CHAPTER THREE

68.8K 2.2K 144
                                    


Bahagi na ng tradisyon ng St. John's Academy ang Pink Festival na ginaganap sa ikalawang Lunes ng Mayo, isang buwan bago magsara ang klase. Layunin ng naturang selebrasyon na bigyang puwang ang mga kababaihan na magpahayag ng kanilang saloobin sa lalaking tinatangi. Sa araw na ito, kahit sinong babae, maboka man o mahiyain, ay nagkakaroon ng lakas ng loob na magsabi ng nilalaman ng puso nila sa maswerteng lalaki. Paano ba naman, halos nobenta y singko porsyento raw ang success story nito. Isa na riyan si Percy Larrazabal, ang siyang pasimuno ng lahat.

Nasa junior high school pa lang noon si Percy nang nagkalakas-loob siyang magtapat kay Magnus San Diego sa harap ng maraming tao. Hindi man sila nagkatuluyan, naging usap-usapan naman ang total kilig love story nila na gustong tularan ng mga bagong henerasyon.

"Excited ka na ba para mamaya? Dinig ko may magtatapat na naman daw sa iyo?" biro ni Markus sa kakambal. Katatapos lang ng basketball practice nilang dalawa at naglalakad na sila papunta sa school canteen para magmeryenda.

"Hindi na ba sila nadala noon kay Marie? Sino na naman ba ang binuyo ng palpak na Pink House committee na iyan?" arogante namang sagot ni Marius habang nagpapahid ng pawis sa noo at leeg gamit ang tuwalyang nakasampay sa batok.

"Pumalpak nga ba sila o gusto mo lang patunayan na walang kuwenta ang Pink Festival?" panunukso pa rin ni Markus.

"Have you forgotten? Sino nga ba ang pasimuno ng festival na iyan? Hindi ba ang malanding ex ni Papa? Tsaka kahit hindi naman dahil kay Tita Percy, nungka akong magkakagusto sa babaeng nagpapaalala sa akin kay Clown."

"All right, if you say so. Pero I heard, hindi na si Marie ang napili nila this year. I'm excited na nga kung sino, e."

Hindi na nakasagot si Marius. May tiningnan kasi ito sa malayo at biglang naningkit ang kanyang mga mata.

"Di ba sina Matias at Moses iyon?" tanong ni Marius kay Markus sabay nguso sa dalawang nakababatang kapatid na nakapuwesto na malapit sa Pink House, ang panggagalingan mamaya ng tatlong babaeng napili para magpahayag ng kanilang damdamin sa publiko. Oo, gaya ng sinabi ng kambal, pinipinili ng Pink House committee ang maswerteng babae. Hindi lahat ng atat ay puwede na. Isinasailalim pa kasi sa masusing pananaliksik ang lahat. Kailangang may ninety-five percent chance na mutual ang feelings ng dalawa para hindi naman maging kahiya-hiya ang babae.

"Ano'ng ginagawa ng dalawang iyan diyan? Ang alam ko may klase pa ang mga iyan ngayon," sagot naman ni Markus. May sasabihin pa sana ito, pero hindi na natuloy dahil naglakad na ang kambal palapit sa mga kapatid nila. Sinunndan na lang nito si Marius.

"Pati ba naman kayo naloko ng walang kuwentang festival na ito?" bungad kaagad ni Marius kina Matias at Moses.

"May bago raw kasing magtatapat sa iyo Kuya. And this time daw, the Pink Committee is pretty sure that they nailed it. Excited na kami kung sino ang maging future hipag namin," nakangising sagot ni Matias. Hindi man lang nasindak sa iritadong boses ng panganay.

"Oo nga, Kuya. All my classmates are betting all their one week's allowance that you would love this girl," sang-ayon naman ni Moses sa tonong parang nagbibiro na parang seryoso.

Kunwari'y napatirik lang ng mga mata si Marius. Napangisi naman si Markus, pero pinagsabihan ang dalawa na hindi nito nagustuhan ang pagka-cut classes nila dahil lang sa isang bagay na hindi naman importante.

"Ano'ng hindi importante? This could define the future of the San Diegos," sagot agad ni Matias. Todo-ngisi pa rin. Pabiro itong kinutusan ng kuya niya.

"But you guys have to go back to your classes as soon as possible," sabi na lang ni Marius sa kanila at niyaya nang umalis doon si Markus.

