Napakuyom ang mga palad niya nang makita kung sino ang sumalubong kay Vina sa harap ng Hotel de Versailles, nag-iisang six-star hotel sa bansa. Isang dirty old man! At base sa interaksyon ng dalawa mukhang matagal na silang nagtatagpo sa hotel na iyon.
Wala kang pinagkaiba sa nanay mo! I gave you a chance. A part of me believed that I could be wrong about you pero...
"Ano na naman ang nangyari sa iyo? Mukha ka na namang zombie," salubong sa kanya ni Matias pagdating na pagdating niya sa kanila.
"Bro," si Markus. Mukhang worried. Kakapaalam lang nito sa kausap sa telepono.
Hindi niya pinansin ang mga kapatid. Umakyat siya agad sa kuwarto. Sinundan siya ng kakambal.
"May tumawag na taga-Blue House. Nanganganib daw ang buhay ni Vina. May kakaibang plano si Niko at sampo ng mga barkada niya."
Naghubad siya ng t-shirt at pantalon. Dinedma ang binalita ni Markus.
"Hoy! Narinig mo ba ako?" medyo nababahalang sabi nito. Sinundan-sundan pa siya habang nagbibihis ng pambahay. "Ang sabi ko, may pinaplano sina Niko kay Vina."
"I heard you."
"O, ano'ng gagawin natin?"
"I'm tired. I want to sleep." At pabagsak siyang nahiga sa kama.
Itinayo siya ng kakambal.
"We don't have much time left. We have to do something."
Galit niyang inagaw ang kamay sa kapatid. "Look, if you want to be a hero, go ahead! Huwag mo na akong idamay diyan. I don't care about that bitch anymore!"
Natigilan si Markus. Tinitigan siya nito.
"May hindi ka sinasabi sa akin," sabi nito sa mahinang tinig. Natahimik si Marius. Napakuyom uli ang mga palad niya. Bigla na naman kasing bumalik sa alaala ang tagpo sa hotel.
"She's a fraud."
"Ha?"
At kinuwento niya nang buong-buo ang natuklasan niya kay Vina simula sa aksidenteng pagkadinig niya ng usapan nila ng mommy nito hanggang sa eksena sa hotel.
"That explains..." sabi lang ni Markus pagkatapos. Inakbayan siya nito at pinisil-pisil sa balikat. "Pero --- nanganganib talaga ang buhay niya. Kahit ano pa'ng ginawa niya sa iyo she deserved to be helped. Afterall, may kinalaman ka rin dito. Kaya siya pinapasakitan ni Niko dahil he's thinking he's getting back at you through her."
Hindi pa siya nakasagot, may sunud-sunod na kumatok sa kuwarto nila. Hindi na hinintay ng mga intruders ang permiso nila. Kaagad na bumukas ang pintuan at pumasok sina Moses at Morris. They both looked worried.
"Did we say you could get in?" salubong niya sa dalawa.
"Kuya, we got some reliable info. Niko and his friends are plotting something against Vina tonight. What should we do?" nag-aalalang sabi agad ni Morris. Hindi pinansin ang kalamigan niya.
"We heard that from Caden himself. Napagawi kasi kami kanina sa Blue House, e," sabi naman ni Moses habang inaayos ang eyeglasses sa mukha.
"Ano'ng "we"? You guys stay out of this! At ano'ng pinaggagawa n'yo't napasyal na naman kayo sa College Department kanina?"
Hindi na sumagot ang dalawa. Tila nag-tutulakan kung sino ang dapat magpaliwanag.
"Are you sure about your info?" sabat ni Markus. "Ano raw ang gagawin nila kay Vina?"
BINABASA MO ANG
PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
Fiksi RemajaSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #1 (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********** Bully ang pagkakakilala ni Marius kay Vina dahil kinder pa lang sila ay mapagmataas na ito't mapagmalaki. Galing daw kasi sa angkan ng mayayaman. Kung tratuhin sila ni M...