Ala una y medya pa lang ng hapon, pinatawag na si Vina ni Mr. Facundo. Pagdating niya sa upisina ng presidente pinapasok siya agad ng sekretarya nito sa conference room. Nandoon na ang gobernador at ang asawa nito pati na rin ang head ng OSA, ang guidance counselor at siyempre pa si Mr. Facundo. Masaya ang tatlong nakikipaghuntahan sa mag-asawa. Nag-iba lang ang ambience ng silid nang pumasok ang dalaga. Biglang tumigas ang mukha ng gobernador at umasim naman ang sa misis nito. Ang mga school officials naman biglang sumeryoso.
"Where's your mom?" tanong agad ng presidente.
Umismid agad si Mrs. De la Rosa. May ibinulong ito sa asawa at napangiti ang gobernador.
Bago makasagot si Vina, kumatok ang sekretarya at lumitaw ang ulo ng dad niya. Nakita ng dalaga na parang napamaang ang asawa ng gobernador maging ang guidance counselor pagkakita sa kanyang ama. Nag-double take nga rin si Mr. Facundo at ang head ng OSA. Proud namang sinalubong ni Vina ang ama na sa tikas ng anyo ay mapagkamalan pang Hollywood actor. Malaki nga raw ang pagkakahawig nito kay Rob Lowe na isa sa mga guwapong actor ng Amerika.
"This is my dad, sir," pagpapakilala ni Vina sa ama sa presidente ng eskwelahan.
"How are you, Mr. Facundo?"
Hindi agad nakasagot ang matanda. Marahil sa kadahilanang ang mommy niya ang inaasahan nitong dumating.
"I---I actually did not expect to see you, Mr. McPhail because---you know," at kumumpas-kumpas ito. "Bueno, dahil nandito na ang hinihintay natin let's start the meeting. Oo nga pala, this is Mr. Raymundo, the Head of the Office of Student Affairs, Prof. Jane De Guzman, the school's guidance counselor, and of course the De La Rosas."
Stoic-faced ang gobernador. Ang asawa naman nito'y ngumiti kay Mr. McPhail. Mukhang umiba ang timpla niya. Si Vina nama'y kinabahan na hindi maintindihan lalung-lalo na nang magsimula na sa sanaysay nito ang gobernador.
**********
"What are you doing?" pabulong na tanong ni Markus sa kanya dahil panay ang butingting niya sa cell phone. "Put your cell phone in your pocket. Professor Randolf is looking at you."
"Marius San Diego. You seemed to be very busy there at the back. I assume you're reading the materials I uploaded on our website. Could you help me explain to the class John Stacey Adams equity theory of motivation?"
"Sinasabi ko sa iyo kanina pa. Hayan tuloy," bulong uli ni Markus.
Dahil wala sa klase ang pokus ni Marius, napakamot ito sa ulo. Wala siyang kaide-ideya kung ano ang pinagsasabi ng Amerikanong guro.
"Ah---sir, it's --- it's about equity?" Tawanan ang buong klase. Shit! I made a fool of myself!
Nagtaas ng kilay ang guro. Tiningnan siya nang masama. Si Markus naman panay ang paninisi sa kanya. Hindi raw kasi siya nakikinig. Nakakahiya raw siya.
"Markus San Diego. Were you coaching your twin?"
Napaupo nang matuwid si Markus. "No, sir."
Hindi naniwala ang guro.
"All right. You seemed to know more. You help your twin."
Tumikhim muna si Markus to clear his throat. Sa buo at confident na boses ay sumagot siya ng, "Sir, John Stacey Adams' equity theory of motivation is based on the assumption that people are motivated by fairness or equitableness. If they think that their contribution and rewards ratio are equitable with that of their referent groups---groups they compare themselves with, then they feel motivated. However, if they sense that there is inequities, say for instance, their referent group is giving little contribution but is rewarded more than them who exerted more effort, then they will try to adjust their behavior in the organization in such a way that they will achieve fairness. In short, those who feel they are being short-changed by their employers relative to their co-workers are more likely to be less motivated to perform."
BINABASA MO ANG
PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
Teen FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #1 (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********** Bully ang pagkakakilala ni Marius kay Vina dahil kinder pa lang sila ay mapagmataas na ito't mapagmalaki. Galing daw kasi sa angkan ng mayayaman. Kung tratuhin sila ni M...