"Won't you even watch the girl as she proposes to you? Di ba SOP iyan?" si Moses naman.

"Nah. We have better things to do."

Pero hindi na nakaalis sina Marius at Markus dahil bigla na lang silang hinarangan ng Pink Securities, ang in-charge sa peace and order ng okasyon. Kasabay no'n lumabas sa harap ng Pink House ang emcee at nagbigay-hudyat ito sa lahat ng naroroon na magsisimula na raw ang pinakaaabangan ng lahat. Pagkasabi no'n, parang kabute na nagsulputan mula kung saan ang audience mula Junior High School Department hanggang college. Gulat na gulat sila dahil doble ang manonood kung ikompara sa nagdaang taon. Halos mapatid na nga ang ginawang cordon ng organizers dahil ang daming gustong makalapit sa Pink House.

Nang isa-isang lumabas ang dalawang hindi kilalang babae at magpahayag ng hindi mapantayang pag-ibig sa hindi rin nila kilalang mga lalaki, Marius yawned. Kung hindi dahil sa pagpipigil ng mga security officers ay kanina pa siya umalis do'n.

Kung kailan inisip na niyang gino-good time lang siya ng mga kapatid, dahan-dahang naglakad papunta sa harap si Vina. Nakasuot ito ng one-piece red dress na walang manggas na halos hindi umabot sa kalagitnaan ng hita. Nang nag-angat ito ng mukha, nagulat si Marius dahil kontodo make up ito which she doesn't normally do. Nang magtama ang kanilang paningin, napayuko nang bahagya si Vina. Dumagundong naman ang puso niya. Medyo natatakot siyang may ibang pagtatapatan ang dalaga. Pero at the same time, bwisit na bwisit siya sa ayos nito.

"I think---I've loved you since I first saw you in our kindergarten class," panimula ni Vina, medyo garalgal ang boses. Halatang kinakabahan. Maging si Marius ay halos hindi rin humihinga. But it was painful for him to watch her dressed that way. Hindi naman kasi iyan ang Vina na nakilala niya. Dahil medyo asiwa, he tried to look elsewhere. At no'n nagtama ang paningin nila ni Niko, na mukhang nagbubunyi. Nangunot ang noo ni Marius. Para kasing feeling ng ungas na siya ang pinapatungkulan ni Vina. Posible. Nagkakilala rin kasi ang dalawa noong kindergarted days nila.

"We didn't hit it off because----because I b-bullied you. I hope you didn't take it against me. I just didn't know how to handle my feelings. G-gusto ko lang namang mapansin mo. And now, I'm taking my chances dahil---dahil gano'n kita kamahal, M-Marius San Diego." Halos pabulong na lang ang huling kataga ni Vina pero dinig na dinig ng lahat. Nagsigawan agad ang mga tao. Hinampas-hampas siya ni Markus sa balikat habang sina Matias at Moses nama'y napasuntok sa ere na parang nanalo sa malaking pustahan.

Habang ang lahat ay tuwang-tuwa at sobrang excited sa mga kaganapan, si Marius nama'y hindi lubos na nasiyahan. Kung maaari nga lang hablutin si Vina at pagbihisin agad-agad ay ginawa na niya. Kahit may pagkabastos siya hindi naman niya kayang gawin iyon, kaya he remained as stoic-faced as possible. Nang hiningi na ang kanyang kasagutan, tumanggi siya pero naitulak na siya ng mga kapatid sa harap ng babae. Inudyukan siya ng mga ito na sabihin na raw niya ang tunay na saloobin sa dalaga.

Nang magkaharap na sila, nakita niyang medyo nanginginig sa kaba at hiya si Vina. Pero ang umagaw sa atensyon niya ay ang itim nitong lipstick. Why, oh why, of all colors?

"Hindi ka na nahiya. Look at yourself. Your dress. Your make up. They make you look cheap and slutty," bulong niya sa dalaga.

Ang hindi alam ni Marius, nahagip iyon ng lapel mic ni Vina at narinig ng lahat na nandoon. Nagulat na lang siya nang namulang parang kamatis ang mukha at leeg ng babae at bigla na lang itong tumakbo papasok ng Pink House kasabay ng maugong na bulung-bulongan ng pagkadismaya.


PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon