A/N: Dedicated to the first one who wrote a comment! :)
**********
Marius was halfway home nang sunud-sunod na nag-ring ang cell phone niya. Dahil nagda-drive ng motor, hindi niya iyon pinansin.
Nang maabutan siya ni Markus sumenyas itong kailangan daw nilang bumalik ng school at nag-U-turn na nga ito. Nagtataka man, sinundan niya ang kakambal. Nang maabutan niya ito dahil tumigil for the red light, naiinis na tinanong niya ito kung bakit. Bumuka-buka ang bibig ni Markus pero hindi niya narinig.
"What?" paangil na tanong uli niya sa kapatid.
Tinanggal ni Markus ang parte ng helmet na tumatakip sa bibig at pasigaw siyang sinagot ng, "Shelby's missing!"
"What?!"
Nang mag-green na ang traffic light, daig pa'ng hinahabol ng sampong demonyo na nag-unahan ang kambal pabalik sa gate ng eskwelahan. Nadatnan nilang umiiyak si Aling Ising. Mayamaya dumating na humahangos si Mang Pedro, ang isa sa mga driver nila. Pagkakita sa kanilang dalawa ni Markus, parang natakot ito.
"Wala pa ba rito, Ising?" tanong ni Mang Pedro kay Aling Ising sa mahinang tinig. Parang takot iparinig kina Marius at Markus.
"Ba't nawawala si Shelby?" matigas na tanong ni Marius. Nagpabalik-balik ang tingin niya kay Aling Ising at Mang Pedro.
"E s-ser, a-ang sa-sabi po n-niya kase----," hindi na ito natuloy sa pagkukuwento dahil humagulgol na. Nanginig pa sa takot.
Siniko ni Markus si Marius.
"Lalo mong tinatakot ang tao, e. 'Lika na nga, hanapin na natin."
"Pedro i-check mo do'n sa guard sa likod. Kami na ni Markus ang bahala sa loob."
"Sige po, ser," magalang na sagot ni Pedro. Bahagya pa itong nakayuko.
Sumakay uli sa motorsiklo ang kambal at umikot sila sa buong campus ng elementary department ng St. John's Academy. Kahit doon may nakakilala sa kanila. Ang mga grade six girls ay tumili pa nang huminto si Marius at nagtanggal ng helmet para magtanong.
"Is that Morris' kuya? Ang guwapo!" sabi ng isa.
"Eeeeee! I'm gonna faint, I'm gonna faint!" hirit naman ng isa pa.
Napakagat ng labi si Marius sa pagpigil ng inis. Ke babata, ke lalandi na!
"Hi there!" bati niya sa mga batang babae. Sinikap niyang maging devoid of emotion ang boses. "I just wanna ask. Have you seen Shelby?"
"They're done with their class na, a. My sister nga who's in the same class has gone home na. Bakit po ba? Is Shelby missing?" sagot naman ng isa pa.
Pinigil ni Marius na mapatirik ang mga mata.
Magtatanong ba ako kung hindi siya nawawala? Ang pagkaimpertinente pala ng mga kababaihan ay present in all grade levels.
"All right. Salamat na lang," at pinasibad na niya ang motor. Hindi na niya binalik ang helmet. Pagdating niya sa junior high school building, naispatan niya agad sina Morris at Moses. Nasa umpukan ng mga kabarkada. May pinapakita sa kanila si Moses sa video camera nito. Nang makita siyang paparating, kaagad nitong pinasa sa kaibigan ang video cam at tumayo nang matuwid para harapin siya.
"Nasabihan ba kayo ni Manang? Shelby's missing!" bungad agad ni Marius sa dalawa.
"Ha? Di ba kanina pa uwian nila?" sagot naman ni Morris.
"Kaya nga. But she's nowhere to be found! Kaysa magdaldal kayo diyan sa mga kaibigan n'yo, why don't you help us out?"
No'n naman dumaan si Markus. Tumigil ito saglit at tinanong sila kung may balita na kay Shelby. Worried na worried na ito.
BINABASA MO ANG
PEKS MAN, CROSS MY HEART! (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
Teen FictionSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #1 (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********** Bully ang pagkakakilala ni Marius kay Vina dahil kinder pa lang sila ay mapagmataas na ito't mapagmalaki. Galing daw kasi sa angkan ng mayayaman. Kung tratuhin sila ni M...