaba.

"Hali nga kayo rito. Ba't n'yo na naman tinakasan ang mga bodyguards n'yo?"

Nagtinginan muna sila at naghagikhikan bago sumagot.

"Ang OA naman kasi nila. Ayaw kaming payagan pumunta rito," pangangatwiran ni Morris.

"Bakit kailangan n'yo pumunta rito? Hindi ba't may klase pa kayo?"

"Computer class lang naman iyon. Kabisado na namin ang lesson," sagot naman ni Moses.

"Magkaklase ba kayo?"

"Grabe ka naman, Ate Vina. Fifth grade pa lang kaya si Morris."

No'n lang naalala ni Vina na isang taon nga lang pala ang agwat ni Matias kay Moses. Nawala sa isipan niya dahil halos kasing-tangkad lang ito ni Morris. Ewan niya kung umabot ito ng five four.

"Grade seven na iyan, Ate Vina, hindi lang halata."

"Ikaw naman, di ka na mabiro. Siyempre, alam ko," pampalubag-loob niya kay Moses. Na-sense niya kasing medyo nasaktan ito't napagkamalang elementary pa lang sa halip na junior high school na.

"Teka, saan kayo galing kanina? Alam n'yo bang aligaga na naman ang mga bodyguards n'yo sa kahahanap sa inyo?"

Nagtinginan muna ang dalawa bago sumagot.

"Can you keep a secret, Ate Vina?" Si Moses uli.

Bago siya nakasagot, lumapit sa kanya si Morris at may ibinulong.

"Kuya Niko is teaching us how to hack websites!"

"Please don't judge us!" sabi naman ni Moses. "We're only planning to use it on bad people."

Napailing-iling siya. "Hindi naman iyan ang concern ko. Your Kuya Marius will surely get mad if he finds out you're getting close with Niko. Stay away from him, okay?"

"Don't worry, Ate Vina. He has completely changed his ways. In fact, he's doing all he can so Marie will drop her bullying case against you. Tsaka, ang dami niyang naitulong sa amin," sabi pa ni Moses.

PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon