CHAPTER ONE

89.2K 2.6K 167
                                    


Kilala ang St. John's Academy bilang paaralan ng mga mayayamang angkan sa Maynila. Sa tuwing umaga, animo'y may parada ng luxurious cars sa kolehiyong iyon dahil bawat mag-aaral ay hinahatid ng pinakamagara nilang sasakyan. Puwera na lang ang dalawang estudyante. Na simula't sapol ay pumapasok nang nakamotorsiklo lamang.

"Ayan na sila!" maririnig na sigaw ng kumpol ng mga kababaihan. Sadyang matiyagang naghintay ang grupong iyon sa pagpasok ng dalawa sa pinaka-popular na estudyante ng eskwelahang iyon. Ang kambal na sina Marius at Markus.

Mauunang bababa si Marius at pagkatapos tumango sa mga die-hard fans niya ay dali-dali na itong papasok sa locker para makapagpalit ng school uniform. Maiiwan naman si Markus na siyang laging humaharap sa mga tagahanga nila.

"What's wrong with your twin, Markus? He's always a snob!" tampo kunwari ni Marie, ang anak ng gobernador na halatang patay na patay kay Marius.

"I'm sorry. He's not just feeling well," lagi na lang ay alibi ni Markus sa kanila.

"Again? He's always like that. Maybe he doesn't like us," sabi naman ni Celine, ang kaibigan ni Marie. Nag-pout pa ito.

Tumpak! Pero siyempre, kahit halata na, ipagtatanggol pa rin ng binata ang kakambal. Kakamot-kamot pa ito kunwari sa ulo na animo'y nahihiya. Alam kasi nitong effective iyong pantakip sa kasinungalingan.

"Naku, if you're not guwapo we'll think that you're lying," sabat naman ni Ritz, ang anak ng Mayor ng Maynila at siyang kaibigang matalik ni Marie. Kinurot pa nito ang pisngi ni Markus.

Tumawa na lang nang marahan ang huli at nag-excuse sa grupo. Hindi pa ito nakakalayo sa mga babae, nag-ring na ang phone nito.

"Ba't ang tagal mo? Nasa'n ka na?" sunud-sunod na tanong ni Marius Mukhang naiirita na. Nagtaas na nga ito ng boses.

"I'm coming," at tinakbo na ni Markus ang locker nila.

Pagdating na pagdating nito sa pribado nilang silid, initsa lang ng kapatid ang school uniform nito at nauna nang lumabas. Dali-dali namang nagbihis si Markus para mahabol niya ang kakambal at sabay silang makapasok sa first period nila nang umagang iyon.

"Ba't na naman mainit ang ulo mo?"

"Who wouldn't get mad? Akala ko ba nagawan mo na ng paraan para tumigil sa kakahabol ang Marie na iyan sa akin! She's not my type. She'll never be."

Napatirik ng mga mata si Markus.

"Hindi ka naman inaano no'n, a. What's wrong ba?"

Tumigil na sa kalalakad si Marius at hinarap ang kapatid.

"Ano'ng hindi inaano? Sa tuwing darating tayo sa school, kulang na lang ay salubungin niya tayo ng banda at sabitan ng lei. I hate it! It's embarassing! Buti sana kung maganda."

"C'mon! You're being too harsh on her. She's okay naman, a. She's very pretty. Makapal nga lang mag-make up," at napabungisngis si Markus. May naalala. Nang magkatinginan silang magkapatid, may humulagpos ding ngiti sa mga labi ni Marius na pilit niyang pinipigilan pero nakalusot pa rin.

"Naalala mo pa rin ba siya?"

Who could forget her? Siya ang ginawa niyang pamantayan ng babaeng hinding-hindi niya magugustuhan. Sasagot pa sana si Marius nang bigla na lang may naamoy na halimuyak. A few seconds later, lumitaw ang isang babae. Tumingin lang ito sa kanilang dalawa at nagpatuloy nang maglakad in an opposite direction. Saglit na tumigil ang pag-inog ng mundo. Sinundan niya iyon ng tingin.

"Hey!" untag ni Markus sabay tapik sa balikat niya.

"H-Ha?" Nang makita niyang ngumiti nang makahulugan ang kakambal, pinukol niya ito nang masamang tingin.

"She still has that effect on you, ha?" nakangising komento ni Markus.

"Stop. Huwag mo akong galitin at may atraso ka pa sa akin."

"Nakakatuwa. After all these years---gano'ng-gano'n pa rin ang epekto niya sa yo."

Sinimangutan ni Marius ang kapatid at nauna na itong pumasok sa Math class nila.


PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon